Chapter 32 Umalis si Axel at hinayaan ko siya. Hindi muna siya kailangan doon kasi gusto kong ipamukha sa kanya, sa kanila ang lahat. Gusto kong malaman ng ama kong pabaya kung anong bunga ng ginawa niyang pagtalikod sa aming mag-ina. “Hindi ho ba ninyo ako namumukhaan? Hindi ba ninyo ako nakikilala?” tanong ko agad. Kumunot ang noo ng Daddy ni Axel. “Anong sinasabi mo, Fay?” “Tama na ang drama. Bago ka pa pumunta dito babae, kinilala ka na namin. Nagbayad na kami ng imbestigador kung sino ka, sinong magulang mo. Nagsisinungaling ka pa.” “Nagsisinungaling? Dad, anong sinasabi ninyo?” “Hindi Miriam ang pangalan ng Mama niya kundi si Marian. Hindi ba tama ako? Marian Fernandez Soriano ang buong pangalan ng Mama mo at hindi si Mriam na sinasabi mo? Itinira kayo ng pamangkin ko sa binil