CHAPTER 31 “Basta relax! Hindi ko inisip na magagawa ni Dad na ipagtabuyan ka. Si Lolo naman, alam kong kokontra sa una ngunit susunod din lang naman sa kung ano ang gusto ko in the end. Naiintindihan ko sila kung may mga tanong sila sa’yo kasi alam kong gusto lang din nilang sukatin kung gaano mo ako kamahal. Kung ano talaga ang intensiyon mo sa akin.” Tinitigan niya ako saka siya pumuwesto sa likod ko at niyakap ako. “Mahal, kung sakali bang hilingin ni Daddy o ni Lolo o kahit ni Tita na layuan mo ako, gagawin mo ba?” “Pag-iisipan ko. Ang tanong lang naman diyan ay kung magkano naman ang ibabayad nila sa akin kunsakaling gusto nilang layuan kita?” Nagbago ang kanyang mukha. Hindi siya makapaniwala lalo pa’t seryoso ako nang sinabi ko iyon. “Ganun? May presyo ba talaga?” Humagalpak