Chapter 10 Pumasok kami sa sikat na subdivision na tanging mga bilyonaryo, pulitiko, mga negosyante at mga artista ang nakatira. Para akong nakapasok sa isang napakayamang bansa na walang nakikitang nagdarahop. Doon ko nakita ang buhay na malayong-malayo sa kinagisnan kong buhay. Lahat ng bahay ay parang mansiyon sa laki. At alam ko na kung itabi ako kay Axel ay isa lang akong langgam na umaakyat sa isang pader. Naalala lo tuloy kung paano ko siya pinahirapan at kung ano itong aking ginagawa sa kanya. Napabuntong-hininga ako. Hindi ako nakapagsalita at lalo akong nalula nang nakita kong pumasok ang sasakyan sa pinakamalaki at pinakamagarang bahay sa subdivision na iyon. Iyon na ang pinakamalaki kong napasok na bahay sa buong buhay ko. Napakalaki kasi talaga nito, may sariling swimming p