CHAPTER 9 “Mabuti naman! Tara na kuya! Let’s go!” Sinenyasan niya ang driver niya at mabilis namang sumunod at huminto sa tapat namin. “Akala ko tuluyan na tayong mapapaaway kanina, sir. Lumalapit na kanina yung enforcer sa akin eh. Kinabahan ako’t baka mahuli na naman,” wika ni Kuya Driver pagkasakay namin at binilisan na niya ang takbo ng sasakyan. Kung di ko lang iniisip na naglilikha ng traffic ang aking kaartehan, magmatigas pa sana muna ako pero marami na kasing nadadamay sa kaartehan ko eh ang totoo, sasama naman na talaga ako. “Ako ang mamili kung saan tayo pupunta ha?” sabi ko sa kanya. “What? Come on! Ako ang nagyaya at may arrangement na akong ginawa. I made my reservation na.” “Then cancel it.” “This is unbelievable! Di ba dapat ako ang mamili dahil ako ang nagyaya?” “Ay