Chapter 49 Pinigilan ako ni Papa na makalapit sa bangkay ni Mama. Kahit anong pagwawala ko ay hindi niya ako binitiwan. Nanginginig ang buo kong katawan. Pauli-ulit koong isinisigaw ang "Mama!!!" at ang paninisi ko sa aking sarili. Kagaya ko, nakita kong umiiyak din si Papa. Iniiyakan niyang muli si Mama. Alam kong nang mga pagkakataong iyon, hindi lang ako ang nasasaktan. Nasasaktan din si Papa. Hanggang sa naramdaman na lang uli na nahihirapan na naman akong huminga. Naninikip na naman ang dibdib ko at wala nang boses pang lumalabas sa bibig ko kahit itodo ko pa ang pagsigaw. Hindi ko na nakokontrol pa ang panginginig ko. Hanggang sa wala na akong marinig pa sa paligid. Dumilim na rin ang aking paningin. Sa hospital na ako nagkamalay. Ngunit sandali lang iyon dahil muli akong tinusuka