Chapter 15 Mabilis akong lumabas para makita agad kung sino ang may gawa no’n pero paglabas ko, nakatakbo na. Pati si Mama ay napabangon nang marinig iyon. “Anong ingay ‘yon, Fay? Sinong sumipa sa pinto natin?” tanong niyang parang ninenerbiyos. “Nakatakbo na po eh! Hindi ko ho naabutan,” sagot ko. “Pero bakit? May nakaaway ka ba sa labasan, anak?” “Wala ho Mama. Saka bakit naman ako makikipag-away?” pagsisinungaling ko. “Sige ho. Matulog na ho kayo. Ayusin ko lang ho ang nasirang pinto natin,” sabi ko. Pagkatapos kong maayos ang sira naming pinto ay pumasok na ako sa loob. Hindi ko na lang sasabihin kay mama ang nangyari. Alam kong ayaw niya na ginagaya ko ang ama ko. Ngunit hindi ko pinagsisihan ang ginawa kong ipagtanggol ang sarili ko. Kaya nga hindi rin ako takot kita Zarlyn o k