Chapter 1

1575 Words
Tia Walang lingon basta deretso lang ako sa paglalakad papasok sa loob ng bahay. Halos takbuhin ko na nga ang kuwarto makapasok lang ako sa loob at maisara 'yon ng maayos. Nanlalamig akong sumandal sa pintuan ng aking kuwarto nang maisara ko na 'yon. Pumikit ako at huminga nang malalim. Muntik na 'yon? Napaingtad ako at nakabawi nang biglang tumikhim si Nanay sa likuran namin ni Arthur. He's about to kiss me! Kinapa ko ang pisngi na sa tingin ko ay namumula pa hanggang ngayon. "Ano bang ginagawa ko?" bulong ko sa sarili. Nakakahiya pero hindi ko siya magawang awatin. * Pababa pa lang ako sa sala ay dinig ko na ang hagikgik ni Aldrin mula sa kusina. Suot ko ang aking uniforme habang bitbit ko naman ang aking sapatos. May klasi pa ako sa umaga. Balak ko rin sumama kila Tatay na bisitahin si Kuya Andrei na kasalukuyang nasa hospital. Ayaw ko nang alalahanin ang mga nangyari. "Good morning." Bati ko sa kanila. Nahagilap ng mga mata ko si Ronald mukhang kakauwi lang niya. "Good morning po, Tita." Masayang bati sa akin ni Aldrin. Nilapitan ko siya at hinalikan sa ulo. Nagmano na rin ako kay Tatay. "Saan po si Nanay?" tanong ko kay Tatay. Tumingin din ako sa paligid, parang may hinahanap ang mga mata ko. Nagulat ako nang biglang sumulpot sa kusina si Nanay na may dalang grocery. "Ay, kabayong hilaw!" kunwaring nagulat nang makita ako. Kasunod niya si Arthur na ngising-asong nakatingin sa akin. "What happened po, Lola?" inosenteng tanong ni Aldrin. "Wala apo, nakakita lang ako ng dalawang daga kagabi." Tiningnan akong pailalim ni Nanay. Nang bumaling ako kay Arthur ay nakangiti na ito. Gusto kong bumalik sa kuwarto sa mga sandaling 'to. Pakiramdam ko ay para akong sinusunog sa sobrang pagkapahiya. Alam ko, kung anong ibig sabihin ni Nanay. "Anong daga?" kuryosong tanong ni Tatay kay Nanay. "Eh, dalawang daga sa labas ng bahay Jose." Umupo na ako sa tabi ni Aldrin. Umupo rin si Arthur paharap sa akin. "Siguro ang tulis ng dagang 'yon, Manang?" Napaangat ako ng tingin kay Ronald na nakangisi na itong nagtatanong kay Nanay. "Ay naku iho, kung alam mo lang." Ang tsismusa talaga ng Nanay ko hindi ba niya alam na anak niya ang pinag-uusapan nila. Tumingin ako kay Arthur nakayuko ito habang nangingiti. Nang iangat niya ang tingin sa akin ay inirapan ko siya. Nangingiti siyang nagkamot ng batok. Nasa labas na ako ng bahay papasok sa eskuwela nang tawagin ako ni Arthur. Lumingon ako sa kan'ya. "Bakit?" tipid kong tanong. Ngumiti siya sa akin at lumapit. "I will drop you at school," "A-ah, 'wag na ihahatid na ako ni Kuya." Sabay turo ko sa driver namin. Nautal pa ako sa kaba. Paano kasi lagi akong kabado kapag andiyan na siya sa malapit. "No! I'll drop you, pinaalam ko na sa parents mo." Determindo niyang sabi sa akin. Kinindatan niya si Kuya sabay abot ng susi. Wala akong nagawa kung 'di ang sumakay na lang dahil ma li-late na ako. Kinabit ko ang seatbelt pero 'di ko maiwasan ang mapasulyap sa kan'ya. Siryosong nakatutok ang mga mata niya sa kalasada. Ang cool niyang tingnan. Nanonoot pa sa ilong ko ang mabango niyang amoy. Wala yatang Hindi mabango sa parti ng katawan ng lalaking ito? Wait! Napailing ako at binura sa isipan ko ang sumanggi dito kani-kanina lang. "Are you alright?" he look at me as if he noticed what I've just done now. Sinulyapan ko siya at tumango sa kan'ya. "Ikamamatay mo ba ang kausapin ako Tatiana Sofia? Kahit simpling words lang naman, magsalita ka." Naging mahina ang huli niyang salita. Bumagal din ang pagpatakbo niya sa sasakyan at bahagyang ginilid sa kalsada. Pinatong niya ang kabilang braso sa manibela ng sasakyan at tumitig sa akin. Napalunok ako. Para bang may mga kulisap na nagsimulang magsiliparan sa tiyan ko. Bumuntong hininga siya nang hindi ako sumagot o tumingin man lang sa kan'ya. "Hindi ako nangangagat," mahina niyang sabi. Doon pa ako natauhan at napatingin sa kan'ya. I found his deep beautiful eyes staring at me without even blinking. He's so good looking! "Tell me? Why you always speechless when I'm talking with you?" "Ah ..k-kasi.." tanga! Tia uminahon ka nga. Mas malakas pa yata ang t***k ng puso ko ngayon kaysa salita ko. Bahagya niyang nilapit ang mukha sa akin. Dahan-dahan akong napasandal sa headset ng sasakyan. I bit my lip, I am nervous right now? "Kasi ano?" "Kasi, mali-late na po ako," mahina kong sambit. Bahagya pa akong yumuko dahil sa pagkapahiya. He chuckled. Inabot niya ang palad ko at masuyong hinalikan ang likod nito. He done that while staring at me. All I can do is to hold my breath. Parang ang sikip nang paghinga ko sa ginawa niya. That was so intense. "I'm not good at words. But if you allow me to take good care of you...I'm willing to wait." Saka niya binaba ang kamay ko sa gilid ko. "Don't be afraid of me baby. I'm not biting...not even barking," he smiled and returned his hands on the steering. Maraming beses akong lumunok. Ang nagwawala kong puso ang magpapatumba sa akin ng wala sa oras. I'm not afraid of him, but I feel like...he wants to eat me alive! Sinulyapan ko siya nang i-start niya ang sasakyan. Binalingan niya ako sabay ngisi. Hindi ko 'yon pinansin kung kaya't nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Hindi nagtagal ay narating namin ang unibersidad na pinapasukan ko. Last semester ko na ito sa second year education. Hindi ko pa natatanggal ang seatbelt ko ay natanaw ko na sa may main gate sina Ton at Rica, ang dalawa kong best friend simula elementary. They're pretty annoying sometimes, but they are a good persons. Nang makababa na ako ay kinawayan ako kaagad ni Ton. Ngumiti ako sa kanila. Balak na sana niya akong tawagin nang bumaba bigla sa driving set si Arthur. Naagaw niya ang atensiyon ng mga kaibigan ko sa akin, pati na rin ang iba pang studyante na dumadaan para pumasok. "Study hard, baby." Nakangiti niyang sabi sa akin. Nahihiya ko siyang nginitian, mabuti na lang ay mahina ang pagkakasabi niya sa endearment niya sa akin kung hindi ay baka marinig na 'yon ng mga kaibigan ko. "Thank you." Pasalamat ko. Lumapit sa amin ang mga kaibigan ko na hindi hinihiwalay ang mga mata nila kay Arthur. "Susunduin kita mamaya, take care." Kininditan niya ako. Hindi na ako nakasagot dahil bigla itong pumasok ulit sa driving set at isinara ang pinto. Bahagya rin na huminto sa paglapit sa amin sina Ton at Rica. Nasundan lang namin siya ng tingin nang tuluyan ng papalayo ang sasakyan niya sa amin. Ang weird. Bulong ko sa isip. "BAKLA! da who?" mahinang tili ni Ton. Hinawakan pa niya ako sa braso at niyugyog. "Kaaga-aga ang landi." Kumento ni Rica. Napangiti ako sabay tingin ng deretso sa kanila. "Oh ngingiti-ngiti mo diyan? Iniskoran mo ba siya sa loob ng sasakyan? Ay, kaloka ka gorl!" mapait pero may landing sabi ni Ton. Namilog ang mga mata ko dahil sa huli niyang salita. "Ofcourse not." Inirapan ko siya. Tumawa si Rica. "Ikaw lang naman itong haliparot Antonio. Hindi pa madilim. Pigilan mo muna 'yang kati mo." Sinuntok pa siya nang magaan ni Rica sa may braso. "Inggit ka!" inisnob niya si Rica, "and take note Rica huh? An.to.niya, ang pangalan ko. Nagpalit na ako!" Nagkatinginan kami ni Rica, sabay kaming tumawa nang mahina. "Kadiri ka!" Rica speaks as if she's vomiting. "Tumigil na nga kayo," awat ko sa dalawa. "Pumasok na tayo baka ma late pa tayo." Pare-pareho kami ng kurso kung kaya ay magkakasama kami palagi. Kumapit si Rica sa braso ko at hinila ako papasok, sumunod naman sa amin si Ton na nakasimangot. Napahinto ako bigla nang hawakan ako sa kamay ni Ton. "Bakla sino ba talaga ang guwaping na 'yon? Hindi mo man lang pinakilala sa amin. Hindi mo naman siguro manliligaw kasi sasakyan ni'yo ang gamit niya. Members ba 'yon ng Family Alessandro?" nagtataka niyang tanong. Hindi talaga ako tatantanan ng baklang ito kung walang masasagip na impormasyon. "Hmp...kind of members nga siya," matipid kong sabi. "Kung gano’n kapatid 'yon ni Atty. Monique?" Rica asked. Umiling ako. "Hindi niya kapatid. Iwan ko kung anong relasyon niya sa kanila. Ilang buwan pa lang simula ng dumating siya sa Hacienda." Paliwanag ko sa kanila. "Baka malapit na kamag-anak. Bakla, pakilala mo naman ako sa kan'ya." Taas kilay pa na sabi ni Ton. Rica rolled her eyes. "Hindi ka papatulan no'n. Mas type niya ang babae." "Paano mo nalaman? Naka one night stand mo naba 'yon, aber!" ngumuso ito sabay taas ng isang kilay Sinaway ko si Ton at baka may makarinig pa sa mga malalaswa niyang sinasabi. "Hindi ni'yo ko kasi maintindihan kahit kailan?" kunwari niyang tampo sa amin. "Wala kaming sausage katulad mo." Singhal ni Rica. Napatakip ako ng bibig kasabay ng paglinga-linga sa paligid. "Lang'hiya ka Ton! Baka may makarinig sa'yo. Bibig mo panis na." Pinanlakihan siya ng mata ni Rica. "Mga ghorl, pagod na akong gumamit ng d***o. Kaya bigyan ni'yo na 'ko ng guwaping na jowa. Katulad no'n." Tukoy niya kay Arthur. "Yucky ka!" ngumiwi si Rica. "Feeling mo. Tumitig ka din naman sa kan'ya kanina e," "No, not ever!" Bumuntong hininga ako, napatingin silang dalawa sa akin. "Si Arthur ang pangalan niya. Tara na at baka ma-late na tayo." Nilagpasan ko sila at naglakad papasok para matahimik na sila sa pang-umagang argumento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD