Chapter 2

1543 Words
Tia Maraming beses kong binaliktad ang papel na hawak ko. Pakiramdam ko ay puro mukha ni Arthur ang naka-drawing doon. Ito naman kasing mga kaibigan ko kung tinantanan na nila ako sa katatanong tungkol sa kan'ya e 'di sana ito nangyayari sa akin. Bumuntong hininga ako at hinilot ang sintido. "Miss Perez may problema ba?" napaangat ako ng tingin sa professor namin nang bigla itong magtanong sa akin. Siguro ay napansin niya ang un-focus kong ginagawa. Binalingan din ako ni Ton na para bang sinusuri kung may masakit sa akin. "Okay lang po ako Sir, sorry po." Nginitian ko siya. Narinig kong bumuntong hininga si Rica sa likod ko. "Kung may masakit sa iyo pumunta ka sa clinic." Tila nag-aalala din siya sa akin. Umiling ako. Totoo naman na wala akong sakit. Baka ibang sakit siguro itong nangyayari sa akin. Nagsimulang mag-discuss ang professor namin, kahit na lumilipad ang utak ko ay pinilit kong makinig. I don't want to missed my class. Nang matapos ang class ko sa huli naming professor ay agad kong niligpit ang mga gamit ko. Nakatingin lang sa akin sina Rica at Ton na tila sinusuri ang pagmamadali kong mga kilos. "Hoy bakla, uuwi kana ba agad? Akala ko ba sasama ka sa amin ni Rica na mag research sa library?" Napatingin ako kay Ton nang biglang magsalita. "Oo nga usapan natin 'yan no'ng nakaraang araw ah. Kinalimutan mo na 'no? Teka lang, " tumayo ito at pinagkatitigan ako. "Excited kana ba makita ang naghatid sa iyo kanina? aminin mo ghorl, siya siguro ang iniisip mo kanina ano? Kaya lumulutang sa himpapawid 'yang utak mo." Ngumisi siya sa akin. Uminit ang pisngi ko mula sa sanabi ni Rica. Dahil totoong may kinalaman nga si Arthur sa pagkatulala ko kanina. "Omg!" mahinang hinampas ni Ton ang lamesa ko at tinitigan akong maigi. "Sasakalin na kita pag-inagaw mo siya sa akin. Dapat ako muna ang mauna bakla." Pinanlakihan pa niya ako ng mata. Napakamot ako ng batok. Lumunok muna ako bago nagsalita. "Ano ba kayo? dadalawin ko pa sa hospital si Kuya Andrei kaya ako nagmamadali." Paliwanag ko. "At sino namang Kuya Andrei na 'yan?" singit ni Rica. "Asawa ni Ate Monique." Natahimik silang pareho. Tinapos ko ang ginagawa. Nag-vibrate ang phone ko pero hindi ko 'yon binasa. Alam kong si Arthur 'yon at baka mas lalo pa akong interrogate ng dalawang tsismusa na ito. "So, ano? mauna na ako sa in'yo," Tinaasan nila ko ng kilay. "Wala naman kaming magagawa," ani ni Rica. "See you tomorrow mga ghorls," ngumiti ako sa kanila. Pumihit na ako palabas nang hawakan ako sa braso ni Ton. "Teka lang, jojombagin kita pag 'di mo 'ko pinakilala sa guwaping na 'yon." Tinaas pa nito ang kamao sa akin. Tinaas ko ang kanang kamay bilang pangako. "Okay na, aalis na ako." Tumalikod na ako para lumabas Nasa gate pa lang ako ay natanaw ko nang nakapamulsa si Arthur habang nakasandal sa sasakyan niya. Tinitingnan din siya ng mga dumadaang estudyante. Kumaway siya sa akin habang nakangiti. Suddenly, my knees turn into jelly. Para bang hindi ko na maihakbang ang mga paa ko dahil sa sobrang panlulumo. Ganito naba talaga ang ipekto niya sa akin? Pinilit kong lumapit sa kan'ya at hindi ko ininda ang paninitig niya sa akin dahil kung papansin ko pa 'yon ay baka hindi na ako makapagsalita pa. "Hi, baby." Bati niya sa akin nang tuluyan na akong nakalapit sa kan'ya. Hilaw akong ngumiti sa kan'ya. "Kanina kapa ba dito?" tanong ko. He nod. "I think ..past 12 pa." Gano'n. Ibig sabihin naghintay siya nang halos isang oras. 1:15pm na. Na-guilty ako ng kaunti. "Nag-lunch kana ba?" mahina kong tanong nang makapasok na kami sa sasakyan. Umiling siya. "Nope, would you like to join with me?" deretso siyang nakatingin sa akin habang hinihintay ang isasagot ko. Napaisip ako, pero sa huli ay tumango na lang ako sa kan’ya. Aaminin kong gusto ko pa siyang makasama, 'yong tipong kami lang, sulo ko siya at wala kaming kasama na nakakakilala sa amin. Ang sarap no'n sa pakiramdam. "Saan mo gustong kumain?" tanong niya sa akin habang ang mata ay deretso sa kalsada. "Kahit saan, ikaw na ang bahala," mahina kong sagot. Nakaramdan ako ng kaba at excitement. Kapag hindi ko siya nakikita ay siya ang pumapasok sa isipan ko pero kapag nand'yan na siya ay nahihirapan akong bumuo ng salita upang masagot ang mga tanong niya. Para akong tanga. Katangahan nga siguro ang tawag dito? Pinarada niya ang sasakyan sa harap ng mamahaling restaurant. Really? In a expensive restaurant. I'm not even dressed, naka-uniforme pa ako. Nag-alangan tuloy ako kung sasama ba ako sa kan'ya o magpapaiwan na lang sa loob ng sasakyan. "Let's go," aya niya sa akin. Napansin niyang hindi ako gumagalaw. "Dito ba talaga tayo kakain?" tanong ko. "Yeah. But if you don't like this place we can go somewhere?" Umiling ako at tiningnan ang suot ko. Narinig ko siyang tumawa nang mahina. "Does your uniform worries you? don't worry baby. Hindi ko hahayaang may tumingin sa iyo. I'll fired those mens employees if they stared at you." Napatingin ako sa kan'ya. Siryoso ba siya sa sinasabi niya. Bigla akong nakaramdan ng takot. Firing employees just to look at me are too much to bare. I can't stand those people losing their job because of me. "Baliw ka! sobra na 'yang iniisip mo." Pinanliitan ko siya ng mata. Tumawa siya ng pagak. "I scared you," mahina niyang sabi. "'Huwag mong gagawin 'yon," paniniguro ko. "Yes, boss!" tumawa pa siya ulit bago hinawakan ang kamay ko sabay hila sa akin sa loob ng mamahaling restaurant. Pagkatapos naming kumain kanina ay dumeretso na kami sa hospital para bisitahin si Kuya Andrei. Naawa ako sa kalagayan ni Ate Monique. Nagkasama lang sila ng buwan ay bigla pa itong nangyari sa kanila at idagdag mo pa ang pagdadalang tao niya. Naglakas loob akong nagtanong kay Arthur tungkol sa love story nila ate Monique at Kuya Andrei. "Ahm, paano nga pala nagkakilala si Ate at Kuya Andrei?" Binagalan niya ang pagpapatakbo ng sasakyan. Sinulyapan niya ako saglit bago binalik ang mata sa kalsada. "I don't know how to start? But trust me hindi ko gagawin sa iyo 'yon?" nahuli ko siyang ngumiti. Kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang iparating? Naguguluhan akong i-analys ang ibig niyang sabihin. "Ang gulo mong kausap Arthur," mahina kong sabi. Binaling ko ang paningin sa bintana ng sasakyan at pinagmamasdan ang bawat nadadaanan namin ma-bahay man o puno. Naramdaman kong ginilid niya ang sasakyan at hininto. Nang tumingin ako sa kan'ya ay nakatingin din siya sa akin nang deretso. "Hindi madali ang simula nila, siguro naman ay nabalitaan mo na 'yon?" Sa totoo lang ay wala akong kaalam alam sa mga nangyari noon kay ate Monique. Basta ang alam ko, umuwi siya ng Hacienda na may pinagdaanan at pagkalipas ng buwan ay nalaman naming buntis siya. "Hindi ako magtatanong kung may alam ako," giit ko. He chuckled. Iniba niya ang usapan. "Does your friends ask you about me? Pasinsiya kana kung hindi ako nagpakilala sa kanila." Kumunot ang noo ko. Malayo sa usapan namin kanina ang binabanggit niya ngayon. "Ton wants to meet you," matapat kong sagot. "That half human guy." Napangiti ako sa terms na ginamit niya kay Ton. Hindi ba niya kayang bigkasin ang salitang bading o bakla. Tumango ako sa kan'ya. "Type ba niya ako?" he asked directly. Nang ngumiti siya ay napangiti din ako. Once again, I nodded. "Kind of," mahina kong sagot. "Pakisabi sa kan'ya. Sorry. May minamahal na ako at hinihintay." "Hah?" "Hindi ba malinaw sa iyo ang sabi ko?" bigla akong nakaramdam ng hiya. Syempre malinaw pa sa tubig, nagulat lang ako. "What? Gusto mo bang ulitin ko? with her full name?" tila pinagkakatuwaan pa ako. "'Huwag na. Umuwi na tayo at may gagawin pa ako mamaya." Pag-iiba ko sa usapan para makatakas sa mapanukso niyang tanong. "If that's what you want--you're my boss!" ngumiti siya sa akin. He starts the car in our way home. Habang nagmamaneho siya ay pinagmamasdan ko siya nang pasikrito, 'yong tipong hindi niya ako mahuhuli. Hindi nga ba? Hindi ko lang maiwasan na makaramdam nang kilig kapag ganitong magkatabi na kami. Para bang umaasa ako sa bawat binibitawan niyang matatamis na salita para sa akin. Kung ganito ba naman kalambing ang isang lalaki ay sino ba namang babae ang hindi makakaramdam ng saya at excitement. Hindi nagtagal ay narating namin ang mansyon. He park the car inside the garage. Pinagmamasdan ko na lang ang bawat kilos niya. Nagtanggal na din ako ng seatbelt at sinukbit sa balikat ko ang sling bag ko. Nang matanggal niya ang seatbelt niya ay bahagya pa siyang lumingon sa akin dahil sa hindi ko pa paggalaw sa kinauupuan ko. Alam kong walang taong makamasid sa amin kaya inangat ko ang braso ko at pinaikot sa leeg niya. Bahagya pa siyang nagulat sa agresibo kong aksyon. Ang halik noon na hindi niya naituloy ay ako na ang kusang tumuloy sa pagkakataong ito na walang nakakakita sa amin. I kissed him. Madiin at puno nang pagmamahal. Hindi niya 'yon nasagot dala nang kan'yang pagkagulat. When I withdraw my lips into his, I didn't looked at him. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at tuluyan nang lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD