Chapter 1

2083 Words
"Dito na tayo titira, Kellie!" Masayang sabi ni Ate habang pinagmamasdan ang kabuoan ng mansyon. Nilibot ko ang aking paningin. Bawat muwebles ay mukhang mamahalin at babasagin. Sa kulay puting kisame ay mag nakasabit na ilaw na tila gawa sa kristal. Ayokong ihakbang ang aking maputik na tsinelas sa kumikintab na sahig. Natatakot ako na baka marumihan ko lang ito. "Ate... ayoko dito," hinila ko ang aking kapatid palabas. "Kellie?" lumuhod sa tapat ko si Nanay. "Bakit ayaw mo rito?" kumunot ang noo niya. "Mas gusto ko po sa dating bahay natin. Kahit na maliit... masaya naman." "Pero mas masaya dito," ngumiti si Nanay sa akin. Tiningnan ko ang mga palamuti sa kanyang katawan. May suot siyang hikaw, kwintas, bracelet, at singsing. Ang damit niya ay disente. Mabango rin ang amoy ni Nanay. Amoy pang mayaman. Hindi kagaya namin ni Ate – mukhang pulubi at amoy araw. "Nay…" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil inunahan na niya ako. "Huwag mo na akong tawaging Nanay," aniya. "Mommy na ang itawag mo sa akin dahil titira na tayo sa malaking bahay!" Mas lalo kong naramdaman ang lungkot at takot. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa naming gawin ito. Bakit kailangan pang magbago ang buhay namin ngayon? Bakit kailangan pang makipag relasyon ni Nanay sa isang mayaman? Hindi ba siya masaya na kasama kami ni Ate? Malungkot ba siya dahil mahirap kami? Ayaw ba niya sa maliit naming bahay? Mapapasaya ba siya ng pera? Ang dami kong tanong... pero hindi ko iyon kayang sabihin dahil mukhang hindi naman siya makikinig sa akin. Labing tatlong taong gulang pa lang ako para intindihin ang ganitong bagay. Si Ate naman ay labing walong taong gulang na. Tumigil siya sa pag aaral para tustusan ang mga pangangailangan ko sa eskwelahan. Gusto ko na ring tumigil sa pag aaral para makapagtrabaho, kaso'y tutol si Ate. Ang sabi niya'y kailangan kong matapos para maging maganda ang buhay ko sa hinaharap. "Oh, nandito na pala kayo!" dalubong ng lalaki habang bumababa sa magarang hagdan. Ang kasintahan ni Nanay. Si... Martino Cordovez. Sa pagkakaalam ko, isa siya sa nagmamay-ari ng isang malaking Telecommunication Company dito sa Pilipinas. Hindi ko alam kung saan at paano sila nagkakilala ni Nanay. Basta't isang araw, bumisita na lang siya sa amin para mag prospose kay Nanay. Syempre si Nanay "oo" agad ang sagot. Hindi man lang pinag isipan. Pagkatapos no'n, nagbago na ang tahimik naming buhay. Palagi kaming binibilhan ng mga damit, pagkain, at kung anu-ano ni Martino. Hindi ko tinatanggap ang mga binibigay niya sa akin. Si Ate naman, panay ang tanggap. Pareho lang sila ni Nanay. Lumapit si Martino sa amin. Hinapit niya ang baywang ni Nanay. Napa iwas ako ng tingin nang halikan niya sa labi si Nanay. Hinawakan ni Ate ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Hanggang ngayon ay pinagmamasdan pa rin niya ang loob nitong magandang bahay. "Kellie!" nagulat ako nang sambitin ni Martino ang pangalan ko. Hindi ko namalayan na naka yuko na siya sa harap ko. Isang hakbang palayo ang ginawa ko. Tumawa si Martino sa naging reaksyon ko. "Welcome to your new house, " aniya sabay yakap sa akin. Malalim na hininga ang pinakawalan ko. Agad kong binuksan ang aking mga mata. Napahawak ako sa aking dibdib, sobrang bilis ng kabog nito. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo. Umupo ako at sumandal sa headboard. Inabot ko ang baso ng tubig sa mesang nasa gilid ng kama. Bakit ko na naman iyon napanaginipan? Bakit ko na naman siya napanaginipan? Inubos ko ang tubig pero hindi iyon naging sapat. Kulang pa rin. Pakiramdam ko'y masyado akong nauhaw dahil sa panaginip na 'yun. Hanggang kailan ba niya ako hahabulin? Hanggang kailan ko ba siya tatakbuhan? Bumaba ako para kumuha ng panibagong tubig. Dahan-dahan ako sa paglalakad dahil baka magising si Mama kapag narinig ako. Halos maubos ko na ang malamig na tubig sa pitsel pero ang uhaw ko ay hindi pa rin naiibsan. Nanunuyo ang aking lalamunan. Nanlalamig ang aking sikmura. Kahit sa panaginip ko lang siya nakita, parang sumabog ang puso ko sa sobrang kaba. Hindi napunan ng tubig ang uhaw na nararamdaman ko. Bumalik na lang ulit ako sa kwarto. Hindi ko ipinikit ang aking mga mata. Natatakot ako na baka makita ko na naman siya sa oras na pumikit ako. Alas tres na ng madaling araw. Nakatulala lang ako sa kisame. Pinipilit kong burahin ang mukha niya sa aking isip. Pinipilit kong burahin ang ginawa niya kay Nanay, kay Ate, at... sa akin. Hindi ko alam kung anong oras na ulit ako nakatulog. Nang magising ako, maliwanag na ang sikat ng araw. Tamad na tamad pa ang aking katawan. Ayoko pa sanang bumangon, kaso ay pumasok na si Tita Beverly, ang nag-iisang kapatid ni Mama, sa aking kwarto. "Kellie Angeles!" hinila niya ang comforter na tumatakip sa tamad kong katawan. "Bumangon ka na!" Kinuha ko ang isang unan at itinakip iyon sa aking ulo. Ayokong bumangon. Tinatamad ako, lalo na't puyat pa. "Kellie! Kailangan mong pumunta sa opisina ngayon. Baka nakakalimutan mo? May importanteng meeting ka!" Biglang nabuhay ang sistema ko sa sinabi ni Tita Beverly. Napabangon ako at literal na nanlaki ang mga mata. "Sht!" mura ko. "Oo nga pala!" Nagmamadali akong pumasok sa banyo. Mabilis akong naligo. Hindi man yata umabot ng sampung minuto ang pagligo ko. Alas syete na nang matapos ako. Alas otso gaganapin ang meeting. Kung babagalan ko ang kilos, malamang ay hindi ako aabot. Baka maabutan pa ako ng traffic. Inayos ko ang aking mukha. Kinapalan ko ang aking make-up para hindi ako magmukhang puyat o matamlay. Nilagyan ko rin ng mabigat na kulay ang aking labi para bumagay ito sa aking mukha. Pinaliguan ko ng matapang na pabango ang aking katawan at nilugay ang mahaba kong buhok. Pagkatapos kong mag-ayos ay umalis na ako. Naabutan ko si Mama at Tita Beverly na kumakain ng agahan. "Kain ka muna, Kellie," imbita ni Mama sa akin nang palabas na ako. "Hindi na, Ma. Nagmamadali na ako," mabilis akong nagpaalam sa kanila. Panay ang mura ko habang nasa byahe. Naipit kasi ako sa traffic, gaya ng inaasahan ko. Kalahating oras na lang ang natitira bago mag alas otso. Kinakabahan ako dahil baka hindi ako umabot sa eksaktong oras. "Tngina naman!" napa busina ako nang mag over take ang isang sasakyan. Hinilot ko ang aking batok. Nakakainis! Tumawag na lang ako sa aking sekretarya para ipaalam sa kanya na mali-late ako. "Pakibilhan na lang sila ng breakfast. Please, don't let them leave," sambit ko. Bumusina ulit ako nang may mag over take na naman sa akin. "Sige po, Ma'am," ani Lucy sa kabilang linya. Binaba ko na ang tawag. Naghanap ako ng maaaring ibang daan ngunit wala na akong makita. I have to endure this heavy traffic! Pasado alas otso na nang makarating ako sa opisina. Binati kaagad ako ng mga empleyado. Hindi ko na sila pinansin dahil nagmamadali akong umakyat sa conference room. Nasa 15th floor pa ito. "Sorry, I'm late…" sambit ko pagbukas pa lang ng pinto. Naagaw ko ang kanilang atensyon. Ngumisi agad sa akin ang isang Chinese investor. I smirked. Umupo ako sa sentrong upuan. Kinuha ni Lucy ang dala kong bag. Hinayaan ko siyang i set-up ang lahat. Kinalma ko muna ang sarili ko at pinunasan ang pawis sa aking noo. Tumayo na ako nang matapos ang sekretarya ko sa pag aayos ng mga gagamitin sa meeting. Isa-isa kong tiningnan ang mga lalaking investors. Lahat sila ay nakatitig sa akin – partikular sa aking katawan. Hindi na ako natitinag sa ganyan. Sanay na sanay na ako sa ganyang tingin. Nag umpisa na ko sa presentasyon. Our business deals with different security materials, as well as services. Ipinaliwanag ko sa kanila kung bakit nangunguna sa larangang ito ang aming mga materyales pati na rin ang aming mga tauhan sa mga security agencies at iba pang pribadong sektor. "You're really smart, Miss Angeles. Simula nang maging CEO ka ng kumpanyang ito ay lalo na itong lumago," puri sa akin ni Mr. Yap pagkatapos ng meeting. "Well…" nagkibit balikat ako. "Inaalagaan ko lang ang kumpanyang ito dahil mahal na mahal ito ni Papa." "Anak ka nga talaga ni Augusto," tawa naman ni Mr. Lim. Napawi ang ngiti sa aking labi. Tumikhim ako at nag ayos ng upo. Niligpit ko ang aking mga gamit para hindi nila mapansin ang pag-iiba ng reaksyon ko. Isa-isa na silang umalis. Hinintay ko muna silang lumabas bago magkulong dito sa conference room. "Kellie..." Kumunot ang noo ko nang hindi pa rin umaalis si Mr. Yap. "Yes?" hinarap ko siya. Inayos ko ang aking blazer. Tumingin ako kay Mr. Yap, nakita ko kung saan naka direkta ang kanyang mga mata. "Narinig ko... magaling ka 'raw… sa kama," tutok ang mga mata niya sa aking dibdib. Natawa ako sa kanyang sinabi. I knew it. "Oh," napatakip sa aking bibig. Kunwari'y nagulat sa aking narinig. "Kanino mo naman 'yan nalaman, Mr. Yap?" Umangat ang tingin niya sa mata ko. Lumapit siya sa akin. Hindi ako gumalaw. Hinayaan ko lang siya sa gusto niyang gawin. "Balita na 'yan… marami na raw ang naka subok sa'yo," hinaplos niya ang pisngi ko. "Gusto 'kong matikman ang natikman na nila." "I'm sorry, Mr. Yap," dahan-dahan kong tinanggal ang kanyang kamay. May ngiti pa rin sa aking labi. "Marami kasi ang naka pila. Pumila ka muna." Nanlaki ang mga mata niya, hindi inaasahan na sasabihin ko iyon. Tumawa ulit ako at bahagya siyang tinulak siya palayo. Iniwan ko siyang tulala sa loob ng silid. Sanay na ako sa mga ganitong pagkakataon. Hindi na bago sa akin ang mga sinabi ni Mr. Yap. Palagi kong naririnig ang mga 'yun kaya naman alam na alam ko na rin kung ano ang isasagot sa kanila. Boys... Pisikal ang kahinaan ng mga lalaki. Isang halik, isang haplos, bibigay na kaagad sila sa sarili nilang pagnanasa. Ang mga babae naman ay emosyon ang kahinaan. Hindi ko alam kung bakit maraming babae ang nagpapakain sa sariling emosyon. Dapat sila ang kumontrol sa emosyon, hindi emosyon ang kokontrol sa kanila. Alam kong hindi naman lahat ng babae ay ganito. Ngunit ito ang paniniwala ko. Ayokong maging mahina at bumigay sa sarili kong emosyon. Kailangan kong ipakita sa lahat na malakas ako. Na wala akong kahinaan. Maraming galit ang nasa puso ko. Walang puwang ang pag-ibig dito. Ang tanging gusto ko lang ay matakasan ang nakaraan. Ang nakaraan na humubog sa akin. Ang nakaraan na naging dahilan kung bakit nga ba naging ganito ako ngayon. Ginugol ko ang aking mga oras sa trabaho. Naantala lang ako sa aking ginagawa nang makatanggap ng tawag mula kay Caryl. "Bakit?" salubong ko sa kanya. "Kellie, babe!" masayang sabi niya. Halos mabingi ako dahil sa lakas ng boses niya. Nilayo ko ng kaonti ang cellphone sa aking tainga. "Napano ka?" kalmado kong tanong. Sinilip ko ang aking orasan, alas dose na pala ng tanghali. "Oh my gosh!" excited niyang sabi. "I'm blessed!" humalakhak siya na tila baliw. "What?" sumandal ako at napahawak sa aking batok. "Natatandaan mo ba 'yung kinu-kwento kong crush ko noon? 'Yung gwapong Engineer?" "Huh?" hindi ko maintindihan ang nais niyang iparating. "Sino 'yun?" "'Yung hot na Engineer na nagta-trabaho sa firm ni Daddy dati," masaya pa rin ang boses niya. "Diba nga, ini-stalk ko 'yun, kaso taken na." "Hindi ko na matandaan," napailing ako. Wala talaga akong alam sa sinasabi niya. "Ano pa nga ba ang aasahan ko?" tumawa si Caryl. "Syempre hindi mo maaalala dahil hindi ka naman interesado!" muli siyang tumawa. "But wait…. eto na nga kasi 'yung balita ko." "Ano?" tanong ko. "Huwag mo na nga akong bitinin. Marami pa akong gagawin, Caryl." "Oo na! Oo na!" aniya. "Single na kasi siya ngayon! Hiwalay na sila ng girlfriend niya. Halos isang buwan na raw. Sabi ko na, eh. Hindi sila magkakatuluyan dahil kami talaga ang meant to be," tumawa na naman siya na parang nababaliw. "'Yan lang ang ibabalita mo?" "Anong 'yan lang?" singhal niya. "Blessing 'yon, Kellie. Gumagawa ng paraan ang tadhana para maging kami." Ako naman ngayon ang natawa sa sinabi niya. "The hell, Caryl? Naniniwala ka talaga sa tadhana?!" "Kellie naman!" maktol niya. "Suportahan mo na lang ako!" "Fine, fine…" pinigilan ko na ang aking tawa. "Ano na nga ulit ang pangalan ng crush mo?" "Jude Harvey Santiago," matamis niyang sabi. "Isa siya sa mga kilalang Engineer dito sa Pilipinas. I'm sure his name sounds familiar to you." Hindi ko pa naririnig ang pangalan na 'yan kahit kailan. "Jude Harvey Santiago? Hmm… he's not familiar."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD