Chapter 2

2036 Words
Ilang araw na akong kinukulit ni Joyce t Caryl na lumabas. Lagi ko silang tinatanggihan dahil marami akong tinatapos na trabaho. Ngayon lang ako naka oo sa kanila dahil naging maluwag na ang schedule ko. Ang akala tuloy nila ay ayoko ng lumalabas tuwing gabi. That's not true, though. I really missed going out every night. Hindi ako sanay na hindi lumalabas tuwing gabi. Naiinggit tuloy ako sa dalawa kong kaibigan dahil palagi silang nasa labas tuwing gabi. Samantalang ako, mga papel at laptop ang laging nasa harapan. "Oh my gosh, Kellie! He's super hot. As in! Damn it!" sambit ni Joyce mula sa kabilang linya. Nahihimigan ko sa boses niya ang panghihinayang. Kinukwento niya sa akin 'yung Engineer na type ni Caryl. Kasama raw nila itong lumalabas tuwing gabi. Hindi ako sigurado sa estado ng dalawa. Perhaps, they’re aleady dating? Pero galing lang sa isang break up iyong lalaki kaya baka hindi pa. "Baka lokohin lang niya si Caryl," hinilot ko ang aking ulo at muling pinagmasdan ang mga papel na nakalapag sa mesa. "I don't think so! He's nice! Siya nga ang laging gumagastos pag lumalabas kami," depensa agad ni Joyce. "Kahit na," sinandal ko ang pagod kong likod. Pinikit ko ang aking mga mata. "Tsaka, hindi dahil sa nililibre kayo ay 'di na siya manloloko. Tss... huwag nga kayong magpapadala sa ganyan. Nagkaroon pa kayo ng utang na loob. May pambayad naman kayo, ba't hinahayaan niyong siya ang magbayad." "Gentleman lang siya," depensa na naman niya. "Basta mamaya sasama ka na sa 'min, ah? Makikilala mo na si Engineer Santiago!" "Whatever…" napailing ako at hindi na nakipag talo. Hindi ako naniniwala na walang kapalit ang lahat. Kapag may kabutihan na ginawa ang isang tao, dapat ay may isukli ka sa kanya. Ganun naman talaga ang takbo ng mundo. Wala ng libre ngayon. Pati ang kabaitan ay may bayad na. Kung wala man ngayon, sigurado akong may kapalit ito sa darating na panahon… "Nagustuhan mo ba ang bago mong eskwelahan, Kellie?" tanong ni Martino. Pinagmasdan kong mabuti ang eskwelahan na papasukan ko. Malawak ito at ang mga gusali ay sobrang taas. Hindi ko alam kung kaya ko bang mag-isa sa eskwelahan na ito. Pakiramdam ko ay maliligaw ako kapag pinasok ko ito. "Ang Ate ko, saan siya mag-aaral?" wala sa sariling tanong ko kay Martino. Ngumiti siya sa akin. Pinatong niya ang isang kamay sa aking ulo. Humakbang ako palayo sa kanya. Napailing siya sa ginawa ko. "Ang Nanay at Ate mo ay magta-trabaho na sa kumpanya ko. Kailangan nilang malaman ang mga ginagawa ko sa trabaho. Para pagdating ng araw... matuturo nila ito sa 'yo," kinintadan niya ako na siyang nagpatindig sa aking balahibo. Tiningnan ko ulit ang bago kong paaralan. Sa tingin ko, ang mga estudyante rito ay galing sa mayayamang pamilya. Hindi naman ako... kami mayaman. Si Martino lang ang mayaman. Hindi namin pera ang mga pera niya. Hindi ko alam kung bakit tinatanggap pa rin ni Nanay ang mga perang iyon. Kaya naman kitain 'yun nang hindi umaasa kay Martino. Kung papayag lang sana talaga sila ni Ate, magta-trabaho na rin ako. Tutulungan ko sila para hindi na matuloy ang nalalapit na kasal ni Nanay at Martino. Ngunit dahil wala akong boses sa kanilang lahat... natuloy pa rin ang kasal. Konti lang ang mga dumalo sa kasal ni Nanay at Martino. Hindi ko kilala ang mga bisita. Tanging si Nanay at Ate lang naman ang kilala ko. "Ate," kinalabit ko ang aking kapatid na hanggang ngayon ay pumapalakpak pa rin. "Hmm?" tumingin siya sa akin. Bakas sa mga mata niya ang saya. "Mahal ba talaga ni Martino si Nanay?" Tumigil sa pagpalakpak si Ate. Hinawi niya patagilid ang mga buhok na nasa noo ko. "Oo naman," sagot niya. "Papakasalan ba niya si Nanay kung hindi?" Hindi ako naniniwala. Masyadong mabilis ang naging mga desisyon ni Nanay at Martino. Halos tatlong buwan pa lang silang magkakilala. Kulang pa iyon para ideklara na agad ang kanilang pagmamahalan. Alam kong bata pa ako tungkol sa bagay na ito ngunit sigurado ako sa nararamdaman ko na may mali sa mga nangyayari... "Ma'am Kellie?" Ilang beses akong napakurap hanggang sa bumalik na ako sa aking sarili. Nag-ayos ako ng upo at tiningnan si Lucy na nakatayo sa tapat ng aking mesa. Sht! Bakit ba binabagabag na naman niya ang aking isip? "Yes?" pormal kong sagot. "Ano pong lunch ang gusto n'yo?" Napatingin ako sa orasan. Hindi ko na namalayan na tanghalian na pala. Tumikhim ako at nag ayos ulit ng upo. "Hindi ako gutom." "Pero—" "I said I'm not hungry, please.." mahinahon ngunit matalim kong sabi. "Opo, Ma'am.. sorry po," tumango si Lucy pagtakapos ay umalis na. Malalim na hininga ang pinakawalan ko. Pumikit ulit ako at binura sa aking isip ang mga nangyari sa nakaraan. Bakit ba muli ko na namang naiisip ang mga nangyari noon? Bakit na naman siya nagpapakita sa isip ko ngayon? Bakit na naman ako hinahabol ng mapait at nakakatakot na nakaraan? Buong araw ay hindi ako mapakali. Naging maayos lang ang sistema ko nang sumapit ang gabi. Nauna akong dumating sa bar kung saan kami madalas nila Caryl at Joyce. Inunahan ko na sila dahil atat na ang lalamunan kong uminom ng alak. I missed the presence of alcohol in my system. Pakiramdam ko'y isang taon na akong hindi uminom kaya sabik na sabik ako sa lasa nito ngayon. Nasa pang-limang shot na ako nang makatanggap ng tawag mula kay Joyce. "Hey!" bati niya mula sa kabilang linya. "Nandito na kami sa labas. Saan ka?" "I'm here. Same spot," nilagok ko kaagad ang laman ng aking baso. Sht, I love it! Kung pwede lang pakasalan ang alak ay ginawa ko na. Sobrang sarap. "Okay. See you!" masaya niyang tinapos ang tawag. Tiningnan ko muna ang oras sa cellphone ko bago ito ibalik sa bag. 11:30 PM pa lang. The night is still young. Marami pang pwedeng gawin. I want to have some fun with little boys tonight. Ang tagal ko na ring hindi nakikipaglaro sa kanila. Ilang sandali pa ay dumating na si Joyce at Caryl. Kasama nila 'yong Engineer na sinasabi nila. Dala na rin ng alak at mga ilaw, hindi ko masyadong nasilayan ang kanilang mga mukha. Unang lumapit si Joyce sa akin. Tumayo ako para mayakap siya. Si Caryl naman ay tahimik kaming pinagmamasdan. It's very unusual. Hindi ako sanay na ganito siya dahil siya ang pinakamaingay sa amin. Ngayon, parang tinubuan siya ng hiya sa katawan. "Anong nangyari sa kaibigan natin?" bulong ko kay Joyce. "Ganyan talaga 'yan," natatawang bulong niya pabalik. "Pa-demure kapag nandyan si Engineer. Pero kapag wala, nagiging wild," palihim kaming nagtawanan bago lumayo sa yakap. Tiningnan ko ulit si Caryl. Tipid na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Nilipat ko ang tingin sa lalaking nakatayo sa tabi niya. Engineer Santiago, huh? He's tall, fair, and his hair was a bit disheveled. He looks a bit older than us. Mga tatlo o apat na taon siguro. Halata iyon sa tindig ng kanyang katawan. It's lean and muscular. Pamilyar siya sa akin ngunit ngayon ko lang narinig ang pangalan niya. Hindi ko alam kung nagkita na ba kami o baka nakita ko na siya sa mga magazines noon. I don't know... whatever. "You must be Caryl's date, huh?" milahad ko ang aking kamay sa kanya. Kumunot ang noo niya sa akin. Pinagmasdan niya akong mabuti. Mukhang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya ito masabi. Malalim na tingin ang ibinigay niya. I stared back at him. The loathe and coldness in his eyes were very familiar. Napaayos ako ng tayo. Tumikhim si Joyce sa aking tabi. Then, I realized that he did not accept my hand. Damn it! Binaba ko kaagad ang aking kamay. Hindi ko ipinakita ang pagkapahiya ko. Taas noo ko pa rin silang tiningnan ni Caryl. "Tara! Upo na kayo," turo ko sa bakanteng sofa na mas lawak at kasya silang tatlo. I sat on the single couch. Binigyan ko ulit ng alak ang aking baso. Nagkatinginan kami ni Caryl. Nakikita ko sa mga mata niya ang paghingi ng paumanhin. Tumango ako at ngumiti. "Tara, Joyce… sayaw tayo!" aya ko na lang sa aking kaibigan. "Kadarating lang namin. Mamaya na." "Tara na," binigyan ko siya ng makahulugang tingin. Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin. "Tara na pala!" siya na mismo ang humila sa akin papunta sa ibaba. We joined the dancefloor. Maingay ang tugtog dito sa ibaba. Nagsimula na akong sumayaw. I swayed my hips. Magkatapat kami ni Joyce habang kinakanta ang music. "We ain't ever getting older!" masayang kanta namin at muling sumayaw. I swayed my hips again. Lumapit sa akin si Joyce at bumulong. "He's hot, right?" Napailing ako. Lumayo ako sa kanya at muling sinabay ang katawan ng kanta. "Nope," I whispered then I showed her my disapproving gesture. Lumayo ako sa kanya para makahanap ng lalaking pwedeng makasayaw. Dahil na rin sa maraming tao, natabunan na si Joyce sa aking paningin. May naramdaman akong sumayaw sa aking likuran. A devilish smile crept on my lips. Mas lalo kong ginalingan ang pagsayaw. Nilagay ng lalaking nasa likod ko ang mga kamay niya sa aking baywang. Sinabayan niya ang galaw ng katawan ko. I smirked. "Hi, Miss," he whispered sensually on my left ear. I bit my lower lip. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay sa aking baywang. Nilapit ko ang aking pang upo sa kanyang harapan. He's already turned on. Boys... Hindi ko siya sinagot. Hinalikan niya agad ang aking leeg. I tilted my head to give him access on my neck. He licked it too. Ang kanyang mga kamay ay unti-unting umaakyat. Pinigilan ko agad ang mga ito. Hinarap ko ang lalaki. "Nice to meet you, handsome," hinalikan ko ng mabilis ang labi niya bago umalis. He was stunned. Bumalik na lang ulit ako sa taas. Paglapit sa aming mesa, dalawang pares na ng mga mata ang nakatitig sa akin. Ang isa'y mabait na tingin, habang ang isa naman ay puno ng muhi. Ano ba ang ginawa ko sa lalaking ito? Kung makatingin ay parang may malaking kasalanan ako sa kanya. Ngayon pa lang naman kami nagkita. Hindi ko na lang siya pinansin, para na rin kay Caryl. Umupo ako sa aking pwesto. Nilapag ko ang baso sa mesa. "Hindi kayo sasayaw?" tanong ko sa aking kaibigan. "Hindi," pinakita niya sa akin ang hawak niyang wine glass. Nagkibit balikat ako. Mukhang boring naman kasama itong type ni Caryl. Paano niya ito nakakaya? She's fun and wild before. Now, she's prim and proper. "Huwag kang sumayaw kung hindi mo naman kilala ang kasayaw mo," sambit ni Engineer Santiago kay Caryl. He caught my attention. Tiningnan ko siya. Nagulat ako nang makita siyang nakatingin sa akin. Mabilis lang 'yun pero nagtaka ako. Sa akin ba niya ito sinasabi o kay Caryl? "Hindi na—" naputol ang sasabihin ni Caryl dahil biglang nag-vibrate ang cellphone niyang nasa mesa. Kinuha niya iyon para tingnan ang tumatawag. "Si Daddy… uhm… sagutin ko lang sa labas," paalam niya. Nilingon ko si Engineer Santiago nang maiwan kaming dalawa. Hindi ko talaga maipaliwanag ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Fck, ano ba talaga ang problema ng lalaking ito? "What's your problem?" mataray kong tanong, hindi na napigilan pa ang sarili. Sinagot ko ang matalim niya tingin. Gusto ko lang malaman kung bakit ganyan ang tingin niya sa akin. Naiirita na ako sa galaw niya. "Hindi mo ako kilala?" I can sense his sarcasm. "Hindi," matalim pa rin ang tingin ko sa kanya. "Ngayon pa lang kita nakilala. Nagkita na ba tayo dati?" "You don't remember me at all, huh?" tumawa siya. Bakas pa rin ang pagiging sarkastiko. "Fck. Ano bang problema mo, ha?" galit na tanong ko. Tinanggal ko ang tingin sa kanya. Kinuha ko ang bote ng alak para sana lagyan ang baso pero hindi ko na iyon nagawa. Inagaw ito ni Engineer Santiago sa akin. "Sht! What the hell is your problem?!" Marahas kong hinablot ang bote ng alak sa kanya. Malalalim na hininga ang aking pinakawalan. Umiling siya at muling tumawa ng sakrastiko. Sumandal siya at kumportableng umupo. He crossed his legs and arms. "I guess, you can never seduce me with innocence," he smirked.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD