“DEBBIE!”
Agad akong napabalikwas ng bangon nang marinig ko ang matinis na boses ng tiya Lolet ko. Kahit antok na antok pa at masakit ang ulo ko dahil sa ilang oras pa lang na tulog ko ay pinilit ko pa ring mag lakad palabas ng bodega na ngayon ay nag sisilbing silid ko. Muntikan pa akong mahulog nang pagkahakbang ko sa hagdan ay sobrang dulas niyon. Nakita ko naman si Mike na nasa sulok ng pinto at tumatawa ito sa ‘kin. Alam ko namang siya parati ang may pakana sa lahat ng panganib na natatamo ko rito sa bahay. Kung ‘di lang siya bata at hindi ko lang siya pinsan, matagal ko na ‘yan siya isinilid sa sako at itinapon sa Manila Bay. Napapailing na lamang ako at hindi ko na ito pinansin at dali-dali akong nag tungo sa kusina.
“Ano ba Debbie! Tanghali na tulog mantika ka pa rin. Aba! Nauna pa akong gumising kaysa sa ‘yo. Amo ka ba rito huh? Sabi ko sa ‘yo gumising ka ng maaga dahil may pasok pa ang dalawa kong anak. Sino ang mag luluto ng almusal namin huh? Ako?” galit na saad nito sa ‘kin nang makapasok na ako sa kusina.
Sanay na ako sa bunganga ni tiya Lolet simula nang mapunta ako rito sa kanila. Walang binatbat ang machine gun sa bilis at lakas ng bunganga niya. “Sorry po tiya. Nakaidlip po kasi ako e!” sagot ko sa kaniya at nag simula ng mag saing.
“Nakaidlip? E, dalawang oras ka ng natutulog. Alas otso na Debbie, alam mo namang hindi ako puwedeng mag basa ng kamay ko dahil bagong manicure ako ngayon. Bilisan mo diyan at ihatid mo sa kuwarto namin ang almusal namin.” anito ‘tsaka lumabas na sa kusina.
Bagong manicure. Napapaismid na lamang ako. Dalawang oras pa lang ako nakakatulog tapos nagagalit na siya. Napabuntong-hininga na lamang ako ng malalim. Kung puwede nga lang ako sumagot sa kaniya ng pabalang e! Hinahayaan ko nalang kasi hindi rin naman ako nananalo sa kaniya. Ako lagi ang mali at sila lagi ang tama. Ayoko naman na mapalayas dito sa bahay nila dahil walang-wala na talaga akong mapupuntahan para matirhan. Kaya wala ako ibang choice kundi ang mag tiis sa lahat ng pahirap nila sa ‘kin, lalo na si tiya Lolet ko. Dinaig ko pa ang kuwento ni Cinderella simula nang sila ang nakasama ko.
“Debbie—bilisan mo at nagugutom na ako.” sigaw nito ulit.
“Ihahain ko sa ‘yo ang hilaw na kanin tingnan mo.” inis na bulong ko sa sarili.
“Isusumbong kita kay mama.” narinig kong saad ni Mike na nasa likuran ko na pala. Ganoon na lang ang gulat at takot ko nang marinig niya ang sinabi ko.
“Joke lang, ikaw naman.” nakangiting saad ko sa kaniya.
“Joke lang? Lagot ka.” anito ‘tsaka lumapit pa sa ‘kin. Tinitigan ako ng mabuti. “Ang panget mo Debbie. Lagot ka kay mama isusumbong kita.” tumatawang saad nito ‘tsaka tumakbo paakyat sa kuwarto ng mama niya.
Napabuga na lang ako ng malalim na buntong-hininga. Ramdam ko talaga ang pananakit ng ulo at katawan ko. Parang magkakasakit pa ata ako nito. Kahit naman mag reklamo ako kay tiya Lolet wala namang silbi ‘yon. Hindi naman ‘yon naniniwala sa ‘kin kahit kita na niyang nahihirapan na ako. Walang pakialam ‘yon sa ‘kin. Kaya kahit mahimatay na ako sa harapan niya hindi ako puwedeng tumigil sa pagtatrabaho rito sa bahay.
“Debbie bilisan mo kaya ang kilos mo. Late na ako sa school ko.” mataray na saad sa ‘kin ni Sefira nang makapasok ito sa kusina.
“Saglit na lang Sef, luto na ito. Ihahanda ko na ang pagkain mo.” sagot ko sa kaniya at mabilis na tumalima para ipaghain siya ng almusal niya.
Hinatiran ko na rin ng pagkain si tiya sa kuwarto niya, pati si Mike. Pagtapos kong kumain din ay nag linis na ako ng bahay. Nag laba. Bandang alauna na ng hapon ako natapos. Sakto at naligo na rin ako at nag bihis, may pasok din kasi ako sa school. Night shift.
“Tiya aalis na po ako.” paalam ko sa kaniya nang kumatok ako sa labas ng pinto ng kuwarto niya.
“Hindi ba ang sabi ko sa ‘yo huwag kang pumasok ngayon dahil madami kang labahin.” mataray na saad nito nang pagbuksan niya ako ng pinto.
“Tapos na po tiya naisampay ko na rin po. Naglinis na rin po ako ng bahay. Nagluto na rin po ako para sa haponan ninyo.” paliwanag ko agad sa kaniya. “Tsaka po nagpaalam po ako sa ‘yo kahapon na may thesis po kami ngayon. Hindi po puwede na hindi ako pumasok tiya.” saad ko.
Tinitigan lang ako nito ng masama ‘tsaka ako inirapan. “Bago ka umalis paliguan mo muna si Britney.” anito na ang tinutukoy ay ang aso niya.
Wala sa sariling napabuntong-hininga na naman ako ng malalim nang mapatingin ako sa pambisig kong orasan. “Late ka na naman, Debbie.” bulong ko sa sarili habang nagmamadaling bumaba sa hagdan at umikot sa likod ng bahay para puntahan ang aso niya. Madali ko itong pinaliguan. Pati pa ako nabasa dahil sa asong ito. Gustohin ko mang mag bihis, pero bukod sa isang uniform lang ang mayroon ako, wala na rin akong oras. Patakbo pa akong lumabas ng bahay matapos ang trabaho ko.
Fourth year college, Business Administration student ako. Na suwerte lang at schoolar ako sa baranggay namin. Wala naman kasing pakialam si tiya kung makakapag-aral ako o hindi. Kaya nagsusumikap na lang din ako para sa kinabukasan ko.
“Baby, tara late ka na naman. Sabay ka na.”
Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Markus. Hulog talaga ito ng langit parati sa ‘kin e! Nakakatipid ako ng pamasahe ko dahil sa kaniya.
“Late na naman ako. Alam mo naman si tiya e!” nakangiting saad ko sa kaniya.
“As always.” anito ‘tsaka pinatakbo ang motor niya nang makasakay ako sa likuran niya.
Pagdating sa school pinatuyo ko pa ang uniform ko bago pumasok sa room namin.
“Ayan na pala ang KATULONG natin.” nagtawanan ang mga classmate ko dahil sa sinabi ni Shantel.
Bully na nga ako sa bahay. Bully pa rin hanggang dito. Sanay na ako. Wala naman akong mapapala kung papatulan ko pa ang mga sinasabi nila sa ‘kin e! ‘Tsaka, totoo namang katulong ako sa bahay ng tiya ko. Ikakaila ko pa ba ‘yon? Ngumiti na lang ako sa kanila ‘tsaka naglakad palapit sa upuan ko.
“Amoy aso ka na naman yaya.” tawanan ulit sila nang mag salita si Rclei na kaibigan ni Shantel.
Lihim naman akong napaamoy sa sarili ko. Tss kasalanan ‘to ni Britney e!
“Don‘t mind them. Here, use my jacket.” bulong sa ‘kin ni Markus na nasa likod ko na rin pala.
Nahihiya man ako, kinuha ko na lang din ang jacket niya para hindi na ako mag amoy aso. Lalabahan ko na lang din ang jacket niya at nakakahiya naman sa kaniya. “Salamat!” nakangiting saad ko sa kaniya.