Chapter 3

1636 Words
MIRASOL Lumipas ang ilang araw. Minsan ay dumating ang mga kaibigan ni Señorito Yuan sa mansyon, dalawang babae at tatlong lalaki na kamag-anak daw nito ang isa na Xyren ang pangalan ayon sa uspan ng mga kasamabahay. Sa swimming pool area tumambay ang mga magkakaibigan at doon nag-bonding. Nang maalala ko naman ang pag-uusap namin ng binatang amo ay agad akong nagkulong sa silid. Naalala ko ang sinabi niya na hindi ako maaring lumabas kapag may bisita siya kaya sinunod ko naman agad para hindi makagalitan. Kaya lang—kinatok ako ni Bing. "Hoy, Ineng, Ipapaalala ko lang sa'yo na hindi ka prinsesa rito, ha! alam mong may bisita si Señorito," iritang bungad nito nang pagbuksan ko ng pinto. "Bakit bigla kang nagtago diyan?" nandidilat pa ang mga mata na tanong ng babae. "K-Kase po—" "Lumabas ka at tumulong doon! bawal ang batugan dito. Alalahanin mong kayo ang nagpumilit magtrabaho sa bahay na ito kaya matuto kang tumulong sa gawain!" dagdag pa nito na ikinapula ng aking mukha sa pagkapahiya. Mabuti na lang at dumating si Nanay. "Bing, bakit mo naman sinisinghalan ang anak ko?" tanong niya sa babae. "Sukat magtago dito sa kwarto? kung kailan maraming gawa saka nagpapatama sa trabaho!" "T-Totoo ba 'yun, Mirasol?" baling sa akin ng ina. "N-Nay, kasi po sabi ni Señorito huwag daw akong lalabas kapag nandito ang mga kaibigan niya—" "Ay sus!! ano'ng kasinungalingan naman 'yan? ha, Mirasol?" putol ni Bing sa pagpapaliwanag ko. "'Yun po talaga ang sinabi niya," giit ko. Hindi na ako pinansin ni Bing. Sa halip ay si Nanay ang binalingan niya. "Pagsabihan mo 'yang anak mo, Flor. Isinama mo siya rito kaya ibig sabihin ay tutulong-tulong pa rin siya sa maliliit na gawain. Kung ayaw mo ay pauwiin mo na lang 'yan!" Anito saka ako inis na tiningnan bago umalis doon. Nang kami na lang ang naroon ay pinangaralan ako ni Nanay. "Halika na at tumulong ka sa kusina. Maraming bisita ang señorito at abala ang lahat sa mga ipinapaluto niya," ang sabi pagkatapos. "P-Pero, Nay, baka kagalitan ako ni Señorito? sinabi niya po talaga sakin na 'wag lalabas o magpapakita sa mga bisita niya—" "Ano namang dahilan? baka nagkakamali ka ng pagkakaintindi sa sinabi niya. Sumunod kana sa akin bago pa bumalik si Bing. Ayokong may makarating kay Sir Paolo, anak, nakakahiya..." Napabuntong hininga na lang ako. Tama si Nanay. Paano ako tatanggapin ni Sir Paolo sa bahay na iyon kung may masasabi sila sa aming trabaho? ito lang ang pag-asa kong makatapos ng pag-aaral. Napilitan akong lumabas at nagtungo sa kusina. Inisip ko pa na baka nga mali lang ako ng pag-unawa sa sinabi ni Señorito Yuan. Bakit naman niya ako patataguin? eh, dapat nga mas sipagan ko pa kapag may mga bisita para hindi kami mapaalis sa mansyon na iyon. Sinimangutan ako ni Bing nang makalapit. Saka niya ini-abot sa akin ang tray na may lamang cookies. Ang bango niyon at bigla akong nagutom. Noon lang ako nakaamoy ng ganoong kasarap na tinapay, pero pinigilan ko ang pagkatakam dahil nakatingin si Bing. "Dalhin mo iyan sa pool at isunod mo ang juice nila. Dalian mo at baka bumaba na si Señorito...ayaw n'on ng mabagal!" dagdag pa ni Bing sa utos niya. Tumango ako saka mabilis na tumalima. Naabutan ko ang masayang kwentuhan sa tabi ng swimming pool. Wala pa roon ang señorito namin. Ipinatong ko ang cookies sa lamesa na nasa tabi. "C'mon, ano'ng oras pa tayo magsu-swimming?" narinig kong tanong ng isang dalaga na halos matitigan ko sa sobrang ganda. Halatang mga anak-mayaman. Ang kikinis ng balat at kay puputi. "Ang tagal kasi ni Yuan, eh." sagot naman ng isa sa mga lalaking bisita. Walang pangit sa kanila at bagkus ay para akong nakakita ng mga artista. Tumango lang ako bilang pagbati saka umalis doon para kunin naman ang juice. Dahil sa kasusulyap ko sa mga artistahing nilalang ay hindi ko napansin ang kasalubong. Bumangga tuloy ako sa matigas na katawan ng isang lalaki—si Señorito Yuan pala. Nanlaki ang mga mata ko nang masalubong ang madilim nitong mukha. Kunot ang noo nito habang nakatunghay sa akin. Wala itong pang-itaas at handa nang maligo. "Yuan! ang tagal mo, ah?" Dahil sa tawag na iyon ay nawala ang atensyon sa akin ng binata at tila napilitan lang akong bitiwan. Hindi ko napansing hinawakan pala ako ni Señorito sa braso nang mabangga ako. Agad na rin akong umalis dahil hindi ko kayang tagalan ang naninita nitong titig. Ayoko na nga sanang bumalik para dalhin ang juice, natatakot kasi ako sa tingin ng binatang amo. Kaya lang walang magdadala niyon. Abala ang lahat sa gawain, pakiramdam ko pa'y tila umiiwas ang mga maid na pagsilbihan ang mga bisita. Ewan ko ba pero 'yun ang nararamdaman ko. Kaya kinakabahan man ay kinuha ko ang pitcher na nasa tray at dinala iyon sa kinaroroonan ng barkadahan. Pagbalik ko ay nasa tubig na ang magkakaibigan. Pilit kong iniiwasan na masalubong ang tingin ni Señorito at pasimpleng inayos ang pagkain nila sa table. Paalis na sana ako nang lapitan ng isa sa mga bisita. "Hi! bago ka yata rito?" pabating anito. Basa ang katawan ng lalaki dahil kaka-ahon lang sa swimming pool. "O-Opo, anak po ako ng bagong maid," kimi kong sagot. Tumango-tango naman ang binata. "I'm Mico. akala ko kaninang makita ka'y dumating na si Pauline. Magkasing-taas kasi kayo," nakangiti pang dagdag. Nahihiya akong ngumiti. Mukha namang mabait ang binata kaya hindi ako nakadama ng pagkailang. Pero 'yung mapagkamalan niya akong si Señorita Pauline ay nakakatawa. Nakita ko na ang larawan ng kapatid ni Señorito—sobrang ganda niyon. Nakakahiyang mapagkamalang siya. "Mico!" Kinabahan ako nang marinig ang tinig na tumawag sa lalaki. Pinili kong huwag lumingon. Lalo akong nangatal sa takot nang maramdaman ang paglapit sa amin ni Señorito Yuan. "Hey, may bago pala kayong maid? and she look like Pauline." "What?" madilim ang mukhang reaksyon ng amo namin. "How dare you?—comparing my little sister to her?" Napayuko ako sa pagkapahiya. "Relax! magka-height kasi sila, and I think same age din, right? ilang taon kana ba?—ano nga ulit ang pangalan mo?" baling sa akin ni Mico. "M-Mirasol po—" "Mirasol?" bulalas ng isa na nasa swimming pool. Hindi ko natapos ang sinasabi dahil masyadong eksaherado ang reaksyon nito. Umahon siya at tumakbo palapit sa amin. Nakamasid lang ang ibang bisita at tila wala namang pakialam. "Patrick, bumalik ka nga ro'n!" galit na utos ni Señorito Yuan. Iyon pala si Patrick. Ang bestfriend nito ayon sa mga kasamahan. "Wait lang, Yuan—" anito saka ako tinitigan mula ulo hanggang paa. Hindi tuloy ako makaalis. "Ikaw si Mirasol? ilang taon ka na?" ang tanong pa sa akin. "E-Eleven po—" sagot ko kahit nagtataka. Kung magsalita ito ay parang kilala niya ko. "What? eleven? seriously, Yuan? you're f*ck, dude!" biglang sabi ni Patrick sa binata na nang tingnan ko ay sobrang tiim ng bagang at para akong kakainin ng buhay sa galit. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Patrick. Hinila ito ni Señorito at nag-usap sila sa isang tabi. Agad naman akong nagpaalam kay Mico at nagmamadaling umalis. Nagtatakbo ako at naghanap ng pwedeng pagtaguan. Ramdam ko na may nagawa akong mali—hindi ko nga lang alam kung ano iyon pero sigurado akong galit si Señorito. Naisip kong sa likod bahay muna tumambay. Baka kasi makita ako ni Bing at utusan ulit na magdala ng pagkain sa kanila. Naupo ako sa tagong bahagi ng labas ng bahay malapit sa animal kingdom. Pero hindi pa manlang ako nakakabawi ng kabang nararamdaman ay heto na ang binatang amo at galit akong hinaklit sa braso. "S-Señorito—" natatakot kong sambit. Naroon ang pagkabigla sa aking tinig. "Ginagalit mo ba ako, ha? di ba sabi ko sa'yo na h'wag kang lalabas kapag may mga bisita ako?" paasik niyang tanong. "W-Wala po kasing magdadala ng pagkain n'yo, abala ang lahat kaya ako po ang—" "Wala akong pakialam!!" Natulala ako sa sigaw nito. Naisip ko na totoo nga pa lang nakakatakot ang lalaki. Akala ko'y exaggerated lang mag-kwento sina Bing pero totoo nga pala. "P-Pasensya po..." nakayuko kong sabi habang pigil ang hikbi. "Ako ang masusunod sa bahay na ito at kung hindi mo gagawin ang utos ko ay mapipilitan akong—" natigil ang pagsasalita niya nang mapansin ang namamasa kong mga mata. Nagtaka ako nang biglang mawala ang madilim na ekspresyon ng mukha ni Señorito Yuan. Lumambot iyon at naging matiim ang pagtitig ng mga mata niya. Pagkuwa'y hinaplos niya ang buhok ko at nabawasan ang nararamdaman kong kaba. "Señorito, patawarin n'yo po ako. Hindi na mauulit. Huwag n'yo po kaming paaalisin ni Nanay. Kailangan po namin ng trabaho," may pagmamakaawang ani ko sa kanya. Saglit itong napamaang bago huminga ng malalim. "Tsk, okay. Madali lang akong kausap, Mirasol. Basta sundin mo lang ang utos ko'y hindi ka mawawala sa bahay na ito. Kapag nagpakabait ka'y baka bigyan pa kita ng bonus." Nabigla ako pero agad ding natuwa sa narinig, saka tiningala ang lalaki, "totoo po? m-magkano po, Señorito?" excitted kong tanong. Bahagya itong natawa kaya bigla tuloy akong napahiya. Parang nagmukha akong pera sa naging ko pero iyon naman kasi ang kailangan namin. Pera! pera! pera! kapag tinotoo ni Señorito ang bonus ay tiyak na may pambili na ng gamot si Lileth. Kailangan ko lang talagang sumunod sa binata. "Kung magkano ang gusto mo ay bibigyan kita, but—you need to be good," he said. Mabilis naman akong tumango. "Now tell me, bakit 'di mo sinunod ang bilin ko, huh?" tanong pa nito kaya muli akong napatingala sa mukha niya. Bonus na ang nakasalalay kaya pikit-mata kong sinabi ang totoo. Bahala na si Bing! mas kailangan namin ng pera. Pero sana'y huwag itong masermonan ni Señorito para hindi ako ma-guilty. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD