Chapter 2

2155 Words
Nasa harapan ako ng salamin namin ngayon at tinitingnan ang labi kong medyo namaga dahil sa mapag-parusang halik ni Sven. Hindi ko tuloy malaman kung paano ito itatago. Bumuntong hininga na lamang ako at napailing. Simula ngayon ay mas mag-iingat ako sa mga gagawin at sasabihin ko sa kanya. Nakakatakot syang magalit. Maaga akong naghanda dahil pupunta ako sa mansyon ng Montemayor para tumulong kay Nanay sa gawain nya dun dahil wala pa naman akong pasok ngayon, araw ng linggo. Kasabay ko si Kuya Raymond na magtutungo roon at kasama rin ang matalik niyang kaibigan na si Kent. "Bunso, anong nangyari sa labi mo? Bakit parang maga at putok?" Kabado ako pero pilit akong tumawa kahit hilaw ang kinalabasan nun. "Wala 'to Kuya, nakagat ko lang dahil sa sobrang pagpipigil ng ihi kahapon." Naningkit ang mata nya sa sagot ko. I know, napaka-lame na excuse para paniwalaan agad. "Sa susunod wag ka nang magpipigil ng ihi! Baka mamaya magkasakit ka pa sa bato nyan!" Asik nya na ikinagulat ko. Kinagat ni Kuya ang kasinungalingan ko. Napangiti ako atsaka tumango sa kanya. "Kamusta na si Suzy? Mas gumanda siya siguro ngayon no?" Napangiti ako ulit sa sinabi ni Kuya Mon. Crush nya kasi si Suzy mga bata palang kami. Kaya ngayon siguradong mas hahangaan nya si Suzy dahil dalaga na ito at kitang-kita na ang kagandahan. "Oo kuya, sobrang ganda na ni Suzy ngayon. Siguradong mas mahuhumaling ka sa kanya." Nasamid sya sa sinabi ko at nag-iwas ng tingin kaya napangiti ako. "Baka may pag-asa ka na 'tol kay Suzy. Binata ka na at dalaga na sya, mukhang parehas naman kayong single." Tumatawang pang-aasar ni Kent na ikina-bungisngis ko. "Manahimik nga kayong dalawa! Masyado pa kaming mga bata para sa ganyan. Bilisan ninyo ang paglalakad para matapos natin agad ang mga trabaho." Iritado nyang sambit samin ni Kent na ikinahalakhak naming dalawa. Sa ganung sitwasyon kami nasalubong ng triplets. Pansin ko agad ang kakaibang awra kay Sven nang sumulyap sya samin o mas tamang sabihin na kay Kent? Mukhang masama ang araw nya ngayon. Napangisi naman ako nang mapatingin kay Kuya Mon na nakatulala na ngayon kay Suzy. "Hi Isabella! At hello sa dalawang kasama mo." Nakangiting bati samin ni Suzy, tumango naman si Damien at si Sven, as usual malamig lamang ang tingin saming tatlo. Napa-iwas ako ng tingin sa kanya nang maalala ang nangyari saming dalawa kagabi. "Magandang umaga sainyong tatlo." Bati ko. Idinamay ko na si Sven para walang masabi. "Magandang umaga po. Kamusta po kayo?" Bati naman ni Kent na nakangiti. "Ito okay naman kami. Nag-a-adjust pa sa panahon dito satin." Sagot ni Suzy sabay hila sakin. Sa lakas ng hila nya ay nabunggo ko pa si Sven na mukhang nagulat din sa ginawa ng kapatid pero hindi naman kumibo, lumayo lang ng kaunti at humalukipkip sa isang tabi. Si Kuya Mon at Kent ay nanunuod lang samin habang si Damien ay naka-ngisi na. "Suzy, may problema ba?" Nag-aalala kong tanong na ikina-iling nya agad. "Wala naman pero.. Anong nangyari sa labi mo?" Kita ko sa mga mata nya ang pag-aalala kaya napalunok ako. Kung si Kuya Mon ay kinagat ang kasinungalingan ko, hindi ko sigurado naman si Suzy kung kakagat din. Kaya.. "Wala 'to Suzy, wag ka mag-alala." Naka-ngiti kong sambit para mabawasan ang pag-aalala nya. Huminga sya ng malalim bago sulyapan si Sven at ibinalik din agad ang tingin sakin. "Halika samahan mo kami ni Damien mamalengke. Gusto kong mamasyal sa bayan." Napangiti ako sa narinig. Talagang hindi sila pinalaki ng mga magulang nila na angat. Kumbaga, lumaki sila na pantay sa lahat. "Oh sige ba!" Masaya kong sambit bago binalingan sila Kuya Mon. "Kuya sasama na ako sa kanila sa palengke ha? Sabihin mo nalang kay Nanay." "Oh, kuya mo pala sya Isabella?" Tumango ako tsaka sinulyapan si Kuya na kanina pa tahimik. "He's handsome and.. hot! Hi! I'm Suzy, what's your name?" Inextend ni Suzy ang kanang palad kay Kuya para makipagkilala. Natawa ako nang makitang namula si Kuya Mon sa sinabi ni Suzy. "Raymond." Sagot nya atsaka inabot ang palad ni Suzy. "Let's go na Isabella and Damien." Yaya nya samin pagkabitaw ng kamay nila ni Kuya. "Sven maiwan ka na." Irap na sabi ni Suzy sa kapatid at nilampasan ito. Isang irap lang din ang isinagot ni Sven kay Suzy bago tiim-bagang sumulyap kay Kent na ngayon ay nakangiti kay Sven, ngiting nakikipag-kaibigan. Pero hindi sya pinansin ni Sven. Tinalikuran nya kaming lahat na walang sinasabi. What do we expect to him? "Pasensya na kayo kay Sven. May dalaw lang yun." Tumatawang sambit ni Damien sa dalawa tsaka tinapik ang balikat nila. Tumango lamang si Kuya Mon at Kent. "Sige, mauna na kami. Let's go Isabella." Nauna nang lumakad si Damien at susunod na sana ako nang higitin ni Kuya Mon ang braso ko. Nagtataka ko syang tiningnan, seryoso ang mga mukha nilang dalawa ni Kent nang masulyapan ko sila. "Mag-iingat ka kay Sven, bunso. Hindi ko gusto ang mga tinginan nya sayo." Seryoso nyang babala sakin na hindi ko na ipinagtaka. Yung nangyari kagabi sa pagitan namin ni Sven ay isa ng babala para sakin at ngayon naman pinakitaan sila ng kagaspangan na pag-uugali ni Sven kaya eto na si Kuya, over protective. "Oo kuya. Mag-iingat ako sa kanya." Sagot ko nalang para hindi na humaba pa ang usapan. Naka-ngiti kong pinagmamasdan si Suzy na tuwang-tuwa sa pagtingin-tingin ng mga paninda na nakahilera sa palengke. Natapos na kaming mamili sa wet market kaya eto naman ang aming pinagkaka-abalahan. Maraming napapasulyap sa amin, o mas tamang sabihin kong kay Damien at Suzy. Sa ganda at kisig ni Damien, sinong hindi mapapa-sulyap? "Isabella, ito bagay sayo 'to." Napatingin ako sa hawak ni Suzy na isang offshoulder dress, maigsi iyon na hanggang ibabaw ng tuhod ang abot. At pag sinuot ko iyon, hapit sa katawan ko. Masyadong sexy kaya umiling ako kay Suzy na ikina-taas nya lang ng kilay. "Bibili ako ng dalawa nito, isa sayo at isa para saken." Nakangiti nyang sambit na ikinangiwi ko. Hindi ko gusto ang idea nya na suotin ko ang ganung klaseng dress. Bago pa ako maka-angal ay nabayaran na nya ang mga dress at hinila ako sa mga accesories naman. Tuwang-tuwa sya habang tumi-tingin ng mga bracelet. Kumuha ulit sya ng dalawa at tig-isa daw ulit kami. Napailing nalang ako at hinayaan sya. Sinulyapan ko si Damien na mukhang kanina pa may tinitingnan. "Sino pinagmamasdan mo?" Nagulat sya sa biglaang pagsulpot ko pero ngumiti din at umiling. "Asuuus! Sino nga?" Pangungulit ko habang natatawa. Binaling nya ulit ang mga mata sa kanina nyang pinagmamasdan. Napaawang ang labi ko nang makita kung sino ang tinitingnan nya. Si Hanna. Maganda talaga ang dalaga na iyon kaya nga lang ay kilalang siga sa bayan na ito. Kung may basagulero, sya naman ay basagulera. Hindi mo aakalaing kaya nyang bumali ng buto kahit pa lalaki ang kalaban nya dahil sa angkin nyang kagandahan. "What's her name? I want her. And she's mine from now on." Naka-ngisi nyang sambit na ikinangiwi ko sa sinabi nya. Para lang syang bumibili ng gusto nyang laruan, at angkinin na kanya. He's like his brother, Sven. When we were young, Sven always scold me sa tuwing makikipaglaro ako sa ibang batang lalake. He wants me for himself. Nakakakilabot sa pakiramdam pero sa katagalan ay nakasanayan ko nalang. At dahil nga bata pa kami ng mga panahon na yun kaya tumatak nalang sa isip ko na, ako lang ang gustong kalaro ni Sven kaya ayaw nyang makipaglaro ako sa iba. Hanggang sa umalis silang magkakapatid patungong New York, bumalik nito lang at mukhang matured naman na ang utak ni Sven kaya alam kong hindi na mauulit yung noon na pang-aangkin nya sakin. "Hanna. Hanna Keith Samson ang pangalan nya." "Isabella, Damien! Let's go home na. I'm really tired na." Nang makapasok kami sa mansyon ay dumiretso ako sa kusina habang bitbit ang pinamili para sakin ni Suzy. Mamaya ko na lamang iyon titingnan. Habang si Suzy ay pumanhik sa kwarto nya at si Damien ay hindi ko na alam kung saan nagsuot. "Nay pasensya ka na po hindi na kita natulungan dito. Nag-libot libot po kasi kami sa bayan nila Suzy." Bungad ko ng makalapit ako sa kanya. Mukhang wala naman na syang ginagawa dahil nagkakape nalang sya ngayon. Seriously? Katanghaliang tapat! "Ayos lang anak. Puntahan mo sila Kuya Mon mo, ibigay mo itong mga miryenda nila. Nasa kuwadra sila anak." Tumango lamang ako at kinuha na ang isang tray na may lamang miryenda. Tumulak ako palabas ng mansyon, nakasalubong ko pa si Sven na as usual naka-busangot na naman ang mukha. Akala mong pasan ang problema ng buong mundo. Umiwas ako ng tingin nang mapatingin sya sakin. Nilagpasan ko sya at kahit nakatalikod na ako ay ramdam ko parin ang paninitig nya kaya kahit naiilang ay hindi ko nalang pinansin. "Kuya!" Sigaw ko nang matanaw ko na sila para maagaw ko din ang atensyon nila. Sabay silang tumingin sakin ni Kent kaya ngumiti ako, kumaway naman sila pabalik. "Heto na miryenda nyo, gawa ni Nanay yan!" Nakangisi kong sambit nang makalapit ako sa kanila. "Salamat at dinala mo dito, Isabella." Sambit ni Kent habang kumukuha ng turon. Tumango lamang ako bilang sagot. "Bunso, may mga bisita pala sila Suzy mamayang gabi?" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya Mon, dahil wala namang nabanggit sakin si Suzy na may mga bisita silang darating. "Hindi ko lang alam Kuya, bakit?" "Baka daw kasi boyfriend ni Suzy ang pupunta mamaya. Nagseselos sya! Hahaha! " Pang-aasar ni Kent kaya nasuntok sya ng mahina ni Kuya sa braso na ikinatawa ko. "Hayaan mo, Kuya! Tatanungin ko si Suzy kung may boyfriend na sya o wala." Naka-ngisi kong sambit na iki-iling nya pero may maliit na ngiti naman sa labi. Nadatnan ko si Suzy sa sala ng mansyon nila, may kausap ito sa cellphone nya pero nang makita nya ako ay sinenyasan nya akong maupo at hintayin sya kaya naupo ako sa isang tabi at hinintay syang matapos. "Okay, okay! See you. Bye!" Pagpapaalam ni Suzy sa kausap bago nakangiting bumaling sakin. "Isabella, punta ka mamaya ha? Darating ang mga kaibigan namin from New York and I want you to be here. Don't worry, ako ang mag-aayos sayo." Masaya nyang sambit na parang hindi ako pwedeng tumanggi. "Suzy kase.. may pasok ako bukas. Hindi ako pwedeng magpuyat." "Please, Isabella! Ngayon lang 'to oh." Para syang nagpapakaawa pero naka-ngiti. Napatango nalang ako ng wala sa loob. "Yey! Thank's Isabella! Nasan nga pala yung pinamili natin kanina?" "Nasa kusina, bakit?" "Kunin mo at sumunod ka sakin sa kwarto ko ha." Tinalikuran nya na ako at mabilis syang pumanhik papunta sa kwarto nya. Napailing nalang ako at sumunod din sa sinabi ni Suzy. Pagpanhik ko, natampal ko ang noo ko dahil hindi ko nga pala matandaan kung saan ang kwarto ni Suzy. Lumakad-lakad ako sa hallway, nagbabaka-sakali na makasalubong ko siya o isa man lang katulong nila, para mapagtanungan pero ang nasalubong ko ay si Ma'am Bree na nakangiti na sakin ngayon. "Magandang araw 'ho Ma'am Bree." Nakangiti kong bati. Pero nagulat ako ng hawakan nya ako sa braso at hinila sa kung saan. "Hija, gusto ko sana na lagi kang nandito sa bahay. Natutuwa ako pag nakikita kita dito. At wag mo narin ako tawaging Ma'am, Tita nalang, okay?" Masarap sa pakiramdam ang mga nasambit ni Ma'am Bree, grabe! Napakabuti nilang tao. Ngumiti ako ng matamis sa kanya bago sumagot. "Opo, t-tita." Nahihiya ko pang sambit pero nawala ang ngiti ko nang makita kong ang tinatahak namin ay ang papunta sa kwarto ni Sven. Hindi ko malaman kung bakit dito kami papunta. Gusto kong magtanong pero nahihiya ako. Hindi na kumatok si Tita Bree, dire-diretso nyang binuksan ang pintuan ng kwarto ng anak nya at ganun nalang ang gulat ko nang makita si Sven na walang pang-itaas at tanging tuwalya lang sa ibabang bahagi ng katawan nya ang natatakpan. Halatang bagong paligo. Nagtama ang mga mata namin kaya umiwas agad ako ng tingin. Siguradong namumula na ang pisngi ko dahil sa kahihiyan ngayon. "Anak, dalhin mo sya sa kwarto ni Suzy. Idinaan ko lang sya dito." Hinila ako ni Tita Bree papasok sa kwarto ni Sven na ikinataka ko. "Ikaw na bahala sa kanya." Itinulak pa ako ng bahagya ni Tita Bree bago sya lumabas ng kwarto ni Sven at isinara ang pintuan. What happened? "Isabella." Para akong pinagpawisan ng malamig nang marinig ko ang malalim nyang boses. "Don't come at the party later." Nangunot ang noo ko sa sinabi nya. Naka-Oo na ako kay Suzy, at nakakahiya naman kung babawiin ko. "Pupunta ako. Naka-Oo na ko sa kapati-- "Dammit! Just don't come!" Napatalon pa ako sa gulat dahil sa biglaan nyang pagsigaw sakin. "Pag pumunta ka, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Nangamba ako sa banta nya kaya napa-Oo nalang ako. "Good girl." Ngising sambit nya kaya napaawang ang labi ko. Ano na naman ba ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD