Inilawit ko ang mga paa ko sa malamig na tubig ng ilog. Dito ako palagi nananatili pag walang ginagawa sa bahay o sa mansyon ng mga Montemayor at kung may iniisip. Napangiti ako nang matanaw ko na ang papalubog na araw. This is so amazing. I really love sunset. Itinaas ko ang kanang kamay at itinapat ito sa araw na papalubog na. Animo inaabot ko ito.
"Isabella!" Isang malakas na tinig ang narinig ko. Si nanay iyon. Mukhang kanina pa ako hinahanap.
"Nay!" Balik sigaw ko bilang sagot. Inahon ko na ang mga paa ko mula sa ilog at isinuot ang tsinelas ko na nasa tabi ko lang. Tumayo ako at lumakad na para salubungin si Nanay.
"Kanina ka pa pinapahanap nang iyong ama, nandito ka lang pala." Bungad nyang sabi nang makalapit ako.
"Bakit daw 'ho nay?"
"Dumating na ang mga anak nina Mr.Montemayor, hinahanap ka ni Suzy anak, at ni Damien."
Nakaramdam ako ng kasiyahan sa narinig ko. Ang mga nabanggit ni Nanay ay mga anak ng amo namin na kababata ko.
"Talaga nay?" Hindi ko naitago ang tuwa ko. Agad kong hinila si nanay. "Tara na ho!"
Ilang taon silang namalagi sa New York magkakapatid. Bale tatlo silang magkakapatid at triplets sila, dalawa lang silang nabanggit ni Nanay dahil hindi naman ako close sa isa pang kapatid nilang lalaki na si Sven. I don't know why he hates me? As far as I know, I didn't do anything para kamuhian nya ko. Well, that's life. Some people will like you, and some are not.
Humarap muna ako sa salamin at tiningnan ang kabuuan ko. Inayos ko ang mahaba kong palda at inilugay ko ang mahaba kong buhok na alon-alon. Tiningnan ko rin kung maayos ang mukha ko bago humarap sa mga kababata ko. Pinasadahan ko ng dila ang labi ko para mamasa ng kaunti dahil nanunuyo ito. Hindi ko narin kelangan maglagay ng kolorete sa mukha dahil natural ang pagka-pula ng labi at pisngi ko.
"Omygod! Is that really you, Isabella?" Hindi makapaniwalang sambit ni Suzy nang makita ako. Nahihiya naman akong tumango at ngumiti. Niyakap nya ako ng mahigpit at bineso. She's really a kind hearted woman. Kahit nasa itaas sya ay nakatapak parin ang kanyang mga paa sa lupa. Hindi sya tumitingin sa estado ng buhay. "You really look beautiful." Naka-ngiti nyang papuri sakin. Namula ang mukha ko dahilan para humagikgik sya.
"Hindi ka parin nagbabago Suzy, bolera ka parin." Nakatawa kong sagot sa kanya. "At mas maganda ka sakin Suzy." Naka-ngiti kong sabi sa kanya na ikinahalakhak nya.
"Really?" Pilyang sagot nya na ikina-kunot noo ko. Totoo naman ang sinasabi ko na mas maganda sya sakin. Her eyes. She got her mother's eyes. It's blue and beautiful.
"Oo kaya Suzy! Napaka-ganda mo kumpara sakin." Hindi nya pinansin ang sinabi ko. Lumagpas ang tingin nya sakin at ngumiti ng matamis.
"But Sven told me na mas maganda ka sakin." Nakangisi nyang sambit na ikinalaki ng mata ko. Namula lalo ang mukha ko sa sinabi ni Suzy.
"I never told you that kind of s**t brat!" Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang iritadong boses na yon. Sven.
"Oh c'mon Sven! Don't be shy. Haha!" Humalakhak si Suzy na may halong pang-aasar. "You told me that she's more beautiful than me kaya no!"
Napapikit ako nang lumampas sakin si Sven. Nanuot sa ilong ko ang kanyang nakakahalinang amoy. Napakabango. Binagsak nya ang sarili sa isang couch at tumingin sakin mula ulo hanggang paa. Paa hanggang ulo na ikinakaba ko. Ilang ulit nya yung ginawa kaya pakiramdam ko tuloy nanliliit ako dahil sa klase ng paninitig nya. Nagtama ang mga mata namin at sa hindi maipaliwanag na dahilan, bumilis ang t***k ng puso ko. Parang may nagrarambulan rin sa tiyan ko. Ano yun?
"Stop staring at her, Sven. It's rude you know." Saway ni Suzy sa kanya pero naka-ngiti.
Walang naging sagot si Sven sa sinabi ni Suzy. He just smirked and look away from me na ikinahinga ko ng maluwag. Pero halos magkulay hinog na kamatis ang mukha ko nang marinig ang sinabi nya.
"Manang." Mahina pero umabot naman sa pandinig namin ni Suzy. Hindi na lang ako sumagot.
"Well, it's her fashion style Sven. And I find it attractive. So, innocent. Hi, Isabella! How are you?" Napa-ngiti ako nang dumating si Damien na naka-ngiti. Nakabukas ang mga braso nya kaya yumakap ako sa kanya bilang pagbati. He's my knight afterall.
"Ito okay lang Damien, ikaw kamusta na? Guma-gwapo tayo ha." Biro ko na sinagot lang nya ng tawa at pagtaas-baba ng kilay nya.
"Damien's right. Isabella is beautiful in her own way. At bagay na bagay sa kanya ang ganyang suotan. Or you want me to make-over Isabella, Sven? Looking sexy as hell." Naka-ngising sambit ni Suzy.
Napasulyap ako kay Sven habang humi-hiwalay ng yakap kay Damien, at kitang-kita ko ang pag-igting ng panga nya na tila sasabog sa galit pero nang makita nya akong nakatingin sa kanya ay nag-iwas sya ng tingin at tumayo na. He tsked before left. I know, he's pissed. And it make him more handsome.
Nagkwentuhan kami ni Suzy at Damien maghapon lang ng mga nangyari sa nagdaang taon.
"So? Do you have a boyfriend?" Tanong ni Damien na ikina-iling ko.
"Wala pa sa isip ko yung mga ganung bagay. Mas gusto kong tulungan sila nanay na maka-ahon sa hirap tutal malapit narin akong maka-graduate, ilang buwan nalang." Nakangiti kong sagot.
"Pero mahaba siguro ang pila ng mga nanliligaw sayo?" Singit ni Suzy, taas ang isang kilay na sumulyap sakin bago ibinalik ang tingin sa magazine na binubuklat nya.
"Merong mga nanliligaw pero nire-reject ko agad." Nahihiya kong sagot.
"That's good to hear. Dahil baka makapatay si Sven oras na may naging boyfriend ka." Wika ni Suzy na that's good to hear lang ang narinig ko, yung iba ay naging mahina na sa pandinig ko.
"Ano yun Suzy?" Tanong ko na ikina-lingon nya sakin.
"Nothing. May binasa lang ako." Sagot nya sabay sulyap sa magazine na hawak. Napatango ako at tumayo na. Gabi narin at kailangan ko nang umuwi. Baka mag-alala sina nanay.
"Suzy, Damien. Mauna na ko. Baka hinahanap na ako nila nanay."
"Oh, okay. Hindi na natin namalayan ang oras. Napahaba ang kwentuhan natin. Halika, ipapahatid kita sa driver."
"Naku Suzy! Huwag na. Malapit lang naman ang amin." Tanggi ko dahil nakakahiya.
"I insist." Nilagpasan nya ako at naglakad sa main door ng mansyon kaya napasunod ako.
"Ipapahatid kana namin Isabella. Wag ka nang mahiya." Napatango nalang ako sa sinabi ni Damien na nakasunod naman sakin.
Binuksan ni Suzy ang double door, saktong papasok ang mga magulang nila kasunod si Sven na nakahalukipkip sa likuran ng mag-asawa. Medyo yumuko ako at bumati. "Magandang gabi ho Mrs.Bree at Mr.Sebastian."
"Hello! Ikaw na ba si Isabella? Naku ang ganda-ganda mo hija. Parang kelan lang nung maliliit pa kayong apat. Ngayon mga binata't dalaga na kayo. Anyway, saan kana ba pupunta nyan?" Natutuwang sambit ni Ma'am Bree habang si Mr.Sebastian ay seryosong nakatingin lang sakin. Tumango lang sya bilang pagbati sakin.
"Uuwi na ho ako ma'am, gabi narin ho kasi." Sagot ko. Tumingin naman si Ma'am Bree sa suot nyang relo at bumaling sakin.
"Mamaya kana umuwi hija. Dito kana mag-dinner sa bahay. Halika." Hindi na ko nakaangal nang ikawit ni Ma'am Bree ang braso nya sakin at hinila pabalik sa sala.
Napangiti ako dahil kahit napakayaman nila ay hindi sila nagmamataas sa mahihirap. Lagi silang nakangiti samin at nakikisabay sa bawat bagay.
"So Isabella, graduating kana ngayong taon na'to, anong balak mo after graduation mo?" Tanong bigla ni Ma'am Bree sa akin kaya napahinto ako sa pagkain.
Kumpleto silang pamilya na kasalo ko ngayon sa pagkain.
"Mag-aapply po agad ng trabaho ma'am para makatulong sa pamilya." Naka-ngiti kong sagot naman.
"Napakabuti mo namang bata hija." Ginagap nya ang isang palad ko at ngumiti sakin ng matamis. "I like you for my son." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya at narinig ko pa na sabay-sabay nabulunan ang triplets kahit mukhang hindi naman nabubulunan talaga.
Napakurap ako ng ilang beses kay Ma'am Bree dahil nabigla ako sa sinabi nya, natawa naman sya at binitawan ang palad ko na bigla na lamang nanlamig. Ipinagpatuloy nya ang kinakain nang magsalita si Damien kaya nabaling ang tingin naming lahat sa kanya.
"Mom, dalawa kaya kaming son mo, so sino ang tinutukoy mo?" Nakangisi nyang sambit at sinulyapan si Sven na tahimik na kumakaen pero nahinto nang marinig ang sinabi ni Damien.
"You." Simpleng sagot ni Ma'am Bree na ikinapula ng mukha ko.
"I'm done." Padabog at nakabusangot ang mukha na tumayo si Sven at umalis ng dining hall. Nangyari dun?
"Mom! You pissed him." Nakakunot noo na sabi ni Suzy. Ngumisi lang si Ma'am Bree bago bumaling sakin.
"Kumain ka pa ng kumain hija. Dito kana lang din matulog, ako nang bahala sa parents mo."
"Omg! May kakwentuhan ako mamayang gabi. Isabella, tabi tayo ha?" Masayang sambit ni Suzy at wala akong magawa kundi ang tumango.
"No baby. Isabella will sleep in our guestroom. Guguluhin mo lang sya magdamag." Seryosong sambit ni Sir Sebastian kaya hindi na naka-apela pa si Suzy.
Napaikot ang mata ko sa kabuuan ng silid na pinagdalhan sakin. Halatang pambabae ang kwarto dahil halos lahat ng gamit na narito ay kulay pink. Napangiwi ako dahil hindi ako mahilig sa pink. At akala ko sa guestroom lang ako nila patutulugin pero dito naman nila ako dinala. At itong kwartong ito ay hindi ko kilala kung sino ang may-ari, ngayon lang ako napasok dito. Nagkibit-balikat na lamang ako.
Pumunta ako sa closet at binuksan iyon. Halos lumuwa ang mata ko dahil punong-puno iyon ng mga mamahalin na damit na puro pambabae. Nakaayos ang lahat at nakakatakot magulo. Pero sabi ni Suzy kumuha nalang ako dito ng damit na pantulog, ayos lang naman daw. Kaya lang nakakahiya dahil halatang bago lahat ito. Bahala na nga.
Matutulog lang naman ako kaya ang kinuha ko ay isang cycling at isang dress na manipis masyado. Kumuha rin ako ng underwear at bra na halatang bago pa bago pumasok sa cr na nasa loob lang din ng kwartong ito.
Binagsak ko ang katawan pagkatapos kong mag-half bath. Hindi ako agad makatulog dahil mukhang namamahay ako. Tumayo ako sa kama at humarap sa whole body na salamin. Napangiti ako ng pagmasdan ko ang katawan kong nadedepina na unti-unti ang paghubog, at kahit hindi kami mayaman natural na makinis at maputi ang aking balat. Napatingin ako sa dress na suot ko. s**t! Masyadong expose ang cleavage ko.
Gabi naman na, siguro ay tulog na ang lahat. Binuksan ko ang pintuan ng kwartong kinalalagyan ko atsaka sumilip. Gusto ko sanang pumunta kay Suzy kaya lang baka makaistorbo ako sa kanya. Pero bahala na.
Lumabas ako mula sa kwarto. Madilim ang hallway kaya kahit natatakot ay tinapangan ko ang sarili ko. Napakamot ako sa ulo nang maalala kong ang daming kwarto nga pala dito at hindi ko na matandaan kung saang parte ang kwarto ni Suzy. Ang tagal ko na kasing hindi nakapanhik dito sa third floor nila simula nang umalis sila papuntang New York. Sa dami ng pinto ay nalilito ako. Lumakad pa ako ng kaunti, nahagip ng mata ko ang isang kwarto sa dulo. Lumakad ako papunta dun at nang makalapit ay kumatok ako.
"Suzy?" Mahina kong tawag at kinatok ulit ng marahan. Walang sumasagot kaya tumalikod na ko.
"Why are you knocking on my door?" Napatalon ako sa gulat nang isang baritonong boses ang nagsalita. Napaharap agad ako. Napansin ko na pinasadahan nya ang kabuuan ko at huminto ang mga mata nya sa mukha ko hanggang magtama ang mga mata namin. Kita ko ang galit dun. Okay? Di ko naman sinasadya na istorbohin sya. Malay ko bang sya ang may-ari ng kwarto diba?
Ikinumpas ko ang kamay ko at magpapaliwanag na sana nang unahan nya ko..
"Do you think you can seduce me with what you're wearing tonight?" Sambit nya sa mapanuyang paraan. Napaawang ang labi ko dahil dun at mabilis na uminit ang pisngi. Hindi ko alam na may ibabastos pa pala ang siraulo na'to? "Na-offend ka ba sa sinabi ko na mukha kang manang kanina? Kaya ngayon nagpalit ka ng damit at kumatok pa talaga sa kwarto ko para ipaki---
Nagpanting na ang tenga ko sa sinabi nya kaya kahit na hindi pa sya tapos sa sinasabi nyang puro kayabangan ay isang tumataginting na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Kahit anak pa sya ng amo ko ay wala syang karapatan na tapak-tapakan ang p********e ko.
"Bastos! Wala ka talagang respeto sakin bilang babae o tao sana! Napakasama ng ugali mo!" Sigaw ko sa kanya at wala na kong pakialam kung makaistorbo ako sa pamilya nya ngayong gabi. Anak naman nila ang may kasalanan!
Nag-igting ang panga nya at tila hindi makapaniwalang sinigawan ko sya. Nabigla ako ng hilahin nya ako papasok sa kwarto nya at pagkasara ng pintuan ay hinalikan nya ako nang marahas. Kahit nabigla ako sa ginawa nya ay nagpumiglas ako agad dahil napaka-bayolente ng kilos nya. Nasasaktan ako sa pagkakahawak nya sa pala-pulsuhan ko pati ang paraan nya ng paghalik ay masyadong masakit, halos mapudpod na nya ang labi ko. Nalasahan ko ang dugo dahil sa pagkakakagat nya kaya napaiyak na ko.
"S-sven p-please ta-tama na.. N-asasaktan ako.." Pagsusumamo ko.
Halos bumagsak ako sa sahig ng bitawan nya ko ng marahas. Nangatal ang mga kamay at tuhod ko dahil sa matinding takot lalo na ng tumingin ako sa nagbabaga nyang mga mata.
"Slap me once again, Isabella. I swear, I will take you to hell!" Galit nyang sigaw sakin na halos manginig ako sa takot. God! What did I do?!