Mabuti na lang ay pumayag si Madam Karina na dito muna mananalagi ang babae na nakita namin sa gilid ng ilog na nag-aagaw buhay ito.
Parang hindi ako makapaniwala na mabuhay pa ang babae na 'yon. Sino kaya siya? Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Halos isang buwan na siyang nakahiga sa kama niya. She is comatose.
Grabe naman ang sinapit ng babae na 'yon. Pinasok pa talaga siya sa loob ng sako. Mabuti na lang kaagad naming siya naagapan at dali-dali na dinala dito sa Hacienda Gabriel.
Naawa ako sa kanya nang makita ko siya na ang dami niyang mga sugat sa katawan. Grabe na talaga ngayon ang p*****n, droga kung saan-saan na lang, rape, kahit mga bata na mga menor de edad ginahasa.
Alice, halika nga dito. Yes, Manang Patreng, kumusta na 'yung babae na nakita natin sa tabi ng ilog? Hay! Ganun pa rin, Manang. Wala pa rin siyang malay.
Kailan daw babalik si Madam Karina dito? Baka bukas na po, Manang. Kaya ngayon pa lang ay dapat na asikasuhin na ang lahat para sa pagbalik niya. Wala na pong magiging problema.
Pumunta ka na ba sa bayan, Alice? Hindi pa ho, Manang. Alam mo naman, pupunta lang ako doon kapag may pinapagawa si Madam Karina sa akin.
Alice, may tawag ka sa telepono. Si Madam Karina nasa linya. Dali-dali na umalis si Alice at saka dumiretso sa sala kung saan nakalagay ang telepono.
H-hello! Madam, yes po. Ngayong araw na po ang uwi niyo po, Madam? Okay po, Madam. Pupunta na po ako ng airport ngayon para sunduin kayo.
A-Alice, ano daw ang sabi ni Madam Karina? Tanong ni Manang Patreng sa kanya. Ngayon na po daw uuwi si Madam Karina. Huh! Bakit bigla nagbago ang decision niya? Mabuti pa, mag-ayos ka na, Alice.
Kaya nga, Manang. Mang Doming, yes, Alice. Tumawag si Madam Karina na uuwi na siya ngayon. Ipatawag ang lahat ng mga bodyguard at sabihan na maghanda. May lakad kami. Sige, Day. Pupuntahan ko lang sila sa kanilang kuwarto.
Mabilis na ginalaw ni Alice ang kanyang sarili at saka ito nagtungo sa garahe kung saan nakaparada ang kanilang sasakyan.
Pagdating nila, Alice, naghintay pa sila ng ilang segundo bago dumating si Madam Karina.
Good day, Alice. Agad sambit ni Madam Karina sa kanya. Nakikilala niyo ba ang babae na nakita niyo sa gilid ng ilog, Alice?
No, Madam. Hinintay ko lang ang utos mo. Mabuti pa, Alice, magpaiwan ka muna sa bayan saka mag-investigate kung sino ang babae na nakita niyo sa ilog. Kumusta na siya? Gumising na ba siya?
Hindi pa rin, Madam. Lahat ginawa na ng doctor pero comatose pa rin siya hanggang ngayon.
Yunxi, samahan muna si Alice sa bayan at alamin niyo nang mabuti kung ano ang dahilan kung bakit ganito ang kanyang inabot ng babae na 'yan.
Sige po, Madam. Agad sagot ni Yunxi. Kaagad na bumaba sina Alice at Yunxi sa sasakyan at agad na nagpaiwan sa bayan upang mag-investigate sa buong pangyayari sa babae na nakita nila sa gilid ng ilog.
Pagdating ni Madam Karina sa Hacienda Gabriel, kaagad na pinuntahan niya ang babae na nakalatay sa ibabaw ng kama. Gulat na napatingin si Madam Karina nang makita ang mga bakas ng kanyang katawan na punong-puno ng mga sugat.
"What happened to her? Bakit ganito karami ang mga sugat niya? Halos hindi na siya makikilala dahil sa mga sugat sa kanyang mukha," tanong ni Madam Karina.
After two days, dumating sina Alice at Yunxi na dalang-dala ang impormasyon tungkol sa babae na
Nakita nila sa gilid ng ilog. Mabuti nakauwi na kayo, Alice at Yunxi. Ano ang dala ninyong balita na nasagap ninyo tungkol sa kanya? Agad tinanong ni Madam Karina sa kanila.
Jusko! Madam, mukhang sumang-ayon sa atin ang kapalaran. Ano ang ibig mong sabihin, Alice? Kasabay na inaabot ni Alice kay Madam Karina ang mga larawan na kanilang kuha mula sa bayan bago ito nagsalita.
"This girl ay hindi basta-basta, Madam. She is Arabella Lacsamana, isang policewoman bago pa naganap ang buong pangyayari sa kanya," sabi ni Alice.
"Ay, may malaking kaso siya na hinawakan sa Mindanao. Alam mo ba kung sino ang nahuli nila doon?" tanong ni Madam Karina.
"S-sino, Alice?"
"Si Roy Monte n***o. Yes, Madam. At ito pa, Arabella Lacsamana tried to kill Roy Monte n***o but she failed to kill him."
"This girl ay isang dangerous woman pagdating sa kanyang mga kaaway. Kaya lang, naaawa ako sa kanya. Lahat ng buong pamilya niya ay patay na. At hindi lang 'yan ang nasagap naming balita tungkol sa kanya. Nakulong si Arabella sa sala dahil isa siyang leader ng drug syndicate, at mabigat na kaso ang pinatong sa kanya."
Limang milyon din ang nakapatong sa kanyang ulo kung sino ang makakakita sa kanya. Sa unang hiring sa kanyang kaso, tumakas si Arabella at nagtatago, but she still chasing of Roy Monte n***o.
Hindi pa 'yan nagtatapos, Madam. Alam mo ba kung ano pa ang ginawa niya? Sinunog niya ang isa sa mga warehouse ng mga Monte n***o. 'Di ba napaka-interesting ni Arabella? Grabe, wala talaga siyang tinatakutan.
Kahit kamatayan, makaganti lang sa mga Monte n***o, siya ang kailangan natin, Madam.
Biglang nag-angat ng noo si Madam Karina nang marinig niya ang sinabi ni Alice. May problema ba sa sinabi ko, Madam?
No! Alice, napatingin ng husto si Alice at Yunxi kay Madam Karina na agad itong hinawakan ang mukha ni Arabella habang ito ay nakahiga sa ibabaw ng kama na wala pa rin itong malay.
Madam, are you okay? I'm fine, Alice. Kung ganun, ang mga Monte n***o ang gumawa nito sa kanya?
Yes, Madam. Ang mga Monte n***o lang naman ang kaaway ni Arabella dito. Sigurado ako na sila ang gumawa nito sa kanya.
Bigla silang napatingin kay Arabella nang gumalaw ang kanyang katawan habang hinahabol niya ang kanyang hininga. "Alice, tumawag ka ng doctor ngayon din," sabi niya. "Oo madam," sagot ni Alice. Kaagad na umalis si Alice at saka ito nagtungo sa sala at agad na tinawagan ang kanilang katiwala na doctor.
Pagkatapos ng 30 minuto, dumating ang doctor at agad na inasikaso si Arabella. "Don't worry, Madam. She is fine. Hintayin na lang natin ilang segundo, siya ay magigising na," sabi ng doctor.
Napalaki ang kanilang ngiti nang makita na tuluyan nang nakamulat si Arabella. "Where am I?" agad na tanong ni Arabella sa kanila habang natatakang ito.
"Iha! Kumusta ka na? Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Madam Karina ng diretsahan.
"Ayos lang ako. Nasaan ako?" Agad tanong ni Arabella sa kanila.
"Nandito ka sa Hacienda Gabriel, iha," sagot ni Madam Karina.
"Mabuti pa, magpahinga ka muna," sabi ni Madam Karina. Gulat sila na agad na tinanggal ni Arabella ang dextrose na nakalagay sa kanyang mga kamay.
"Arabella, iha. Hindi kami masamang tao. Calm down, okay? Hindi ka pa magaling. Pero paano ako napunta dito? Wala ka bang maalala kung ano ang nangyayari sa iyo?"
Bigla siyang napahawak sa kanyang ulo nang ramdam niya ang sakit nito. "Doc, what happened to her? Did she lose her memory?" tanong ni Madam Karina. "No! She is fine."
Kakagising lang niya, Madam. Hindi pa niya maalala ang mga pangyayari sa kanya, pero mamaya ay maalala niya na rin lahat. Sanga pala, ito ang kanyang mga gamot na puwede niyang inumin upang mas madali ang kanyang paggaling.
Thank you, doctor," sabi ni Madam Karina. Agad na umalis ang doctor, saka naman ito binalik ni Madam Karina ang kanyang atensyon kay Arabella.
"Thank you for saving my life, Madam," kaagad na pasalamat ni Arabella sa kanya. Isang tango lang ang naging sagot ni Madam Karina sa kanya na may malapad na ngiti.
Pagkalipas ng isang buwan, tuluyan nang gumaling si Arabella. "Teka lang, Ara. Saan ang lakad mo at ganyan ang pananamit mo?"
"I need to go, Alice." "To go where, Ara? Ano ba ang binabalak mong gawin? Gusto mo ba ulit ipahamak ang sarili mo, huh? Ganun ba, Ara?"
"Puwede ba, Alice, umalis ka sa harapan ko? Walang sino ang makakapigil sa'kin ngayon. Kailangan magbayad ng mahal ang mga Monte n***o sa ginawa nila sa buong pamilya ko."
"Nandoon na ako, Ara, pero kung ganyan ang lagi mong ginagawa, mas lalo kang malalagay sa panganib ulit ang buhay mo."
"Hayaan mo siya, Alice, na gawin niya ang gusto niya." "Pero, Madam..." "She knows kung ano ang ginagawa niya."
"Hali ka, sumunod ka sa'kin, Ara." Kaagad na lumakad si Madam Karina patungo sa secrets room ng mansion.
Gulat na bumilog ang dalawang mata niya nang makita ang nilalaman ng buong kuwarto. Saan nanggaling ang matataas na kalibre?
Takang tanong niya sa kanyang sarili, "Kumuha ka ng iyong magagamit, Ara. Hindi kita pipigilan kung ano ang gagawin mo."
Kaagad na napahawak si Arabella sa Magnum pistol at saka kinuha ang Rubber Knife. "Yan ang gagamitin mo? Hindi ka pa kukuha ng mataas na kalibre?"
"Wala nang kailangan, Alice," sabi niya. Agad-agad na umalis si Arabella at nagtungo sa garahe, nang bigla siyang nagulat na sumakay na si Alice sa kanyang sasakyan.
"A-Alice, ano ang ginagawa mo? Sasamahan kita," sabi niya. "Yan ang kabalintunaan ni Madam Karina sa'kin, pero hindi niyo kailangan gawin ang mga 'to, Alice."
"Teka lang, lalakad ako na kasama sila?" tanong ni Arabella.
"Yes, Ara. Simula ngayon, kung saan ka pupunta, ay nandoon din kami. Pero, Alice, laban ko 'to. Sapat na niligtas niyo ang buhay ko."
"Aalis ka na hindi mo alam kung saan sila makikita ngayon? Para sabihin ko sa'yo, wala dito sa Pilipinas si Roy Monte n***o. Nasa ibang bansa siya," sabi ni Alice.
"What? Bakit hindi mo sinabi sa akin agad, Alice?" tanong ni Arabella. "At ngayon, kasalanan ko pa? Ara, ikaw 'yong atat na atat diyan. Hindi mo nga inalam kung ano ang nangyayari sa paligid mo."
"Ang akala ng lahat ay patay ka na. Bakit hindi ka bumalik sa loob at pag-usapan kung ano ang nangyayari sa'yo? At kung ano pa ang puwede mong gawin."
Bigla na-tamimi si Arabella sa kanyang tinatayuan habang ikinuyom niya ang dalawang kamay niya. Ilang segundo lang ay namasmasan si Arabella kaya bumalik siya sa loob ng mansion.
"Hali ka, Ara. May pupuntahan tayo," sambit ni Alice sa kanya ng diretsahan.
"Saan tayo pupunta, Alice?"
"Malalaman mo rin mamaya."
Kaagad na sumakay si Alice sa sasakyan kaya napasakay na rin si Arabella. Pagdating nila sa kanilang pupuntahan, gulat na bumilog ang dalawang mata niya.
"Tayka lang, Alice. Anong ginagawa natin dito sa Sementeryo? A-anong mayroon dito? Tingnan mong nabuti kung sino ang nililibing nila, Ara."
"Tara, Carol, Michelle. Ano ang ginagawa nila diyan, Alice? Sino ang nililibing nila? Tayka lang, wag mong sabihin na ako ang nililibing diyan, Alice."
"P-paano nangyayari 'yan, Alice? Buhay na buhay pa ako. Bakit pinaglalamayan na nila ako?" Bigla bumagsak ang luha ni Arabella na hindi makapaniwala sa kanyang nasaksihan.
"Kaagad na 'e' kuwento ni Alice kay Arabella kung paano nangyayari ito."
"Nang makita ka namin sa gilid ng ilog, Ara, kaagad naming ipinaalam kay Madam Karina ang tungkol sa iyo. Kahit nung mga araw na 'yon, hindi ka pa niya nakikita. Nag-utos na si Madam Karina na magbayad ng babae na namatay upang ipalit sa katawan mo sa loob ng sako."
"Madam Karina ginawa niya ang lahat ng paraan para tulungan ka, pero bakit niya naman gagawin ang mga 'yon, Alice?"
Puwede ba si Madam na lang magpaliwanag sa iyo pag makauwi na tayo?
Napa-lingon ulit si Arabella sa kanyang puntod nang bumagsak ang kanyang luha mula sa kanyang mga mata.
Naintindihan namin ang pinagdadaanan mo, Ara, kaya mas lalo kang magpaka-tatag dahil may laban ka pa na dapat mong tapusin.
A-ano ang ibig mong sabihin, Alice? Malalaman mo rin ang lahat, Ara, pero sa ngayon kailangan mo muna magpagaling at magpalakas upang maibalik ang dati mong lakas.
So, what is your next plan, Ara? Hindi ko alam, Alice. Tama ka, kailangan ko muna magpalakas, Alice.
Good, Ara. Kaagad na pinaandar ni Alice ang sasakyan. Wait, mabilis na sambit ni Arabella kay Alice nang makita si Diego na papalapit patungo sa kanyang puntod.
He is crying? Hayop ka, Diego. Hindi ko palalampasin ang ginawa mo. Akala ko ba kakampi kita dito? Hindi ko inaasahan na ikaw ang papatay sa akin.