Mabilis akong umalis sa bahay ni Alvin. Ngayon, ang susunod kong gagawin ay pupuntahan ang isa sa mga warehouse ng mga Montenegro habang sakay ako sa aking itim na motorsiklo.
Hindi ko na pinansin ang suot kong damit, habang ramdam ko ang malansang dugo na dumidikit sa damit ko at sa kamay ko na punong-puno pa ito ng dugo.
Napa-tingin ako sa aking pam-basikong orasan. Mag-alas dos na ng madaling-araw, pero heto parin ako sa daan.
Pagdating ko sa Warehouse ng mga Montenegro, agad akong nagmasid sa paligid. Sobrang tahimik ang lugar. Agad na nahagip ng aking tingin ang dalawang bantay habang sumisipsip ng kanilang mga sigarilyo.
Dahan-dahan akong nagpalapit patungo sa kanila at agad-agad ito na hinampas ng aking baril ang isa sa mga bantay. Saka sinipa ko ang isa pang bantay sa kanyang batok.
Dumiretso ako agad sa loob ng Warehouse. Gulat ako na napatingin sa mga kalibre ng iba't-ibang mga baril, at sa gilid nito ay mga karton.
Agad kong binuksan at tiningnan ang laman nito. No! This is drugs. Kailangan kong ma-dispatch ito ngayon, habang ako ay naglalakad sa paligid, napansin ko ang isang kuwarto.
Sinubukan kong buksan ito, nakalock. Ano kaya ang nasa loob? I think this is a private room.
Napatingala ako sa itaas at nakakita ako ng isang maliit na butas. Kailangan kong umakyat doon para makapasok ako sa loob. s**t, napakapa ako sa aking buhok at agad na kinuha ang hairpins.
Ito ang gagamitin ko sa pagbukas ng naka-padlocks na doorknob. Napangiti ako nang bumukas ito.
Agad-agad akong naghanap sa mga drawer, wala akong nakikita dito kundi mga papel na hindi importante.
Napabuntong-hininga ako saka pinagpatuloy ang paghahanap ng mga papel sa mga drawer at iniisa-isa ang mga papel.
Napatingin ako sa paligid at pinagmasdan nang mabuti. Teka lang. Agad akong lumapit sa gilid na may nag-iisang painting sa gilid nito, na katapat ng mga flower vases.
Pinagmasdan ko nang mabuti at agad-agad na kinuha ang nakasabit na painting sa pader. Napakapa ako sa pader at bigla itong bumukas, isang maliit na semento pala ito.
Ito pala ay isang lihim na drawer. Mabilis kong nilapitan at saka tiningnan kung ano ang laman nito, mga papel pala ito. Agad kong binasa ang mga ito.
Ito ay mahalagang dokumento, mga ebidensya laban sa mga Monte n***o. Agad-agad na nilagay ko sa loob ng aking suot na jacket ang isang folder na naglalaman ng mga importanteng papel.
Dali-dali akong lumabas mula sa private room, ngunit nahinto ako sa paglakad nang maisip ko ang mga droga na nasa loob ng mga karton at iba't ibang klase ng mga baril, bomba, at iba pa!
Pinuntahan ko ang lugar kung saan ko nakita ang mga iyon, agad ko rin nilagay sa paligid nito ang mga bomba.
Teka lang, may naamoy akong mga gasolina. Sinundan ko ang amoy na iyon hanggang sa marating ko ang isang kuwarto na punong-puno ng gasolina. Para saan ang mga ito gagamitin?
Hindi kaya may binabalak sila? Agad-agad kong kinuha ang mga gas at gasolina at agad itong ibinuhos sa buong paligid. Sinisigurado ko na hindi niyo ito makikinabangan pa. Dali-dali akong lumabas sa loob hanggang sa makarating ako sa labasan ng Warehouse.
Napatingin ako sa buong paligid at agad na kinuha ang lighter sa bulsa ko. At agad itong inihagis sa lupa na nilagyan ko ng gasolina. Mabilis na nagliyab ang malaking apoy patungo sa Warehouse.
Dali-dali akong sumakay sa aking motorsiklo at mabilis na umalis sa lugar. Napahinto ako at saka tiningnan ang Warehouse na sinasakmal ng malaking apoy. Dinig na dinig ko ang malalakas na putok na nanggagaling sa Warehouse.
kailangan kong makalisan agad dito bago pa man dumating ang mga tauhan ni Roy Monte n***o.