Chapter 37: NEGROS

2277 Words
Pagdating ko sa bar ng mga Monte n***o, kaagad kong ipinarka ang dala kong motorsiklo sa parking area. Napatingin ako sa aking damit at tiningnan ang mga taong pumapasok sa loob ng bar. Sigurado ako na hindi ako makakapasok kapag ganoon ang susuotin kong damit, mabilis nila akong makikilala. Dali-dali akong nagtungo sa department store na nasa tapat lang ng bar ng mga Monte n***o at agad na pumasok doon. "Good evening, ma'am," bati ng guwardiya sa akin. Tiningnan ko lang siya at dumiretso sa mga damit at namili. Inayos ko ang aking sarili sa loob ng dressing room. Habang naka-suot ako ng kulay itim na bistida at pinarisan na sandals na may taas na dalawang pulgada, naka-laylay naman ang mahabang buhok ko sa likuran ko. Mabilis akong nag-Palakkad, pumasok sa loob ng bar, at agad na umupo sa counter pagdating ko at saka umorder ng aking maiinom na wine. Habang naghihintay ako ng aking maiinom, nilibot ko ang dalawang mata ko sa paligid na nagmamasid. "Ma'am, here is your order," agad kong ibinalik ang aking tingin sa lalaki habang inilalagay niya ang wine sa harapan ko. "Thank you," mabilis kong pasalamat sa kanya, at muli kong binalikan ang tingin ko sa paligid. Napangisi ako nang makita si Dante sa pangalawang palapag ng bar na may kausap na lalaki habang tinatanaw ang unang palapag nito. Nang bigla kong nahagip ng aking mata si Diego kasama si Melissa na nakasabit pa ang kanyang kamay sa braso ni Diego na may malapad na ngisi. "Sige, lubos-lubusin niyo na ang gabing ito," sabi ko sa aking sarili. Nakita ko na bigla na lang nabulagta si Diego habang nakatingin sa akin na nakaupo sa counter at umiinom ng wine. Dali-dali akong nagtungo sa banyo, gulat na bumilog ang dalawang mata ko nang marinig ko ang boses niya. "Baby, what are you doing here?" unang sambit niya, kasabay ng paghawak sa braso ko. "Umalis ka na dito ngayon din. Alam mo ba kung anong lungga itong pinasok mo ngayon? Nakapaligid ang mga tigre dito sa loob, sigurado ako mahihirapan ka lang dito, baby naman. Akala ko ba okay na ang usapan natin, bakit ang tigas talaga ng ulo mo? Maraming mga tauhan ang nakapaligid dito para protektahan si Dante sa buong bar na 'to, mapahamak ka lang sa ginagawa mo." "Baby, please. Pakinggan mo ako kahit ngayon lang," sabi niya habang nakikiusap. "Ayaw ko malagay sa panganib ang buhay mo. Please, nakikiusap ako sa 'yo, umalis ka na dito." Ipinikit ko ang dalawang kong mata at huminga ng malalim. I'm sorry, Diego, pero buo na ang decision ko. Step aside. Kung ayaw mo, pati ikaw ay ituturing kong kaaway. Sinabi ko naman sa'yo, walang makakapigil sa'kin, kahit ikaw. Kasabay nito, itinutok ko ang aking hairpins na may laman na kutsilyo sa kanya. "If you want to kill me, go ahead. Hindi ako lalaban sayo," sabay nilapit niya pa ang kanyang sarili sa hawak kong hairpins. Napalaki ang dalawang kong mata nang mas lalo niya pang lapitan ang sarili niya sa hawak kong hairpins. Agad ko itong binaba nang bigla itong tumama sa kanyang braso. Lumaki ang dalawang mata ko na nataranta ako sa pagkakita na dumugo ang braso niya. "D-Diego," mabilis kong sambit sa pangalan niya habang napatitig sa braso nito na dumudugo. "I'm fine. Don't worry, baby," agad akong napaatras ng dalawang beses mula sa kanyang tinatayuan at dali-daling tinalikuran siya, Bigla akong napahinto nang magsalita siya. Talaga bang hindi kita mapipigilan, Arabella? Itinagilid ko ang aking ulo ng kunti, saka ko siya sinagot, "I'm sorry, Diego." "Okay, wala na akong magagawa kung 'yan talaga ang gusto mong mangyari," gulat na lumaki ang dalawang mata ko nang marinig ang tunog ng paghampas ng kanyang baril at ramdam ko ang pagtutok nito sa likuran ko. "It's better kung ikaw ang papatay sa'kin, Diego." "No! Alam mo na hindi ko kayang gawin 'yan sa'yo, baby," sabi niya habang inaabot ang kanyang .45 caliber na baril sa akin. Napatingin ako diretso sa kanyang mga mata. "Baby, take care. You promise me. Makakalabas ka ng buhay dito," diretsong sabi niya. Tumango ako sa kanya, nang bigla niya ako hinalikan sa aking bibig na may kasamang mahigpit na yakap. Ikinuyom ko ang aking dalawang palad habang hinahalikan niya ako. Hindi ko namalayan na pumatak ang luha ko. "I'm sorry, Diego," sabi ko sa sarili ko, kasabay ng pagpahid ko sa aking mata gamit ang aking daliri. At mabilis na umalis ako sa banyo, bumalik ako sa counter kung saan ako nakaupo kanina. Nakita ko na bumalik din si Diego sa pangalawang palapag ng bar at agad itong nakatitig sa akin. Napatutok ako ng husto kay Dante habang masaya itong nakikipag-usap sa kanyang mga investors. Agad ko itinayo ang sarili ko papunta sa gitna na may kasamang wine. Oops, sorry, sorry, hindi ko sinasadya, mabilis kong sinabi sa isang lalaking nabangga ko. Agad na nagkatinginan ang mga tao sa amin. Gulat na bumilog ang dalawang mata ni Dante nang makita niya akong nakatayo sa unang palapag ng bar habang umiinom ng wine. Cheers! Kasabay nito, pinataas ko ang aking baso sa kanya na may kasamang ngisi. Dali-dali lumapit ang isa niyang tauhan sa kanya. Nakita ko ang galit sa mga mata ni Dante nang makita niya ako. Agad-agad na lumapit ang ilan niyang mga tauhan sa akin. This is your welcome to me here, Dante Monte n***o? Sambit ko nang diretsuhan sa kanya. Bakit kaya hindi ikaw ang bumaba dito para naman makapag-usap tayo ng maayos? "Kill her!" sigaw niya sa mga tauhan niya. Nang bigla may sumipa sa gilid ko, agad kong binuksan ang hairpins na may kasamang kutsilyo sa loob nito at mabilis na ginamit ito sa isang lalaki na magkasunod ang kanyang pagsipa sa aking katawan. Todo harang ko naman gamit ang aking braso. Gumanti ako sa kanya agad gamit ang aking kutsilyo, at kaagad itong tumama sa kanyang katawan. "Oh, damn!" sabi ko sa sarili ko nang makita kong padami nang padami ang mga tauhan niya habang lumalapit sa kinatatayuan ko. Habang nakikipaglaban sa mga tauhan niya, kaagad silang umaataki ng kani-kanilang suntok at sipa sa akin. Napatalon ako sa lamesa at agad itong sinipa patungo sa kanila, kasabay ng pag-sasaksak ko sa mga katawan nila gamit ang aking kutsilyo. Nakita ko na bumunot ang mga tauhan nito ng kani-kanilang mga baril at agad na pinapaputukan ako. Dali-dali ko naman itinago ang sarili ko sa counter area, at kaagad, nag-ganti ako ng magkasunod na mga putok. Mula dito, nakikita ko si Dante na nakatayo habang pinapanood ako na nakikipagbarilan sa mga tauhan niya. Nakatingin ako sa malaking salamin dito sa counter at nakikita ko siya. Kaagad ko hinahana ang aking baril sa kanya, at kaagad na pinutok. Tumama sa kanyang tagiliran ang bala. s**t, buwisit. Ano ang nangyayari sa akin? Galit na may kasamang pagot. Arabella, ito na ang pagkakataon mo, sabi ko sa aking kasama. Nakita ko si Dante na mabilis na natumba habang hawak ang kanyang tagiliran, kaya't agad kong tinutukan siya ng baril. "What are you doing, Diego? Move aside!" sabi ko sa sarili ko nang makita kong sinarahan ni Diego ang daan ni Dante. Nabalik ako sa realidad ng sunod-sunod na putok na pinaputok nila sa akin. Nagtago ako nang mabuti, upang hindi ako matamaan ng mga bala na papunta sa akin. Inilibot nila ang counter na iyon. Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim, nang biglang may nagpapaulan ng mga bala sa kanila habang nakasakay sa motorsiklo. "Ara, sumakay na! Bilis!" sabi ng isang babae, na pamilyar ang boses. Agad akong lumabas mula sa aking taguan habang pinapaputok ang aking baril sa mga kalaban, at sumakay sa kanyang motorsiklo. Mabilis na pinaharurot ang sinasakyan kong motorsiklo palabas ng bar. Are you okay, Lieutenant? I'm sorry if I'm late," agad niyang sambit. "P-pia, you? Paano mo nalaman na nandito ako?" agad kong tanong sa kanya. Kinuntak ako ng kaibigan ko na nasa panganib ang buhay mo. Kaya hindi ako nagdadalawang-isip na pumunta dito. Tulungan ka, thank you, Pia. Kaibigan nga kita," kaagad kong sagot sa kanya. "Ara, ano na ngayon ang plano mo?" tanong niya nang diretso sa akin. "Pupunta ako ng Negros. Doon muna ako magpapalipas habang mainit pa ako dito sa Maynila, Pia." "Mabuti 'yan ang nasa isip mo, Ara. Magpalamig ka muna. Sobrang maiinit ka sa mata ng mga pulis at sa mga Monte Negro." Pagkalipas ng ilang oras, kaagad kaming dumiretso sa sakayan ng barko. Ano ito Pia? Mabilis kong tinanong sa kanya nang inabot niya sa akin ang isang itim na bag, "Money, gamitin mo habang nasa Negros ka, at wag kang mag-alala Ara, darating ako kapag kailangan mo ang tulong ko. Thank you, Pia. Hayaan mo, makababawi din ako sayo balang araw." "Ano ka ba! Wala yun, okay, sige na, sumakay ka na sa barko. Baka mamaya maabutan ka pa ng mga tauhan ng mga Monte n***o," sabi niya ng diretsuhan. Kaagad akong tumalikod sa kanya at dali-daling umalis. Pagdating ko sa Pantalan ng Negros, napahinga ako ng malalim. Finally, nakabalik din ako dito sa Negros. Ilang taon din ang nakalipas na hindi ako nakatungtong dito. "Tao po! Tao po!" Nay, Nay Petra, sigaw ko ng pagdating ko sa lumang bahay namin. Mabilis na napadungaw ang matandang babae sa bintana. "Anong kailangan mo, Neng?" Nay! Ako 'to, si Arabella," mabilis kong sambit sa kanya na may kasamang malapad na ngiti. Arabella? Arabella Lacsamana po. Ara? Ikaw na ba 'yan? Tumango ako sa kanya bago ko siya sinagot. "Opo Nay, nakita ko na mabilis bumaba si Nanay Petra mula sa pangalawang palapag ng bahay," dahan-dahan Nay baka mahulog ka, diritsohan kong banggit sa kanya. Kaagad na sinalubong ako ng mahigpit na yakap pagkababa niya, saka napatitig ng husto sa'kin. "Hali ka na sa loob Ara," Opo Nay, mabilis kong sagot sa kanya. Pagkapasok ko sa loob ng bahay, napalibot kaagad ang aking dalawang mata. "Nay, ikaw lang ba mag-isa dito? Nasaan po si Tatay?" tanong ko ng direkta sa kanya. "Matagal ng pumanaw si Tatay mo, Marcus Ara, kaya ako na lang mag-isa dito," agad niyang sagot sa akin. Kinaumagahan, nagising ako dahil sa tindi ng sikat ng araw na dumadampi sa balat ko. Kaagad akong bumangon mula sa pagkakahiga at At mabilis nagtungo sa banyo para ayusin ang sarili ko. Good morning, Neng. Mabuti gising ka na. Halika na't kumain na tayo. Nakahanda na ang agahan natin sa ibabaw ng lamesa," sabi niya ng direkta. "May lakad ka, Nay?" agad kong tanong sa kanya. "Oo, Ning. Pupunta ako ng palengke ngayon. May gusto ka bang ipabili sa'kin, Ara?" "Wala po, Nay. Samahan na kita mamalengke," agad kong sagot sa kanya. Agad siya tumango sa'kin. Matapos kami kumain, agad namin niligpit ang aming pinagkainan at kaagad kami umalis ng bahay. Ilang kilometro din ang aming lalakarin patungo sa aming bayan. Medyo malayo kasi ang bayan na ito sa aming baryo kaya kailangan pa namin sumakay ng sidecar or jeep upang makarating kami doon. Tahimik ang lugar na ito at sobrang napakapresko ang hangin. Kahit paano, makalimutan ko ang mga nangyayari sa akin sa Maynila. "Ara, nandito na tayo sa bayan," kaagad banggit ni Nanay Petra. "Halika na't bumaba na tayo." Kaagad na dinapit ni Nanay Petra ang isa kong braso at saka nag-Palakkad patungo sa loob ng palengke. Namimili kami ng mga isda, bugas, tuyo, sardinas, at mga preskong gulay. Agad na nahagip ng aking atensyon ang isang batang babae na nagtitinda ng sampagita sa harap ng palengke. "Ate, bilhin niyo na po ang sampagita," banggit niya sa akin. Napangiti ako sa kanya. "Bakit napakaraming pasa ang braso niya? What happened to her?" saad ko sa aking sarili, "Ate, bilhin niyo na po ang sampagita. banggit niya ulit, Anong pangalan mo, Neng?" agad kong tanong sa kanya. "Maria po, ate," mabilis niyang sagot nang tanungin ko siya. "Nasaan ang mga magulang mo? Bakit ikaw ang nagtitinda dito?" tanong ko muli sa kanya. "Nasa bahay po si Tatay," mabilis niyang sagot. Okay, bibilhin ko na lahat ng sampagita mo, Neng, at uuwi ka na sa inyo," sambit ko nang diretsuhan sa kanya. "Salamat po, ate," sagot niya ng direkta. Napangiti ako sa kanya, naalala ko si Ana. Sa kanya magkasing-edad lang sila ni Ana kung hindi ako nagkakamali. Hindi ko na talaga alam kung saan ko siya hanapin sa sobrang laki ng mundong ito. "Ara, are you okay?" bigla kong ibinaling ang tingin ko kay Nanay Petra nang tawagin niya ako na nasa aking likuran. Habang naglalakad kami sa kalye, panay tingin ko sa paligid. Bigla akong napahinto nang makita ang isang trak na punong-puno ng mga sardinas. Nang biglang may bumangga sa isang lalaki habang pinapasan ang isang kahon na may laman na puro sardinas, agad itong bumagsak sa lupa. Agad kong kinuha ang isang sardinas na nasa aking paa ng palihim. "Ara, halika na, iwanan na tayo ng jeep," sabi ni Nanay Petra sa akin. "Opo, nay," nandiyan na po. agad kong sagot sa kanya. Kaagad akong umalis at dali-daling naglakad. Pagkarating namin sa bahay, kaagad kong inilapag sa ibabaw ng lamesa at saka ako dumiretso sa aking kuwarto. Bigla akong nakaramdam ng gutom nang amoyin ko ang luto ni Nanay Petra na adobong manok. Agad akong lumabas at nagtungo sa lamesa. "Nay, anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya nang makita ko siyang kinakalatis ang sardinas. "Tingnan mo nga ito, Neng. Bakit kulay puti ang sardinas na ito at may powder na nakalagay?" sabi niya. Agad kong kinuha mula kay Nanay Petra at tiningnan ko ito ng mabuti. Tinikman ko ang puting powder. Bigla uminit ang dugo ko nang malaman kong droga ang nasa loob ng sardinas na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD