Chapter 39: PETRA IS DEAD.

2146 Words
As I contemplate on how to destroy these drugs, I carefully observe every corner of my surroundings. Halos isang linggo na ako dito nagtatrabaho sa factory ng Monte n***o. Bella, sumama sa akin sa pag-deliver ng mga droga! Sabi ni Boss Douglas, agad akong tumango sa kanya saka dali-dali na inayos ang aming dadalhin. "Boss, saan natin ito idedeliver ang mga epekto?" tanong ko sa kanya. "Sa isang politiko," agad niyang sagot. Biglang lumapad ang tainga ko sa narinig ko. Pagdating namin sa isang mamahaling restaurant dito sa bayan ng Negros, sinambit ni Boss Douglas ang pangalan ng congressman habang nakaupo ito sa mahabang at malapad na lamesa kasama ang kanyang ilang mga bodyguard. "Congressman Olivarez?" sabi ko sa sarili ko. Hindi ko akalain na pati ang mga politiko ay gumagamit din ng pinagbabawal na gamot. Matapos ang kanilang usapan, agad kaming umalis sa restaurant at bumalik sa factory. Habang nasa gitna kami ng daan, bigla kaming napahinto dahil sa sunod-sunod na mga putok na narinig namin sa likuran. Agad akong napa-silip sa bintana at tiningnan kung ano ang nangyayari. Nakita ko na pinagbabaril ang ilang mga tauhan sa likuran namin, at agad din itong pinagbabaril ang sasakyan na sinasakyan namin na nakasakay ang mga ito sa motorsiklo na kulay itim. Kaya mabilis akong napasalipot-pot sa upuan ng sasakyan para hindi matamaan ng bala na lumilipad patungo sa amin. Bumilog ang dalawang mata ko nang makita na nakatutok sa akin ang kanyang baril. Lumaki sa gulat ang dalawang kong mata nang makita na pinagbabaril si Boss Douglas, na nasa aking gilid nakaupo, at agad itong napahilay sa kanyang upuan. Habang nakataas ang dalawang kamay ko, tiningnan niya lang ako saka agad silang tumalikod at mabilis na pinaharurot ang kanilang motorsiklo. Who are they? Tanong ko sa sarili ko habang nakatitig ako kay boss Douglas na nakahilay sa kanyang upuan na punong-puno ng dugo. "Bella, umalis na tayo dito bago pa man dumating ang mga autoridad," banggit ng isa kong kasamahan. Tiningnan ko sila habang hawak-hawak ko ang baril na kinuha ko mula kay Boss Douglas at agad na pinagbabaril sila. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan at agad napatingin sa salamin na nasa harapan. Nakita ko na nakahilay pa rin si Boss Douglas sa kanyang upuan, kaya dali-dali akong bumaba at hinila siya palabas ng sasakyan. Pinaharurot ko ito ng mabilis papalayo at kaagad na dumiretso sa factory kung saan ako nagtatrabaho. Pagdating ko, tinanong nila ako, "Where is Boss Douglas?" Nagkaroon kami ng enkwentro kaya umalis ako kaagad. Tiningnan nila ako na nakataas ang kanilang kilay. "Iniwan mo si Boss?" takang tanong nila ulit sa akin. Natakot ako kaya mabilis kong itinago ang sarili ko. Katwiran ko sa kanila, She is a girl, it's her first time experiencing something like this. What can she do against our enemies?" Sagot ng isang tauhan na bigla siyang nakisawsaw sa usapan, "Wag mo na siyang sisihin sa mga nangyayari. Mabuti pa maghanda tayo sa puwedeng mangyari ngayon, at kailangan natin iparating ito kay Boss Dante ang mga nangyayari." "Bella, dumiretso ka na sa iyong opisina at asikasuhin ang iyong trabaho," agad ko siyang tinanguan. Saka, dali-dali akong pumunta sa opisina. Hindi ko namalayan na mag-9 pm na ng gabi, kaya mabilis kong ginalaw ang sarili ko. Saka, nagtungo sa bodega kung saan nakalagay ang Ice Methamphetamine sa isang kahon. Dali-dali akong pumunta doon at kinuha ito, saka mabilis na umalis sa factory ng mga Monte n***o. "Nay Petra! Nay, gising ka pa ba?" tanong ko habang nasa labas ako ng bahay. "Hindi ako makapasok dahil naka-lock ang pintuan." Ilang sandali lang ay binuksan ako ng pintuan. "Saan ka ba nanggaling, Ara, ng ganitong oras ng gabi?" unang banggit niya. "May inaasikaso lang ako, Nay, kaya medyo ginabi ako sa pag-uwi," mabilis kong sagot sa kanya. Kaagad akong pumasok sa loob ng bahay. "Kumain ka na ba?" tanong niya. "Opo, Nay," sagot ko nang diretsuhan sa kanya. Kina-umagahan, dali-dali akong nag-Palakkad papasok sa aking trabaho. Pagdating ko sa factory, bigla akong napahinto nang mahagip ko ng aking tingin si Dante Monte n***o habang nagtitipon-tipon ang mga ito. "Ang sabi ni Douglas, may bago kayong kasama dito na nag-apply? Gusto ko makita ang biodata niya," gulat na bumilog ang dalawang mata ni Diego nang makita ang laman ng puting papel. "Diego, akin na ang papel?" sambit ni Dante sa kanya. Kaagad na binigay ni Diego sa kanya ang papel na hawak nito. "She again. Arabella Lacsamana. Pinasok kayo ng punyetang babae na 'yan dito sa loob ng factory. Nasaan siya ngayon?" agad tanong nito sa kanyang mga tauhan. "Hindi pa siya dumating, boss. Baka maya-maya darating siya dito." Dali-dali akong umalis sa factory nang bigla nila akong makita. "Boss, Arabella Lacsamana is here. Maghanda kayo." "Kill her kapag makita niyo siya. Maliwanag na ang babae'ng 'yan ay tinik sa ating lalamunan." Habang nagpalakad ako nang mabilis sa daan, bigla may dumampot sa akin at kaagad na pinasakay sa sasakyan at agad na nilagyan ng sako ang aking ulo. Saka ginapos ang dalawang kong kamay. "Who are you?" I asked them directly. "Don't worry, Arabella, we are not bad people. Just like you, we are seeking revenge against the Monte n***o," they replied. Tanggalin niyo nga ito ang sako sa ulo ko. Hindi ako ang kalaban niyo dito. Sambit ko sa kanila, alam namin ang tungkol sa iyo, Arabella.Ilang sandali lang ay tinanggal nila ang sako na nakabalot sa ulo ko. Kaagad ko silang tiningnan ng diretsuhan. I'm Larra, agad niyang ipinakilala ang kanyang pangalan. Nice to meet you, Ara. I'm Jack, naibaling ko ang aking tingin sa kanya habang siya ay nagda-drive ng sasakyan. "Saan tayo pupunta?" takang tanong ko sa kanila. "Sa hideout," agad sagot ni Larra sa akin. Agad ko naman ibinaling ang aking atensyon sa labas habang pinagmasdan ang malalaking building na aming dadaanan. Oh! Bakit tayo huminto dito? Tanong ko sa kanila ulit. "Dito ka lang, Ara. Wag kang umalis," tumango ako sa kanila. Kaya dali-dali silang lumabas sa sasakyan at kaagad itong umalis. Nakita ko silang pumasok sa isang department store. Kaagad akong napahawak sa doorknob. "What happened? Bakit hindi ko ito mabuksan?" saad ko sa sarili ko. "Sinasabi ko na nga ba, Ara, na aalis ka!" mabilis na banggit ni Larra sa'kin, kasabay na inabot sa'kin ang plastic bag. "Ano ito?" tanong ko ng diretsuhan sa kanya. "Damit, magbihis ka!" "Dito?" isang lagong ang naging sagot niya sa'kin. Napa-buntong hininga ako saka ko siya sinunod. Pagkarating namin sa lumang building, agad kaming pumasok sa loob. "Dito kami nakatira, Ara," banggit ni Larra. Agad kong nilibot ang dalawang mata ko habang napatitig sa paligid. "What do you plan now, Ara?" he immediately asked me. Dante Monte n***o is here in Negros now. Let's find a way to take him down as soon as possible, Don't worry, may tao kami sa loob ng factory ng mga Monte n***o. Mamayang gabi, may lakad si Dante. "Mabilis natin siya maitumba sa plaza," kaagad na sagot ni Jack sa akin. "Plaza? Ano naman ang gagawin niya doon? May kausapin siyang tao kaya mamayang gabi kailangan na natin siya maitumba." Hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala sa kanila. Hindi dapat ako magpadalos-dalos ng desisyon. Tiningnan ko sila habang naglilinis ng kanilang mga baril. Ang totoo, Ara... kailangan namin ng tulong mo. Kasabay nito, inabot sa akin ang isang tasa ng kape. Agad ko siyang tiningnan ng diretso. What do you mean, Jack? Roy Monte n***o is a leader of the Syndicate. Maraming mga kabataan ang nasira dahil sa ilegal na droga, at isa na rin ang aking kapatid na nalulong sa droga. Kung hindi kami kikilos laban sa kanila, sino ang kikilos? Kahit ang mga pulis ay kakampi ng mga Monte n***o, kayang-kaya nilang baligtarin ang batas. Napahinga ako ng malalim habang tahimik na nanatili sa gilid. I need to go now. May kailangan pa akong gagawin. Paalam ko sa kanila. Agad akong napahakbang nang bigla nag-salita si Larra, "Ara..." banggit niya sa pangalan ko. Kaagad ko siya nilingon kasabay ng pag-salo ko ng susi na inihagis niya sa'kin ng diretsohan. "Gamitin mo ang isang motorsiklo," agad niyang banggit. "Are you sure na ipapagamit niyo 'to sa'kin?" Dahil alam namin na babalik ka dito, Ara, malaki ang tiwala namin sayo na nasa panig ka namin. Tiningnan ko siya bago nagsalita. "Salamat dito, Larra," kasabay pinakita ang susi na binigay niya, saka mabilis umalis sa kanyang harapan. Dali-dali akong pumunta sa motorsiklo kung saan ito naka-parada, saka pinasok ang susi nito. Gulat ako nang napatingin kay Jack ng inabot niya sa'kin ang Walther Magnum pistol. "Gamitin mo sa oras na kailangan mo," agad niyang banggit. Agad-agad ko itong kinuha mula sa kanya saka nagpasalamat, at agad itong pinandar ang motorsiklo. Habang nasa daan ako, napalakas ang kaba sa aking puso. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Mas lalo ko pang binilisan ang pagpatakbo ng motorsiklo. Napatingin ako sa aking simpleng orasan, alas-otso na ng gabi. Sigurado akong naghihintay na si Nanay Petra sa bahay. Mula dito, narinig ko ang sunud-sunod na putok ng baril. Saan nanggaling ang mga putok na iyon? Tanong ko sa aking sarili. Mas lalo kong binilisan ang pagpatakbo ng motorsiklo hanggang sa marating ko ang bahay. Gulat ako nang napatingin ako sa labas ng bahay at nakita ang mga bakas ng bala. Agad kong nahagip ng aking tingin ang sasakyan na mabilis na pinaharurot palayo. Agad akong napabunot ng aking baril at tinutok ito. "Damn s**t," galit kong sambit sa sarili ko. Mabilis kong pinaandar ang motorsiklo ko para habulin sila, ngunit biglang naalala ko si Nanay Petra. Mabilis akong napatakbo papasok sa loob ng bahay. "Nay, nay!" sigaw ko habang hinahanap siya. Mula dito, dinig na dinig ko ang mga ingay ng baboy na nanggaling sa likod ng bahay, kaya dali-dali akong napatakbo papalabas patungo sa likod ng bahay nang bigla akong napahinto nang makita na nakahandusay si Nanay Petra sa lupa at punong-puno ng dugo ang katawan niya. "Nay! Wake up! Wake up!" kasabay na pinipitik ko ang kanyang isang mukha, nang bigla bumagsak ang luha na nagyanig sa buong katawan ko. "Nay, gumising ka! Gising!" napa sigaw ako ng husto nang pumuot ang dughan ko. "Dante Monte n***o, I will kill you. Papatayin kita," saad ko sa aking sarili. "Nay, please wake up." Kahit anong gawin ko sa pagkuyog ng kanyang katawan, hindi pa rin ito gumalaw, nay. I'm so sorry kung pati ikaw ay nadamay dito. Sambit ko na napahagulgol sa pag-iyak, Agad akong napalingon na lumapad ang tainga ko nang marinig ang mga yapak ng paa patungo dito sa likod ng bahay, kaya kaagad akong tumayo mula sa pagkakaupo saka ito napasilip kung sino ang dumating. Bumilog ang dalawang mata ko nang makita ko ang mga pulis na dali-daling pumalakad patungo sa aking kinakatayuan. Agad kong itinago ang sarili ko sa marurupok na bahagi sa likod ng bahay habang pinagmamasdan ko si Nanay na kinukuha ang kanyang katawan ng mga pulis. Pagkalipas ng ilang oras, mukhang aalis na ang mga pulis. Dali-dali akong lumabas at pinaharurot ng mabilis ang aking motorsiklo, agad na dumiretso sa hideout nina Larra at Jack. "Ara, what's happening to you? Bakit ganyan ang mukha mo at punong-puno ng dugo ang damit mo? Halika, pasok ka at magpalit ka ng iyong susuotin," sunud-sunod na mga tanong ni Larra sa akin habang nasa pinto pa lang ako. Ano ang nangyayari, Ara? banggit niya, Saan matatagpuan si Dante Monte n***o? Agad kong tinanong siya, nagkatinginan kami bago niya ako sinagot, sa plaza. Tumayo ako mula sa pagkakaupo saka kinuha ang mataas na kalibre ng baril na nakasandal sa gilid ng pader at mabilis na umalis. Napansin ko na mabilis silang sumunod sa akin. Pagdating ko sa plaza, agad ako naghanap ng aking mapupwestuhang lugar saka ito napatingin mula sa ibaba ng building. Mula dito, makikita ko ang mga tao na nagpapalakad sa plaza. Napatingin ako sa aking pam-basik na orasan saka muli binalik ang aking atensyon sa harapan. Ilang sandali lang ay dumating si Dante at kasama si Diego na nasa kanyang gilid. Agad-agad kong tinutok ang aking mataas na kalibre ng baril kay Dante. Shit, tang inang kamay 'to! Sinabi ko sa sarili ko nang ramdam ko ang pagyanig nito. Bakit ba tuwing nakaharap ko ang demonyong 'to, bigla na lang nagyanig ang mga kamay ko na kumakabog sa kaba ang sarili kong puso, Hindi maaari ito. Muli kong tinutok sa kanya ang aking baril saka ito na pinutok, napapikit ang dalawang mata na napakagat sa aking ibabang bibig na hindi ito napuruhan ng bala. "What are you doing, Ara? Ito na ang pagkakataon mo. Bakit hindi mo siya pinatay kaagad?" napatanaw sa ibaba si Larra, s**t, nakatakas ang hinayupak na 'yon. "I'm sorry, Larra. When I shot him, my hand was shaking, kaya hindi natamaan ng bala si Dante," napabuntong-hininga siya saka tumalikod sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD