" Sa langit wala ang beer, sa beer haus maraming beer. Sa lupa marami ang chix sa langit panay mukhang sisiw." Paulit-ulit na kanta ng mga lalaki sa sa labas habang puro tawanan lang sila. Malaki na ang naging pagbabago ng lugar na ito kumpara noon. Samantalang kami ay heto lang tahimik. Ang mga kasama ko ay nawalan ng imik matapos kong bulyawan kanina lang dahil mga epal daming hanash e moment ko dapat..
Ganap kanina…
" Anong rason bakit game na game kayo? " yun pa lang ang sinasabi ko pero parang naging nasa palengke kami kanya-kanyang ngawa ang mga bruha. Daming mga sinasabi na hindi na maintindihan dahil nga walang gusto mag paraya. Akala mo mga mamamatay kung hindi agad masabi ang mga saloobin.
" Hep….. Hep…. Hindi ko kayo inaya dito para kayo ang mag moment, kasi ako ang may moment dito. Ako lang period. Kaya uminom na lang tayo at magpakalango walang uuwi na hindi gumagapang. Intiendes! " Muling sabi ko sa kanila na ikinatango naman agad nila. Mukhang may mga pinagdadaanan nga din talaga ang mga bruha.
Kasalukuyan..
" Masakit sa akin ang iwan mo, lalo na ng malaman kong, may ibang dahilan bakit ganito? Bakit nga… ba??. Hanap hanap ka ng puso. Hindi maintindihan kung bakit ikaw pa rin ang laman ng isipan. Hanap hanap ng puso'y sana'y iyong malaman —" Damang dama ni Wheng ang pagkakakanta niya ng piniling kanta. Sa kanta pa lang alam na ang dahilan at pinagadadaanan nito.
" Huy! Wheng, tama nga iyan ang sakit sa dibdib sobra. Hanep ka damang dama e!" Sita ni Sandra kay Wheng.
" Baka naman kasi masikip na talaga bra mo kaya ganun. Alam na this, dahil nga siguro lumaki na ang dede mo kakapalamas mo kay Marus.. Hahahaha" sabad ni Sharina na panay tawa pero mangiyak-ngiyak naman na.
" Oh eto mic, di kayo ang kumanta, parang kasalanan ko pang may uwido ako at sumasalto ako sa lyrics" Sagot ni Wheng sabay padarag inabot ang mic kay Sharina.
" Pakipindot na nga ito Sandra ng 024258" sabi ni Sharina mabilis namang sumunod si Sandra kahit na paika-ika na lumakad akala mo'y na virginan.
" Ay putang*ina, hugot na hugot e. Yung tipong ikaw ang binaunan pero iba ang piniling samahan at alayan." Bulalas ko ng makita ang kantang—Paubaya ni Moira.
Natahimik kami ng Unti-unting pumailanlang ang kanta. Ewan ko sa singer na si Moira hugot na hugot in-advance nga agad ang pain. Oh di ayan wish granted tuloy kay G.
Baka naman sadyang hindi lang laan ang bekisawa niya sa kanya. Lahat may nakalaan sabi nga ni Tatay tamang oras at pagkakataon lang. Pero ako pagna-inip ako kakahintay ay hahanapin ko na talaga , kapag-ayaw naman sa akin tututukan ko na ng bar*l para matic instant bebe na agad.
" S-saan nagsimulang mag bago ang lahat. Kailan nung ako'y di na naging sapat? Ba't di mo sinabi na una palang… Ako yung kasama pero hanap mo siya.. At kung masaya ka sa piling niya. Hindi ko na ipipilit pa.. Ang tanging hiling ko lang sa kan… ya. Wag kang paluhain at alagaan ka niya.. " Tapang din si Sharina nakanta pa ng ayos. Yun ang akala ko maya maya lang ay biglang nagbago ang kanta.
" At putang*ina magpakasasa ka sa kanya… Wag ka lang papakita… Kung ayaw mong magutay ka. " Iniba na lyrics nakakatakot din e, napasilip pa nga mga tropapits namin. Sinenyasan ko lang na okay lang kami.
" Tama na nga ang kantahan, baka maging sipunin pa kayo. Emote na emote e. Shot puno tayo mga bruha." Pinagsasalinan ko ang mga baso nila kaya ng mapuno ko na ay inangat ko agad ang baso. Agad naman nilang nakuha iyon at itinaas din..
" Kampay." Sabay sabay kaming nagsalita at sabay na sabay din tumungga.
" Tama na ang kantahan, Nomnom na at music. Wala ng huhugot at ang target natin soon ay yung mabaonan. Kampay ulit." Hiyaw na ang pagkakasabi Sharina..
" Sus ikaw lang naman ang hugot na hugot sa kanta." Bwelta ko naman.
" Oo na, ako na. Tama na nga." Sagot pa nito.
Ilang oras na kaming inom ng inom pero parang hindi ako nalalasing. Hindi kasi ako nilulubayan ng mga alaala ng litrato na sinend sa akin ng tauhan ni Darius. Bwiset hindi ko maintindihan kung tulong ba o pang iinis sa akin ang litrato na iyon.
Nakita ko sa isang sulok si Sandra naiyak at natawa na habang may kachat ata sa cp. Hindi ko alam ang real score nito between Marus. Pero isa lang sigurado na biktima ito mismo ng patibong niya. Ganti ng ganti ayan inabot ng kati ng makamot naloka na talaga sa lalaking choosy.
Nang luminga ako nakita ko si Wheng na simpleng nakatingin sa cp din. May ngiti sa labi pero may lungkot at pangungulila sa mata. Alam kong gusto na nitong lumagay sa tahamik kasama ang pamilya ngunit sadyang magulo at kumplekado pa talaga.
Si Sharina naman walang ginawa kundi tumungga ng tumungga lang. Naawa ako sa babaeng ito kasi alam ko naman na mahal niya at mahal siya konting sakripisyo lang muna kung sila—sila talaga.
Si Kim naman panay ang ngiti lang mukhang high na high. Isa pa itong bruh na ito komplikado masyado ang buhay yun kasing gusto niya may ibang gusto pa. Hayst mukhang masasawi din sa pag-ibig ito.
Yung kanina pa hindi nababanggit ay malamang swabe ang galawan sa buhay, si Cristine lang ata ang smooth ang buhay pa sa amin. Ako okay naman ako dapat pero dahil sa punyetang picture na iyon heto ako balisa parang timang na.
Maya maya biglang nagpulasan ang mga tropa sa labas.
" Amo, may mga dumating sa labas mga gawpings. For sure na sure kami na kayo ang hinahanap nila. Bagay kayo e" Sabi ni Bado bigla ata akong tinamaan sa sinabi nito.
Bigla ang kaba ko tangina sino kaya sa amin ang nagpabaya at nasundan ng mga hinayupak.
" Sige hayaan niyo lang, hindi yan mga kalaban." Sabi ko sa kanila. " kalaban ng puso namin. " 'yun sana ang gusto kong ihabol na sabihin pero sinarili ko na lang.
" Sandra ikaw ba ang dahilan bakit nandito sila?" singhal ko kay Sandra.
" Ah, Eh.." tanging nasabi lang ni Sandra.
" Ih, Oh, Uh. Sandra nandyan ang mga susupil ng saya natin lintik ka!." Sabi ko kay Sandra.
" Hala talaga? Nandyan ang Marus ko." Tila tuwang tuwa pa ang gaga halos magtatalon pa sa tuwa lintik siya nga talaga.
Dapat pala ipaalala ko sa iba na i-remind ako na wag itong lalasingin nagiging sintu-sinto pagdating sa lalaki niya.
" Oo at mukhang kasama ang mga asungot pa na iba. Sana pala Sandra naglasing ka na lang mag isa tapos nag pabebe ka sa lalaki mo alone. Nang hindi yung ganito na damay mo pa kami." Sabi ko sa babae na umismid lang sa akin.
" Sabi mo nga damay-damay tayo. So dinamay ko na kayo. Hahaha" Parang loka pa na tawa nito. Nakakainis talaga pero sa isiping baka na sa labas din si Darius ay nabuhayan ako na baka this time ako naman ang piliin na unahin.
" Oo na labasin na natin sila at baka, gumawa pa ng mga eksena iyon mga iyon dito. Alam niyong riot iyon malala pag nagkataon." Pagkasabi ko noon parang ipo-ipo si Sandra na lubas si Sharina matamlay si Wheng naman parang praning. Parang gusto ng babae na tumakas alam ko na iyang galawan na iyan.
" Sige na exit ka na Whengay. Ako na bahala? " sabi ko dito mabilis pa sa alas kwatro sumibat sa likod. Hindi pa nga sila handa.
" Salamat Em Em." Sabi pa nito haban mabilis na pumupuslit.
Nang mawala sa paningin ko si Wheng, sumunod na ako labas. Nakita ko si Sandra nakapamewang na sa harapan ni Marus. Mukhang tumatalak pa kuno.
Si Sharina naman nakasandal sa poste lang. Dahil nga walang Hayes na dumating para sa kanya. Alam ko nag pakiramdam kasi nga undecided pa sa damdamin ko sa lalaki pero masakit siya pa na matagal ng inaalagaan ang pagmamahal sa lalaki.
Nakita ko si Isko kya bigla na lang mabilis na kumabog ang dibdib ko. Pero agad din naman iyong napalis dahil wala naman na itong kasunod na Darius. Mukhang zero kami ni Sharina pero okay lang wala din namang napala si Isko.
" Tara Sha, tayong dalawa na lang mukhang pareho tayong hindi pinili. Tangina hindi ata pasado ganda natin sa kanila mga bulag ata iyon." Sabi ko ng tumingin ako kay Sharina tumango ito sa akin pero bago pa kami makalayo may biglang nagsalita.
" Ma'am Romary pinapasundo po kayo ni Boss D'. " Sabi ni Isko pero panay ang lingon.
" Kanina pa pumuslit si Whengay, kaya same-same tayo na setlog. And pakisabi kay Darius mamaga sana nguso niyang hayop siya. Pinapasundo! Baka nga lang magpanting ang tenga ko e,, ibaon ko sila sabay ng babae niya. " Makahulugang sabi ko kay Isko mukhang gulat na gulat pa. Magsasalita pa sana ito pero inunahan ko na.
" Save it Isko, habulin mo sa likod si Wheng. Pakisabi mo kay Darius na busy din ako kasi manlalaki ako ngayon, para naman same-same kami. Ang lagay kati lang niya ba ang pwedeng ipakamot sa iba pero alam mo walang taste amo sa part na yon. And tell him na syempre ang kati ko din valid naman na ipagkamot sa iba. Ayaw niyang namang kamutin so hahanap ako ng instant at very willing kamutin ang kati ko. " Sabay alis ko at hila kay Sharina.
Disappointed ako kay Darius dapat talagang kalamayan ko nag loob at kepay ko. Ayokong masaktan dapat sila lang ang masaktan. Kung susubukin man ako mas pipiliin kong lihim at walang nakakaalam mg pighati ko.
Bago kami umalis inisang lingon ko pa sila. Doon ako mas nakaramdam ng malalang burdo dahil si Sandra pangko na ni Marus at naglalambingan na. Shutang Ina yari ka sa akin paglipas ng amats mo. Naibulong ko na lang sa isip ko at baka isipin inggit pa ako.
Nang marating namin ang lugar kung saan nakaparada ang sasakyan namin ay mabilis na nag kanya-kanya. Tamang tinginan lang kami ni Sharina at kanya-kanyang pulas na paalis. Hindi ko na nga inalam pa kung saan ang punta nito. Alam naman nila na pag-emergency isang tawag lang darating kami para sa isa't isa.
Ako siguro doon muna ako pupunta sa lugar kung saan magiging solve ang pagkalasing ko. Gusto kong malasing para tulog na lang agad at wala ng tyansa pang mag-isip at magmuni-muni. Napatunayan kong Hindi healthy mag overthink.