#IHaveALover CHAPTER 53 Muling dumalaw sila Paulo at Ruru kay Theo. Nasa living room sila ngayon ng bahay. Nakaupo sa single sofa si Theo habang magkatabi naman sila Paulo at Ruru sa mahabang sofa. Wala ngayon sila Sophia at Theodore dahil pumunta ang mga ito sa palengke para mamili ng mga gagamitin at kakainin nila sa tanghalian. Susunod nga sana si Theo ngunit biglaan namang dumating ang dalawa kaya hindi na rin siya nakaalis. Kanina pa sila tahimik. Nakatingin lamang si Theo sa mga kaibigang dumating habang nakatitig naman sa kanya ang dalawa. Pamaya-maya ay napabuntong-hininga si Paulo. “Hanggang ngayon ba ay wala ka pa ring maalala?” tanong nito. Tipid na napangiti si Theo. Napatango ito. “Anim na taon ang nakalipas pero iyong utak ko... hindi