#IHaveALover CHAPTER 51 Matapos ang maghapong pananatili nila Theo. Sophia at Theodore sa bahay ni Aling Teresa ay nagpasya na rin silang umuwi. Sa totoo lang, gusto nang isama ng una ang matanda ngunit tumanggi ito sa kanya at sinabing ayaw nitong iwan ang bahay kaya nangako na lamang siyang dadalawin niya ito ng madalas para hindi rin nila masyadong ma-miss ang isa’t-isa. Nangunot ang noo at nagsalubong ang magkabilang kilay ni Sophia na buhat ang tulog na si Theodore dahil sa pagpasok nila ng bahay, bukod sa bukas ang pinto at nakabukas na rin ang ilaw sa loob. Napatingin ito kay Theo na nahalata naman ang pagtataka sa mukha niya. “Bakit bukas na ang pintuan at ang ilaw?” tanong ni Sophia. Tipid na napangiti si Theo bago nagsalita. “Tumawag sa akin kanina si