THE START

1058 Words
THE START       Kaboogsh!       Napatigil siya sa paghahalo ng kanyang nilulutong ulam na kaldereta, napatingala nang tingin saka napabuntong-hininga.    “Mukhang nagiging wild na naman sila.” Bulong na sabi niya sa sarili.    Gusto niyang magalit, gusto niyang manumbat, gusto niyang manakit... pero hindi niya magawa.     Muli na lamang niyang hinalo ang niluluto. Naririnig pa rin niya ang mga kalabog mula mismo sa kanilang kwarto mag-asawa kung saan... kasama ang kabit nito.     Nagbibingi-bingihan... Nagbubulag-bulagan... Ginagawang ok ang lahat kahit hindi talaga.     Dapat siya ang kasalo ng asawa sa mainit na pag-iisa at hindi ang lalaking iyon.   Dapat siya ang humahalik, humahaplos at pumapasok sa kaibuturan nito at hindi ang lalaking iyon.     Alam ng halos nang nakakilala sa kanya na siya na ang pinaka-martyr na asawa. Sa limang taon na ng pagsasama, isang taon lamang siya naging masaya at sa mga sumunod na taon, naging impyerno na ang buhay niya. Hindi niya alam kung bakit natapos ang kaligayahan, hindi niya alam kung anong nagawa niyang mali kung bakit niya ito nararanasan.     Ang init, naging lamig...   Ang pagmamahal... naging sakit.     May pagkukulang siya, aminado siya doon pero sigurado siyang hindi nagkulang sa pagmamahal na ibinibigay... hanggang ngayon kahit na sakit ang laging isinusukli nito.     Bakit hindi pa niya hinihiwalayan? Isa lang naman ang sagot... dahil mahal na mahal niya ito... hindi niya kakayanin kung mawala ito sa piling niya kaya kahit na marriage certificate na lamang ang nag-uugnay sa kanila at hindi na damdamin, hindi niya hahayaan na pati iyon ay mawala.     Lahat ng gusto... sinusunod niya... lahat ng naisin... ibinibigay niya kahit ang pinakamasakit huwag lamang siyang iwan.    Sa mga taon ng sakit... aminado siyang nasanay na.     Napabuntong-hininga siya, tinapos ang niluluto saka nilagay iyon sa mangkok, alam niyang pamaya-maya ay bababa na ang dalawa para kumain. Siya ang asawa pero siya ang tagaluto para sa asawa at sa kabit nito.     Inayos na niya ang mesa at inihain na ang mga pagkain. Saktong-sakto na wala na siyang naririnig na kalabog mula sa kwarto, mukhang natapos na naman ang isang gabi ng pag-iisa.    Pinunasan ang pawis sa noo, tinanggal ang apron na suot. Lumitaw ang magandang hubog ng kanyang katawan. Nangingintab ang makinis at mestisong balat dahil sa pawis.    Malapad ang kanyang magkabilang balikat, batak ang kanyang mga braso, hita at binti at may kahabaan rin ang mga iyon. Maumbok ang kanyang dibdib, nagtitigasan ang mga abs niya.     Gwapo naman siya, undercut ang style ng buhok, makinis ang mukha, chinito ang mga mata na pinarisan ng makakapal na kilay at may kahabaang pilik-mata, matangos ang kanyang ilong at manipis ang natural na mapulang labi. Maamo ang kanyang mukha at sa totoo lang, hindi siya madaling magalit pero kung mangyari man, sobrang tindi. Pisikal niya na kinahumalingan din ng kanyang asawa noon pero kaagad ding pinagsawaan.     Kinuha niya ang kanyang tshirt na kulay gray na nakapatong lamang sa sandalan ng upuan. Sinuot iyon at hapit kaya naman humubog ang maganda niyang katawan doon.       Nakarinig siya ng mga yabag pababa hanggang sa bumungad sa kusina ang dalawa. Ang kanyang asawa na tanging sexy sando na bakat pa ang n*****s at maikling short lamang ang suot, nakabukas pa ang butones. Maganda at talaga namang kaakit-akit lalo na ang katawan nitong pumarehas ang hubog sa bote ng softdrinks. Makinis ang mestisa nitong balat.     Sunod niyang tiningnan ang kabit ng kanyang asawa na nakangisi pang nakatingin sa kanya. Nakatapis lamang ng twalya at halatang walang suot na underwear dahil bukol na bukol ang pag-aari nitong nasa loob. Hindi niya maiwasang tingnan ito, kung tutuusin, hindi sila nalalayo sa kagwapuhan. Bumagay sa hulma ng mukha nito ang semi-kalbo na gupit ng buhok, makapal ang kilay at itim na itim, bilugan ang mga mata na kung titingin ay tila nangungusap, matangos ang ilong at manipis ang natural na mapulang labi. Mestiso ang makinis na balat. Maangas ang hilatsa ng mukha.    Hindi rin niya naiwasang tingnan ang katawan nito, malapad ang magkabilang balikat, mas batak ang muscles sa mga braso, maumbok ang dibdib, matigas ang abs. Mahaba ang legs kaya matangkad sa bilang na 6’1. Mas mataas lamang sa kanya ng isang guhit.    Sa lahat ng naging kabit ng kanyang asawa... ito ang nagtagal kaya halos gabi-gabi, narito ito sa bahay, walang pakiealam kung nandito pa siya na legal na asawa.    Wala naman siyang magawa, ito ang kagustuhan ng kanyang asawa.     “Handa na ba ang pagkain?” tanong ng asawa sa kanya.     Napatango lamang siya. Umiwas nang tingin.     Napapangisi naman ang lalaking kabit.     “Hon... Halika na at kumain na tayo... I’m sure na magugustuhan mo ang luto niya kasi magaling at masarap ‘yan magluto.” Mabuti pa ang pagluluto niya, binabati nito.    “Talaga? Masarap siya?” tanong nung kabit na kaagad niyang ikinatingin dito. Nakatingin lamang ito sa kanya habang nakangisi. Parang may ibig sabihin ang sinabi nito.     “Ang luto niya ang masarap hindi siya.” Natatawang sabi ng kanyang asawa sa kabit nito.     Natawa naman ang lalaking kabit. Malaki ang boses kaya hindi malayong malutong ang tawa nito.    “I’m just joking Babe.” Sabi nito. Hindi naalis ang tingin sa kanya. Ano bang ginagawa nito? Nagyayabang kasi nagagawa nitong ahasin ng harap-harapan ang asawa niya?     Lumapit ang lalaking kabit sa asawa niya, hinapit sa bewang at bago pa niya makitang halikan nito sa labi ang asawa, umiwas na siya nang tingin. Masakit para sa kanya na makita iyon pero wala naman siyang magawa para pigilan dahil kung hindi, tuluyan siyang iiwan. Mahal na mahal niya ang asawa. Ito na lamang ang pamilya niya, ang asawa na lamang niya ang kasama niya sa mundo.     Narinig niya ang pag-usog ng mga upuan.    “Ikaw? Hindi ka pa ba kakain?” tanong ng asawa niya sa kanya.       Tumingin siya rito. Tipid na napangiti.    “Kayo na lang muna... Busog pa ako.” Sabi niya.    “Sumabay ka na Pare... Baka mamaya sisihin mo pa kami kasi naubos namin ang pagkain at wala ka nang makain.”     ‘Ang lakas ng loob niyang tawagin akong Pare. Ang kapal ng mukha.’ sabi niya pero sa isipan lang.     “Sige lang... marami namang mabibilhang pagkain sa labas.” Sabi niya. “Sige... punta lang ako sa kwarto para magligpit.” Sabi pa nito. Liligpitin ang kalat na ginawa ng dalawa.     Napangisi lamang ang lalaking kabit, ang asawa niya ayun at busy na sa pagkain ng inihanda niya.     Naglakad siya palabas ng dining area. Sa paglabas niya, tumulo ang kanyang luha. Lalaki siya pero sa sobrang sakit na nararamdaman niya, kahit na maging bato pa ang puso niya, siguradong madudurog at luluha pa rin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD