Exam week. Bumalik din ang lahat sa dati after ng bagyo na yun. Pumapasok ako sa school at nagkikita kami ni Ms. Wilson. Hindi na kami nakakapag usap pero lagi niya naman akong nginingitian kapag nagkakasalubong kami sa hallway. Nakasubsob ako ngayon sa mesa at sinusubukang magrelax, pero wala, hindi ko magawa dahil sa ingay ng mga taong to. "Uy bhe!" Tawag ni Jeremy sakin, boses pa lang alam ko na. Nag angat ako ng tingin. "Sino si Dale Carnegie?" "Huh? Teka, saan mo nakuha yang test paper?" "Napulot ko dun sa kabilang room! Tingnan mo, ang hirap ng exam. Gosh! Nagulat na nga lang ako at ganyan kahirap yan!" I scanned the test paper kahit disturbed pa rin ako dahil kawawa naman ang nag mamay-ari nitong papel, baka maincomplete siya kapag hindi nairecord tong prefinals niya. "Puro t