"Riley, nakagawa ka na ng assignment?" Si Mia habang naglalunch kami dito sa cafeteria. "Saan?" Tanong ko, sinamaan niya lang ako ng tingin. "Oo na nakalimutan ko na, ang dami ko lang talagang ginagawa ngayon." "Masyado kang busy sa mga minor subjects ah?" Kumento ni Grace na kasama din namin. "Hindi naman yun, gumagawa kasi ako ng script para sa play ng section namin this upcoming intramurals." "Wow. May play? Di nga?" Tanong ni Mia. "Oo nga, si Ms. Wilson ang adviser namin. Naassigned daw kasi siya sa play so ayun, it just happened na section namin ang nakasali dahil sabik sila sa excemption for finals." Natatawa kong kwento. "Ayos ah, sana tayo din no Grace? Para mabawasan naman ang stress natin sa buhay." Sabi ni Mia. "Oo nga. Speaking of Ms. Wilson. May naririnig akong balita