Tahimik kong pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin habang sa labi ko ay nakaguhit ang isang ngisi. Nagbibihis na ako at naghahanda na para tumungo sa party. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ito. Kailangan naroon na ako dahil ako ang magiging escort ni Malzia ngayong gabi. Nagulat ako dahil hindi ko expected na ako ang escort niya. Akala ko isa sa kambal niyang anak ang magiging escort ni Malzia kaya laking tuwa ko nang sabihin ni Mahlia na ako ang eeskort sa kanyang anak. Kaninang umaga lang niya sinabi. Inimbitahan nila ako na roon mag-almusal at siyempre agad naman akong pumayag dahil gusto kong makita si Malzia. Dalawang araw akong nawala dahil naging abala ako sa pinapagawa kong bagong bahay sa Hilaga. Tapos habang nasa hapag-kainan kami at naghihintay kay Malzia na bumaba