Tawang-tawa ako nang maisahan ko si Uncle Vulcan. Akala ko dahil matanda na siya ay hindi na siya madaling mauuto. Ang dali rin pala mauto ng isang iyon. Palibhasa hibang na hibang sa akin kaya sumunod naman siya sa nais ko. Ang hindi niya alam ginogoyo ko lang siya para makatakas sa gusto niyang mangyari. Ano siya sinuswerte? Akala niya makakahalik siya? Ayoko nga! Kaya lang naisip ko, dinagdagan ko na naman ang gigil niya sa akin. Malamang nagngingitngit iyon sa inis nang maisip niyang nauto ko siya. Hindi bale na, iiwas na lang ulit ako. Hindi ko lang talaga mahindian si Mama dahil kapag may sinabi siya at inutos ay dapat itong masunod. Kung bakit naman kasi nilutuan niya ito ng hangover soup? Hindi ba marunong magluto si Manang Cora? Talagang nag-abala pa si Mama na lutuan ang lalak