CHAPTER TWO

1720 Words
NAGDILIM ang mukha ni Hans nang makita niya si Johnny. Nakangiti pa ito pero nang makita siya ay mabilis na naglaho ang ngiti sa labi ng traydor niyang kaibigan. Walang araw na hindi niya ito tinatanong kung kumusta na ba si May Ann at kung bakit bigla-bigla ay hindi na nagparamdam sa kanya pero wala itong naging sagot. Ayon dito ay abala lamang sa trabaho. Nabalitaan niya rin na nakapagtapos na si May Ann sa pag-aaral at ngayon ay isa ng guro. Natupad na ito ang pangarap. Ang hindi niya alam ay patalikod siyang trinatraydor ni Johnny. Hindi niya lubos akalain na may pagnanasa ito sa kanyang nobyo. Ibinaba niya ang suot niyang shades at tinitigan ito ng matalim. "Bro!" bulalas pa nitong niyakap siya. "Bakit hindi ka nagpasabi na uuwi ka na? Sana nasundo kita," wika pa nito sa kanya na akala mo ay walang kasalanan. Bahagya niya itong inilayo sa kanya. "Kapag ba sinabi kong uuwi ako ay matutuwa ka?" tanong niyang seryoso ang boses. Kumunot ang noo nito dahil sa kanyang sinabi. Binalingan nito si May Ann. "Excuse us, please. Mag-uusap lang kami,” pakiusap nito sa babae. Aalis na sana si May Ann nang magsalita siya. "Stay here," madiin ang sagot niyang wika sa babae. "Gusto kong marinig mo ang pinag-uusapan namin. Hindi ba Johnny?" pauyam niyang wika sa lalaki. "Gusto ko lamang linawin ang lahat. Anong nangyari? All of sudden kayo na?" tanong niya pa sa dalawang kaharap. "Let me explain," sagot ni Johnny. Si May Ann ay naging balisa. "Umpisahan mo na dahil hindi ako umuwi para sa wala. Alam mo 'yan!" mataas ang boses na sagot niya. "Ano pa ba ang hindi malinaw Hans? Obvious naman na siguro na hindi na tayo, hindi ba? Tatlong taon na tayong wala at wala kang karapatan para sabihin sa amin na mag-explain. Isa pa ay wala rin namang magbabago," sagot ni May Ann. Pakiramdam niya ay dinurog ang puso niya sa sinabi nito. Pitong taon din silang naging long distance relationship hanggang sa nagbago ang lahat. Bigla ay hindi na ito nagparamdam sa kanya sa hindi niya malamang dahilan. Napatitig siya sa babae. Punong-puno ng pagmamahal at pag-asa ang kanyang mga mata. Gusto niyang marinig na mahal siya nito dahil siya ay mahal na mahal niya ito. Lalo niya pa ngang minahal ito sa mga panahon na magkalayo sila. "Hans!" tawag ng isang tinig. Boses iyon ni Grace. Nasa likuran niya ang kakambal at sinundan pala siya. "Hinihintay na tayo ni Mama. Nagsasayang lang tayo ng oras makipag-usap sa dalawang 'yan," wika pa nito sabay irap kay May Ann. Kung hindi pa siya hinila ni Grace ay hindi siya aalis. Di bale ng magmukha siyang tanga. Hanggang sa makalabas sila ng mansyon ng mga Marzan ay hila siya ng kakambal. Inalis niya ang kamay nito sa kanyang braso. "What? Galit ka na naman?" bulalas pa ni Grace sa kanya. Hindi pa kasi siya pumapasok ng sasakyan. "Hindi ba sinabi ko sayo na umuwi ka na?" "At para ano? Para magmakaawa sa dalawang yun? Matagal na silang may relasyon Hans at alam yun sa buong lugar natin. Kayo pang dalawa ay may namamagitan na sa kanila at hindi lang masabi-sabi sayo," wika pa ni Grace sa kanya. "Nasasabi mo lang yan dahil gusto mo si Johnny at nasasaktan ka lang," wika niya pa. "Alam kong may mali na nangyayari Grace. Mahal ako ni May Ann... Alam ko," giit niya pa. "Kung mahal ka bakit ka pinagpalit? At ano ang dahilan nila para hindi sabihin sayo na sila na at ngayon ay ikakasal na?" "Bakit ikaw? Sinabi mo ba sa akin na sila na?" sagot niyang galit na sa kapatid. "May rason ako." "Anong rason mo?" "Kinausap ako ni Johnny na 'wag ko na raw sabihin sayo dahil masasaktan ka daw at ayokong mangyari yun. Hindi dahil sa utos niya kaya ko itinago sayo kundi dahil kapatid kita. Nasaktan din kasi ako nang malaman ko na si May Ann pala ang gusto niya." "That's bullshit Grace. Nasasaktan pa rin ako ngayon. Walang pinagkaiba yun." "Meron, dahil nasa malayo ka. Isa pa nang malaman ko ay malapit ka ng maging doctor. Ayokong isipin mo pa ang problema." Umiling siya sa sinabi ng kapatid. “Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinasabi mo. Ganun pa rin kasi ang sakit na nararamdaman ko lalo na ngayon dahil umaasa ako na sa pagbabalik ko ay magiging kami pa ulit ni May Ann. Lahat ng ginagawa kong ito ay para sa kanya. Para maialis ko siya sa mga Marzan,” sagot niya pa sa kapatid. Hindi niya alam kung naiintindihan ba nito ang bigat ng kanyang nararamdam. Mabigat ang paa na pumasok siya ng sasakyan. Gusto niyang umiyak pero hindi niya magawa. Gusto niya pa rin ipakita sa kanyang kakambal na hindi siya mahina kahit na ang totoo ay nagdurusa ang kanyang puso ng mga oras na iyon. Ten years ago…. “Aalis ka na?” tanong sa kanya ng nobya nang ipakita niya ang kanya ticket. Umiiyak na ito at maging siya ay ganoon din. Alam naman nito na sa ibang bansa niya ipagpapatuloy ang kanyang pag-aaral. Kasama niya rin ang dalawang kapatid na si Isaac at Abraham. Noon pa ay iyon na ang gusto ng kanilang mga magulang. Nakapasa rin siya sa entrance exam doon kung kaya wala siyang magiging problema kung sakali man. “Hindi ko ito gagawin para sa sarili ko lang, mahal. Kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral dahil hindi ko kayang nakikitang nahihirapan,” wika niya. Mahal ang tawagan nilang dalawa. Dalawang taon na silang may relasyon. Second year college na siya sa pagdo-doctor samantalang ito ay hanggang senior high school lamang. Kailangan pa nitong mag-ipon para makapag-aral ng kolehiyo. Pinuntahan siya ng nobya sa condominium nila sa Maynila dahil sinamahan niya itong kumuha ng exam sa isang sikat na university. Nakaupo silang dalawa sa sofa. “Hindi ko kaya na malayo sayo. Wala ka nga lang sa atin ay hindi ko na alam kung paano pa ang mga araw na wala ka. Paano pa kaya kapag nasa malayo ka?” lumuluha nitong wika. Hindi niya magawang sumagot dahil ganoon din naman ang kanyang nararamdaman. Ginagap niya ang kamay ng kasintahan. Pinisil niya ang mga iyon. Pakiramdam niya ay nanghihina siya. “Hindi ko rin kayang umalis,” pag-amin niyang umiiyak na rin. Dahil sa kanyang sinabi ay napaiyak lalo si May Ann. “Kakausapin ko na lang si Papa. Sasabihin ko sa kanya na dito na lang ako sa Maynila mag-aral.” “Huwag, Hans!” pigil nito. “Ayokong maging hadlang sa mga pangarap mo. Alam kong gusto mong maging doctor. Isa pa ay sayang ang oportunidad na naghihintay sayo sa Amerika. Bihira lang ang nagkakaroon ng ganoon oportunidad.” “Paano tayo?” tanong niyang napatitig sa nobya. Hindi kaagad nakasagot si May Ann sa kanyang tanong. Napakagat ito sa pang-ibabang labi pagkatapos ay pinunasan ang mga luha. “Babalik ka naman hindi ba?” Tumango siya. Ang bigat-bigat ng kanyang pakiramdam. “Maghihintay ako sa pagbabalik mo,” sagot pa nitong ngumiti sa kanya. Kinabig niya ang kasintahan at niyakap. “Babalik ako, mahal. Ikaw ang una-una kong pupuntahan sa pagbabalik ko. Kapag naging doctor na ako ay pakakasalan na kita,” wika niyang lumuluha. “Hihintayin mo ako.” Kumalas sa pagkakayakap niya si May Ann at tinitigan siya. “Huwag mo akong kalimutan,” sagot nitong malungkot ang boses. Umiling siya. “Bakit kita kakalimutan? Karugtong ka na ng buhay ko. Wala akong ibang mamahalin kundi ikaw lamang.” “Mahal na mahal din kita, Hans. Maghihintay ako.” “Bago ako aalis ay kakausapin ko si Papa na kung pwede ay matulungan ka niyang makapasok ng college. Gusto kong makapagtapos ka ng pag-aaral. Susubukan ko rin maghanap ng trabaho sa ibang bansa kapag may oras ako para kahit papano ay makatulong ako sa mga allowance mo.” “Ano ka ba… Hindi mo ako obligasyon. Isa pa marami ng naitulong ang Papa mo sa pag-aaral ko sa senior high school. Sapat na yun. Ang asikasuhin mo ay ang pag-aaral mo. Gusto ko sa pagbabalik mo ay doctor na ang boyfriend ko,” wika pa ni May Ann sa kanya kaya napangiti siya. “Gusto ko rin naman na matupad mo ang mga pangarap mo. Gusto kong maging guro ka,” sagot niya rin. Kapwa pa sila natigilan nang magtama ang kanilang mga mata. Napatitig siya sa nobya. Ang lungkot sa mga mata nito ay gusto niyang pawiin. Hindi niya napigilan ang sarili at inilapit niya ang labi sa labi nito. Sinakop niya iyon. Solo nila ang ang condominium ng mga oras na iyon dahil umuwi ang kanyang kakambal na si Grace sa probinsiya. Hanggat maari ay umiiwas silang dalawa na mapag-isa dahil sa takot na baka hindi nila mapigilan ang sarili pero ngayon ay hindi niya iyon naisip. Siniil niya ng halik si May Ann at hindi naman ito tumutol. Hindi naman iyon ang una nilang halik pero ngayon ang matagal na halik na kanilang pinagsaluhan. Ang init ng labi nito. Kay lambot ng mga iyon. Ang kanilang mga halik ay mapusok at mapanghanap. Nararamdaman nila ang tensiyon ng bawat isa. Siguro dahil alam nila na malapit na sila magkalayo. Habang hinahalikan niya si May Ann ay tumutulo ang luha nito. Hinalikan niya ang mga iyon. Gusto niyang pawiin ang lungkot na nadarama ng babaeng kanyang minamahal. “Mahal,” tawag niya sa kanyang tawagan. Hinahaplos niya ang mukha nito. Ayaw niyang matapos ang mga sandaling iyon. Hindi tumututol si May Ann sa kanyang ginagawa bagkus ay dinadama nito ang kanyang halik. “Hans,” usal na tawag ni May Ann sa kanyang pangalan. Inilayo niya ang kanyang mukha sa mukha nito at tinitigan niya ang kasintahan. “I want you. Pwede bang maging akin ka?” tanong niyang punong-puno ng pagnanasa ang boses. Kung sakali man na tumutol ito ay hindi siya magpupumilit. Ganoon niya ito kamahal. Handa siyang maghintay hanggang sa ipagkaloob nito sa kanya ang iniingatan nito. “Gusto kong maging akin ka sa mga oras na magkasama pa tayo,” dagdag niya pa. Hindi sumagot si May Ann sa kanyang sinabi. Bigla pa siyang nagulat nang bigla siyang halikan ng kasintahan. Isang mapusok na halik ang ipinagkaloob nito sa kanya----tanda ng pagpayag nito sa kanyang gusto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD