CHAPTER ONE

1733 Words
Makalipas ang sampung taon… EXCITED na si Hans na makita ulit si May Ann Serrano. Ang kanyang dating nobya sa Pilipinas. Ilang taon na rin silang walang contact dahil sa America niya ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Isa na siya ngayong doctor--- an oncologist. Kasama niya ang kapatid na si Isaac at Abraham sa America. Nagpaiwan muna ang mga ito roon dahil sa mga kanya-kanyang dahilan. May maipagmamalaki na siya kay May Ann. Kaya niya na itong buhayin. Sa kanyang pag-alis ay hindi naging madali sa kanya na maiwan ang nobya. Nangako naman siya rito na palagi siyang tatawag. Nang una ay okay naman pero kalaunan ay hindi niya na makontak ang nobya. Ayon sa kanyang bestfriend na si Johnny ay ayaw na siyang mkita ni May Ann na labis na ikinasama ng kanyang loob. Iyon ang nagtulak siya kanyang upang magmadali na umuwi ng bansa. Gusto niyang balikan ang babaeng kanyang iniwan. “Hanz!” sigaw iyon ng kanyang kakambal na si Grace. Ito ang nagsundo sa kanya sa airport. Twenty-seven years old na sila pareho. Tumatakbo sinugod siya ng kanyang kakambal kaya niyakap niya ito ng mahigpit… Sobra niya itong namiss. Tinalo pa nila ang may relasyo dahil hinalik-halikan niya ang kakambal. “Bakit hindi mo naman napilit si Isaac at Abraham na umuwi?” tanong sa kanya ni Grace pagkatapos ng mahigpit na kanilang pagyayakapan. “Susunod din ang mga yun,” sagot niya ginulo ang buhok ng kapatid. “Ano ba!” saway sa kanya ni Grace. Napakaganda ng kanyang kapatid. Mas maganda pa ito sa kanilang Mama Becca. “Bagong rebound ako!” reklamo pa nitong inayos ang buhok “Ang arte naman! Ikaw pa rin ang baby namin ano!” wika niya. “No way! Matanda na kaya ako!” irap pa ni Grace sa kanya. “Bakit? May boyfriend ka na ba? Sinagot ka na ba ni Johnny?” tanong niya pa dahil patay na patay itosa kanyang bestfriend. “Sira!” Natatawa na lamang siya. Bokya na naman yata ito kay Johnny. “Hindi mo man lang niyaya si May Ann,” wika niya sa kapatid. Akala niya kasi ay isasama nito si May Ann dahil iyon ang pakiusap niya nang tawagan niya ito. “Close ba kami non? Isa pa hindi yun sasama sa akin!” “At bakit naman hindi?” tanong niya. “Bakit kayo pa ba?” nakataas ang kilay na tanong sa kanya ni Grace. “Ang nega mo!” sagot niya. "Give me the key, and I'll drive." I'm going to see May Ann." “Naghihintay si Mama at Papa sa bahay,” wika pa sa kanya ni Grace. Hindi niya alam kung bakit parang ayaw nito kay May Ann samantalang noon ay boto naman ito sa babae. “Isasama ko siya sa bahay. Isa pa alam ko naman na gusto niya rin akong makita,” wika niya pa sa kapatid kaya wala itong nagawa. He noticed that every time he asked May Ann, Grace would avoid it. Grace forbade him from mentioning the girl. "Maybe it would be better if you took me home before you went to see May Ann." Grace said to him, leading him to stare at his twin. "Is there a problem?" Why do I feel like you hate May Ann? "Do you know something I don't?" he asked, puzzled. Umiwas ng tingin si Grace sa kanya. Sinundan niya ito. Hila niya ang kanyang mga gamit. “I just want to see her. Pinangako ko sa kanya noon na kapag bumalik ako ng Pilipinas ay siya ang una kong pupuntahan,” wika niya pa sa kapatid. "That was ten years ago, for God's sake!" bulalas ni Grace. Para itong batang nagmaktol. “So?” “Marami ang pwedeng magbago sa loob ng sampung taon Hanz! Hindi na kayo mga bata,” sagot pa nito na hindi makatingin sa kanya. “Like what? Dahil ako walang nagbago sa akin. Siya pa rin ang mahal ko. Siya pa rin ang nasa puso ko,” sagot niya habang hinahabol sa paglalakad ang kapatid. “Iniwan mo siya.” “Bumalik ako para sa kanya!” sagot niyang malakas na ang boses. Ganito na ba talaga sa Pilipinas? Umalis lang siya pagbalik niya ay ganito na makipag-usap ang mga tao? “Jesus, Grace!” pwede ba huminto ka muna at mag-usap tayo?” bulalas niya kaya natigilan ang kakambal. “Ilang tao ka na ba ngayon Hans?” tanong pa nito kaya napatitig siya. “Twenty-seven.” “At seventeen ka nang umalis. Mga bata pa kayo no’n. Sampung taon kang nawala at sa tingin mo ganun pa rin ang babalikan mo?” “You know what? Hindi ko alam kung ano ang problema. May dapat ba akong malaman?” tanong niya sa kapatid. “Stop mentioning her name dahil niloko ka niya! Ikakasal na siya sa iba!” bulalas ni Grace sa kanya kaya natigilan siya. Pakiramdam niya ay tumigil ang mga taong naglalakad sa paligid niya dahil sa snabi ni Grace. Pagak siyang tumawa. “You’re lying.” “Yun ang totoo, Hans. Ikakasal na siya sa bestfriend mo,” sagot pa nito na lalo niyang ikinagimbal. “Nagsisinungaling ka. Mahal ako ni May Ann,” umiiling niyang sagot. “Ayaw ka na niyang kausapin dahil may iba na siya. Sila na ni Johnny,” ulit pa ni Grace sa kanya. “Gusto ko siyang makausap. I want to see her. Gusto kong manggaling mismo sa bibig niya ang lahat ng ito,” nagmamadali na siyang maglakad patungo sa sasakyan ng kanyang kapatid. Malaki na ang ipinagbago ng kanilang bayan. Matagal na nga siyang nawala dahil hindi niya na matandaan ang kanilang mga dinadaanan kaya si Grace na ang nagmaneho. Sa loob ng sasakyan ay wala silang naging kibo. Hindi niya alam kung paano niya haharapin si May Ann. Hindi niya matanggap ang mga sinabi sa kanya ng kapatid. “I’m sorry Hans, kung sa ganitong paraan mo pa nalaman. Kaya nga umiiwas ako sayo sa tuwing na tinatanong mo sa akin si May Ann. Ayaw kitang masaktan pero dahil nandito ka na ay wala na akong maililihim pa sayo,” wika pa ni Grace sa kanya. “Ihatid mo na lang muna ako sa kanila. Pwede mo akong iwan pagkatapos mo akong ihatid,” wika niya pa sa kapatid. Childhood sweetheart niya si May Ann. Siya ang tagapagtanggol nito sa lahat ng oras. Sa pamilya ni Johnny Marzan nagtratrabaho ang ina ni May Ann at ang mga Marzan din ang nagpapaaral kay May Ann. Sa madaling salita ay katulong ang kanyang nobya sa bahay ng mga Marzan. Alam niyang busabos kung ituring ng pamilya Marzan ang kanyang nobya kaya nga hanggat kaya niya ay ibinibigay niya sa nobya. Madalas itong pumasok sa kanilang eskwelahan na wala pang kain o di kaya ay walang kompletong gamit kaya madalas ay humihingi siya ng extrang pera sa kanyang ina para maibili ng gamit ang kanyang nobya. “Nandito na tayo,” wika sa kanya ni Grace kaya napailing siya sa pagbalik ng kanyang mga alaala. Binuksan niya ang bintana ng sasakyan. Nakita niya ang mansyon ng mga Marzan. Ang bahay ng kanyang bestfriend. Binalingan niya ang kapatid. “Umuwi ka na. Magpapahatid na lang ako kay Johnny,” pagtataboy niya rito bago siya bumaba ng sasakyan. Huminga muna siya ng malalim habang pinagmamasdan ang bahay na nasa kanyang harapan.  Nagpakilala siya sa security guard pagkatapos niyang hanapin si May Ann dito. Kilala naman ng mga ito ang Villareal kaya pinapasok siya. “Pumasok po muna kayo,” wika sa kanya ng security guard. Suot ang kanyang shades ay nagtungo siya sa gilid ng swimming pool. Sa lugar na iyon madalas niyang nakikita si May Ann. Madalas kasi itong maglinis ng pool na kung minsan ay tinutulungan niya na. Madalas din siyang nakatambay sa bahay ng kaibigan makita lamang si May Ann. As he turned around, he looked into May Ann's eyes. Their eyes met. She is very different. The woman he loved was already stunning. His heart raced with passion. He wished he could hold her in his arms and hug her, but he couldn't. Binigyan niya ito ng matamis na ngiti pero walang sagot na ngiti mula sa babae. He used to wear an apron before, but now he dresses more properly. Ibang-iba na ito pero aaminin niyang mas nagugustuhan niya ngayon ito. Nilapitan niya si May Ann. “Anong ginagawa mo rito?” tanong sa kanya ng dating nobya. Wala siyang nababasang emosyon sa mukha nito. Hindi niya nga alam kung natutuwa ito na makita siya. "I am keeping my promise that I will see you first when I return to the Philippines,” he answered. “Matagal na ang pangakong yun at matagal ko na ring kinalimutan,” sagot sa kanya ni May Ann kaya nasaktan siya. “Pero ako hindi ko nakalimutan. Ang pangako na yun ay mananatiling pangako,” sagot niya pa. “Hindi ka na dapat pang pumunta rito, Hans. Wala ka ng lugar dito,” pagtataboy sa kanya ng babae. Napatingin siya sa kamay nito kaya nakita niya ang singsing na suot nito na mukhang engagement ring. “Totoo ngang ikakasal ka na? Bakit May Ann?” sunod-sunod niyang tanong. Ang sakit ng kanyang puso ng mga oras na iyon. Kailanman ay hindi siya tumingin sa ibang babae dahil alam ng kanyang puso na si May Ann lamang ang kanyang mahal at wala ng iba. Alam niyag pagbalik niya ng Pilipinas ay babalikan niya ito. “Nandito ak ngayon para balikan ka,” wika niya pang nagsusumamo sa babae. “Ikakasal na ako kay Johnny at ayoko na ng gulo Hans. Kung ano man ang ating nakaraan ay mananatiling nakaraan na lamang. Marami nang nagbago at kasama na ang puso ko sa nagbagong yun,” sagot sa kanya ni May Ann. “I don’t believe you,” umiiling niyang sagot. “Alam kong mahal mo pa rin ako dahil yun ang nararamdaman ko para sayo,” giit niya pa. Walang nagawa si May Ann nang yakapin niya ito nang mahigpit. “I miss you, May Ann. Mahal na mahal kita. Bumalik ako para sayo,” wika niya sa babae. Akala niya ay gaganti ito ng yakap dahil gumalaw ang kamay nito pero itinulak siya nito palayo.  Hindi niya lubos akalain na tinalikuran siya ng babaeng kanyang mahal at ipinagpalit sa kanyang bestfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD