VIVIAN DE VERA Binigyan nila ako ng bagong damit at nang makapagbihis ay pinalabas na ng lugar. Hindi ako pinuntahan ni Wynter at wala namang nanakit sa akin— sa katunayan ay naging mukha akong tanga sa loob sa kakahintay na may mag-claim sa akin. Like… what?! Bakit ko hinayaan na maging aso na naghihintay na may pumulot sa akin?! Anyway, tingin ko ay sinadya iyon ni Wynter para maghiganti sa akin. Pero bakit? Ano ang kasalanan ko? Nasa tama naman lahat ng pinaglalaban ko. Binigay ko pa nga ang sarili ko sa kanya. D-amn, what an experience. Hindi ko inakala na ibibigay ko ang lahat para sa misyon na ito. Para sa pangako nilang six-digits na bonus at lifetime na free meal ng Jobee. Nag-init ang magkabilang nang maalala ang mainit na tagpo namin ni Wynter. Bumabalik sa akin ang lahat n