VIVIAN DE VERA
Naglakad ako palayo sa grupo na iyon at hindi na bumalik sa ibabaw ng stage. Hindi ako pinipigilan ng mga bouncer dahil kilala nila kung sino ako. Napatigil ako dahil may nagpatong ng jacket sa aking balikat.
Nilingon ko iyon at nakita ang isang kalbo na lalaki at halos kasing-tangkad nito ang mga backetball player.
“The boss wants you to have this.”
Bumalik ang tingin ko sa pinanggalingan ko kanina. Nakataas ang isang sulok ng kanyang labi at itinaas nito ang baso na hawak.
Bumilis ang t***k ng aking puso at agad kong pinagpatuloy ang paglalakad. Sinuot ko sa magkabilang-manggas ang aking mga kamay at inayos ang aking buhok. Nang makarating sa pwesto namin ni Maan ay mabilis kong sininop ang aking mga gamit. Sinundan ako ni Maan palabas ng club hanggang sa makarating kami sa gitna ng parking lot.
“Vi, mukhang ikaw ang nanalo ngayon.”
Namula ang aking pisngi. “Hindi ko nga kilala kung sino iyon.”
“Base sa reaksyon ng mga stripper, mukhang ang lalaki na iyon ang pinaka-VIP sa lahat.”
Habang hinahanap ko ang susi ng aking sasakyan sa bag ay biglang may nahulog sa aking likuran. Sabay kaming lumingon ni Maan doon at nakita ang makapal na envelope na siniksik ng lalaki sa bra ko.
Pinulot ko iyon at binuksan.
Nanlaki ang mata ni Maan. “Woah! That’s a lot, bruh.”
Sa kapal ng pera sa loob niyon ay hindi na ako nagtaka kung paano iyon nag-stay na nakaipit sa bra ko. Pero nakakainis pa rin ang remarks ng lalaki na iyon sa aking magandang boobs!
“Mukhang mababayaran mo na lahat ng pinagkakautangan mo—”
“Maan, you promised!”
Ngumisi ito. “Fine, fine. Pero paano mo malalaman kung nakamagkano iyong mga kalaban mo, eh bigla ka nalang umalis?”
“Tatanungin ko nalang si Kuya.”
“Naku, magtataka iyon.”
“Pagtakpan mo nalang ako, Maan. Ako ang naging tulay mo para mapaibig mo si Kuya.”
Napabuntong-hininga ito at hinawi patalikod ang kanyang buhok.
“Alam mo, kapag talaga nalaman ng mga magulang mo—”
“For Pete’s sake, I’m already twenty-eight years old!”
“Yeah, you’re twenty-eight years old in an Asian household!”
Dahil may espiritu pa ng alak sa katawan ko kaya si Maan na ang nag-drive sa akin pauwi. Nang makarating sa tinutuluyan ko sa Beacon ay agad akong pumasok sa bathroom.
Hinubad ko ang suot na jacket at ibinagsak iyon sa lapag. Tinanggal ko ang aking bra at panty at bumagsak ang pera at kung kani-kaninong business card.
Tinitigan ko iyon at hindi pinulot. I opened the hot shower and stand below it. Unti-unti ay nahismasan ako habang umaagos ang tubig sa aking katawan.
Pumikit ako at hinayaan na tumama ang tubig sa aking mukha. Bigla ay pinakita ng aking isip ang lalaki.
Ang nagliliyab na mga mata nito.
Ang mapanuksong ngiti ng kanyang labi.
Ang hita nito na suporta sa akin upang makaupo ako sa ibabaw niya.
Ang mainit at malaking palad na humahaplos sa aking likuran.
Napasinghap ako at dumilat. Habol ko ang aking hininga. Napatingin ako sa baba at noon ko lang napagtanto na nasa pagitan na ng aking hita ang kamay ko.
No, no, no, what’s happening to me?
In-off ko ang shower at hintak ang towel mula sa hook. Itinapis ko iyon sa aking sarili at lumabas ng shower room. Tinitigan kong muli ang mga bagay na nasa lapag ngunit ang inabot ko lang ay ang itim na jacket.
Napakunot ang noo ko nang may mahulog na bagay mula roon. Yumuko ako at inabot ang papel upang buksan.
“Executive room, Ascott Bonifacio,” basa ko sa nakasulat sa papel.
Nilukot ko iyon at itinapon sa malapit na basurahan. Lumabas ako ng bathroom at kahit basa pa ang buhok ay humiga na ako sa kama.
Asa siya na pupuntahan ko siya! Duh, isa akong dalagang Pilipina na may kaunting kapusukan.
Kinabukasan ay pumasok ako ng trabaho, pinagpasalamat ko na hindi ako nagka-hang-over. Na-late lang ng isang oras pero atleast hindi absent.
Pinatawag ako ng boss ko kahit hindi pa ako nakakapagkape. Seryoso ba siya? Hindi pa ako nagkakape tapos kakausapin niya ako?
Matapang ata siya ngayon.
Sir, hindi pa ako nagkakape!
Nakasimangot ako na pumasok sa office niya— muntik pa akong magdabog. Nakasunod ang mga mata niya sa akin hanggang sa makaupo ako upuan na nasa harap ng kanyang mesa.
“Vivian De Vera, huling chance na ang ibibigay ko sa iyo. Huli na ito. Naiintindihan mo ba, Miss De Vera?”
Yumuko ako at tumango.
“Nalulugi lang sa iyo ang studio na ito. Binabayaran ka namin ng buo pero lahat ng misyon mo ay palpak.”
“Sorry po.”
“Iyan! Diyan ka magaling— ang mag-sorry. Pero nakakain ba kami niyan? Napapasahod ba kami niyan? Marami na tayong clients na umaalis dahil hindi natin magawa ng maayos ang trabaho natin. Nagbabayad sila pero ano— wala tayong maibigay!”
“Sir, sinusubukan ko naman po. Talagang magaling lang magsipagtago ng baho ang mga asawa nila.”
“Hindi iyan rason!” Hindi maiwasan na tumaas ang boses nito.
Naihilamos ni boss ang kanyang palad sa mukha at matalim na tumingin sa akin. Huminga siya ng malalim at binuksan ang drawer sa gilid.
Umayos siya ng upo at inilapag ang folder sa ibabaw ng kanyang mesa. “Iyan ang huling misyon mo.”
Kinuha ko ang folder at binuksan. Nagulat ako nang makita ang mukha ng best friend ng mommy ko at pati ang asawa nito.
“Ang sabi ng mister ay isang linggo ng lumalabas ang asawa niya at nagche-check-in sa Ascott. Pagkatapos ay umaga na umuuwi. Ang dahilan ng babae ay mas malapit iyon sa opisina niya kaya roon siya nag-i-stay kapag may overtime. Ang kutob ni mister, bata pa ang lalaki na dine-date ni misis at iyon ang dapat nating malaman.”
Napalunok ako habang pinapakinggan ang eksplanasyon ng boss ko.
“Nagbayad ng buo ang asawang lalaki para mahuli ang lalaki ng babae niya. Nasa proseso sila ng dibursyo at kailangan niya ng proof sa panlalaki ng asawa niya para hindi mahati ang yaman ng lalaki.”
“Uhm, okay po. Sige po, sir.”
Tumango si boss at tumayo na ako para lumabas. Hindi ko akalain na magagawa ni Tita Miriam ang mga bagay na ito.
Palagi akong namamasko sa kanila at lagi silang may regalo sa akin. Hindi niya magagawa ito, mababait sila. Kapag umuuwi sila galing Vietnam ay lagi silang may pasalubong na rattan bag sa akin— hindi niya ito magagawa.
Hindi ko alam kung ano ang connect sa mga iniisip ko pero hindi ko talaga matanggap na may ganitong ganap sa buhay ni Tita Miriam.
Tita, paano mo ito nagawa ito kay tito?! Hindi ko alam na pangarap mo palang maging sugar mommy— pwede mo naman sa akin ibigay lahat ng sobrang pera mo!
Sinimulan ko ang preparasyon. Ginamit ko ang lahat ng aking koneksyon upang malaman kung ano ang pinapasukan ni Tita Miriam na room at kung anong oras siya pumupunta ng Ascott. Mabuti nalang at magaling na hacker si Amelia Catapang, agad niyang na-secure ang mga CCTV ng residence.
Inabot ng isang linggo bago ako makabuo ng game plan.
Nang sumapit ang dilim ay inihanda ko ang aking camera at inilagay iyon sa espesyal na bag para hindi mahalata ng kahit na sino.
Nagsuot ako ng itim na shades at pinili na suotin ang itim na off shoulder dress. Ibinagsak ko ang aking buhok at nagsuot ng itim na beret.
Nauna akong dumating sa Ascott at umupo sa tagong bahagi ng lobby upang hintayin ang pagdating ni Tita Miriam.
Ilang oras lang ay dumating si Tita Miriam sa lobby, ngunit labis ang aking pagkadismaya nang wala itong kasama. Mabilis ang kanyang paglalakad sa elevator, sinamantala ko ang dami ng tao na sumakay sa elevator.
Mabilis ang pintig ng aking puso habang papataas kami. Siguradong hindi niya ako makikilala dahil madalas kaming nagkikita na hindi ako nakaayos. Paglabas niya ng elevator ay hnaglaan ako ng dalawang metro na distansya bago ko siya sundan.
Iniharang ko ng kaunti ang buhok ko sa aking mukha.
Lumingon siya sa akin ngunit pinanatili ko ang normal kong lakad upang hindi niya isipin na isa akong stalker. Kapag nalaman ko kung saan siya papasok ay saka ako magbu-book ng accommodation sa katapat na building ng Ascott.
Huminto siya at hinawakan ang doorknob kaya napahinto rin ako. Lumingon siya sa akin at agad akong huminto sa katabing pinto at kumatok roon. Kumunot ang noo ng hindi pa rin nagbubukas ang pinto ko.
Napakagat ako sa aking ibabang labi at nanalangin na sana ay magbukas sa akin ng pinto.
Gusto ko pa po na magkatrabaho.
Mukhang dininig ng Panginoon ang aking panalangin at umawang ang pinto. Agad kong tinulak iyon upang makapasok at pagkatapos ay idinikit ang pisngi sa nakasarang pintuan.
Nagdiwang ang aking isipan nang marinig ang pag-click ng pinto sa katabing silid. Umayos ako ng tayo upang pasalamatan ang anghel ko.
Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ang lalaki na nakahilig sa dingding habang nakaguhit ang mapanuksong ngiti sa kanyang labi.
Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto na ang lalaki na sinayawan ko sa club at ang lalaki na ito ay iisa!
“Ikaw?!”
“You came,” he responded.