Chapter 6. Meeting

1668 Words
RYAN DELA CRUZ Para akong mababaliw maghapon sa Lee Tower dahil sa mga trabahong hindi naman bukal sa puso ko. Idagdag pa ang pagiging lutang ko maghapon dahil sa pag-iisip kung sino ang walang’yang Joseph na binanggit ni Ryza habang tulog siya. Agad kong dinukot ang cell phone ko nang mag-beep 'yon. Habang nasa elevator, binasa ko muna ang pumasok na text. "Instead of 6, let's meet at 8 pm. -Wynter." Hindi naka-save sa 'kin ang number niya, pero dahil nagpakilala siya, hindi na ako nagtanong pa. Hindi rin ako nag-reply dahil wala naman akong balak sumipot. Ang naging usapan namin ni lolo ay hindi na niya ako pipilitin makipag-date kay Wynter as long as may mapili na akong pakasalan agad sa mga ipinakilala niya sa akin. At ngayong buwan daw ay kailangan ko na itong ipakilala sa kaniya. He knew about me dating Ryza Samson pero alam niyang hindi pa kami official. At ang sabi niya sa akin, kung sasagutin daw ako ni Ryza, they will arrange our marriage right away. Pero kung hindi naman, they will arrange me to someone else instead at ang option nilang 'yon ay alam kong walang iba kun'di si Wynter Juarez. “You’re going home?” Kalalabas ko lamang sa elevator nang marinig ang boses ni Tito Philip—daddy ni Kuya Asyong—kaya tumigil muna ako saglit para lingunin siya sa likuran ko. “Yes, sir.” Sabay niyuko ko nang bahagya ang aking ulo para magbigay galang. Kasama niya kasi ang asawa niya—stepmom ni Kuya Ace—si Margarette na impaktita. Mukhang pauwi na rin sila. Sabagay, uwian naman na. “You don’t have to call me sir. Tito is fine.” Bahagya siyang ngumiti sa akin. Palagi niya ‘yon sinasabi pero hindi ko magawang sundin. Alam niyo kung bakit? “Kapag narito tayo sa company, he needs to address you properly, honey,” baling ng impaktita kay Tito Philip. And she was the reason kaya hindi ko magawang tawagin ng tito lang ang daddy ni Kuya Ace rito dahil kapag narinig niya ‘yon ay iba na agad ang tingin na ipupukol niya sa akin. Kung lalaki nga lang siya ay baka binato ko na siya ng black shoes kong may kaunting takong. “Mauna na po ako.” Kay Tito Philip lang ako nakatingin. “Kina Kuya Ace po muna ‘ko uuwi ngayon. They're expecting me for dinner, so I gotta go.” Ngumiti ako nang bahagya bago tuluyang tumalikod. Ang totoo, mabait naman sa ‘kin si Tito Philip. Ang asawa niya lang talaga ang problema. At kahit nabanggit na sa kaniya ni lolo noon ang tungkol sa pagkatao nito ay hindi niya nagawang hiwalayan. Patuloy pa rin silang nagsasama dahil ang sabi niya ay nakaraan na raw ‘yon at nagbago na raw ang impaktang ‘yon. Napaniwala kasi siya nito sa ginawa nitong paghingi ng tawad sa akin noong nalaman namin na siya ang nag-deposit ng milyong pera sa account ko para pag-isipan ako ng masama ni lolo. Personal din itong humingi ng tawad sa ginawa niyang pag-uutos kay Nelia—katulong sa mansyon—para lagyan ng lason ang pagkain ko. Pero hindi naman ako bobo o tanga para paniwalaang ayos na kami dahil malakas ang pakiramdam ko na ginawa niya lang ‘yon dahil kay lolo. Para mawala ang galit nito sa kaniya. Pero alam kong kahit si lolo ay hindi na gano’n katiwala sa kaniya. Pansin ko ang panlalamig nito simula noong nalaman nila ang mabahong pagkatao niya. Pinakikisamahan na lang siya ni lolo dahil kay Tito Philip. “Tito Betlog!” Sumalubong agad sa akin ang tatlong itlog nang marinig nila akong dumating. Kapapasok ko lamang sa pinto. Si Summer din ay nakikitakbo-takbo na palapit sa akin. Pero sa halip na salubungin ko sila ay tumakbo ako palayo. Alam ko kasing kukubabaw na naman ang mga kurimaw na ‘to sa kin. Lalo na si Hope na gusto ay laging sumasakay sa batok ko. “Teka! Pagod ako!” Umiwas ako sa kanila at tumakbo papunta sa sala, pero tumakbo rin sila para sundan ako. Si Summer ay tuwang-tuwa pang nakikisali sa paghabol sa akin at may pagtili-tili pang kasama. “Teka lang! Para naman kayong mga itik na humahabol sa inahin!” Nagdesisyon na akong huminto at umupo na lamang sa couch dahil mas lalo lang akong mapapagod sa pagtakbo kung hindi nila ako titigilan. “Oh, ayan! Sige! Come to papa!” Ibinuka ko ang mga braso ko para salubungin sila. “Tito Betlog!” Unang nakarating sa akin si Hope na agad tumungtong sa couch at pumuwesto sa likuran ko habang nakapalupot ang mga kamay sa leeg ko. Si Faith naman ay kumandong sa akin, gano’n din si Love na mukhang good mood ngayon kaya nakikisali sa mga kapatid niya. Sa tig-isang hita ko sila naupo ni Faith at ang pinakahuling nakarating sa finish line dahil maliliit ang biyas ay ang cute na si Summer. Yumakap na lamang siya sa mga tuhod ko dahil wala na siyang puwesto. “Bakit ba nag-uunahan kayo sa ‘kin? Wala naman akong pasalubong! Kaguwapuhan lang ang dala ko!” “Mas g’wapo kami sa’yo!” maagap na sagot ni Hope, ngunit agad din niya ‘yon dinugtungan. “But since tito ka namin, sige, payag na kami na g’wapo ka!” Napatawa ako nang mahina. Magsasalita pa sana ako pero bigla kong narinig ang boses ni Keycee. “Hindi ako papayag. Mas g’wapo si daddy n’yo!” Nag-angat ako ng tingin at nakita kong palapit na sila ni Kuya Asyong ngayon sa direksyon namin. Pangbahay lang ang suot nila. Pareho silang naka-shorts at plain lang na t-shirt, habang ako naman ay pormang-porma sa suot kong black suit. Daig ko pa ang CEO ng company. Well, sinasanay na ako ni lolo dahil ayon sa kaniya ay ako raw ang papalit sa kaniya bilang CEO. Tsk. Malaking gulo 'yon. “Syempre, asawa mo ‘yan, e!” sagot ko naman nang makalapit na sila sa amin. Naupo sila sa katapat na couch kaya agad kumalas si Summer sa binti ko at lumipat na lamang sa daddy niya. Sa kandungan nito siya naupo kaya solo niya ang trono. Si Love rin ay lumipat na sa tabi ni Keycee, habang naiwan naman sa akin si Hope at Faith. “How is it going?” baling sa akin ni Kuya Asyong. “Sa company,” he added. “If you’re that worried, why don’t you find out yourself?” Medyo sumeryoso na ako, dahil kapag usapang company ay depression ang inaabot ko. “Ikaw ang dapat naroon, hindi ako. Hindi ko puso ang business. Vlogging is life, bro!” “Mas lalo na ‘ko. Si Keycee lang ang nasa puso ko at ang mga bata,” maagap niyang sagot. I smirked at his answers, pero si Keycee na nasa tabi niya ay halatang kilig na kilig. “Sus! Dati rin namang nasa puso ko si Keycee. Hindi nga lang s’ya nagtagal dahil hindi ko nai-lock ang pinto. Nakawala tuloy at naligaw sa puso mo," I joked. “Pero ngayon natuto na ‘kong magsara ng pinto. I will make sure na hindi na makakalabas dito si Ryza.” Sabay turo sa tapat ng puso ko. Bigla namang kinapa ni Hope ang dibdib ko dahil nasa likod ko siya. “Where’s the door? I’m gonna open it.” Pero bigla akong natahimik nang sumagi na naman sa isip ko si Ryza pati na rin ang pangalang Joseph na binanggit niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin siya nakakausap tungkol doon dahil naging busy kami pareho matapos ang nangyari sa amin sa condo niya. “Bakit bigla kang natahimik?” Nabaling ang tingin ko kay Keycee dahil sa tanong niya. "H'wag mo sabihing hindi ka pa nga sinasagot, pero break na agad kayo?" Tinawanan niya pa ako. Napabuntong-hininga naman ako. “H’wag n’yo muna ‘ko kausapin. Depressed ako.” “Spell depressed, Tito Betlog.” Nangingiti akong tinitigan ni Love Andrei. Ang dami ko na ngang problema, dinagdagan niya pa. “Joke lang. Sad lang talaga ako. Tara na. Kain na tayo, baka gutom lang ‘to.” *** Masaya ang naging dinner namin kaya kahit papaano ay nabawasan ang pag-iisip ko tungkol sa misteryosong Joseph na 'yon. Nagdesisyon muna ulit akong dito matulog ngayong gabi tutal ay parang ito ang pangalawang tahanan ko bukod sa mansyon ni lolo. 'Yung isang guestroom nga ay naging permanenteng kwarto ko na at halos naroon na rin ang ibang mga gamit ko. Sinablay ko ang maliit na towel sa balikat ko matapos kong tuyuin mabuti ang buhok ko. Katatapos kong mag-shower. Paglabas ko sa banyo, sa kama agad ako lumapit para damputin ang cell phone kong nakapatong doon dahil nakita ko 'yon nakailaw. "Ryan, you free tonight? P'wede ba tayong magkita? I miss you..." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa text ni Ryza o kikiligin. Pero nakumpirma ko ang sagot nang mag-angat ako ng tingin sa salamin at nakita ko ang sarili kong nakangiti. H@yop. Gano'n lang, kinilig agad ako? Ni hindi ko pa nga kilala kung sino 'yung Joseph na binabanggit niya sa pagtulog niya! "Ano'ng gagawin natin?" nakangiti kong reply sa kaniya. Dito lang ako kay Ryza natutong lumandi. Naupo muna ako sa gilid ng kama habang hinihintay ang reply niya. Ilang sandali pa ay natanggap ko na 'yon. "I have something to tell you and I know you've been waiting for it." Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko. Tungkol kay Joseph kaya? Agad akong nag-type ng reply. "Where are you?" "Grace Hotel. Room 5117." Wow. Hotel? Bago 'to, ah? Ayaw niya ba sa condo niya? Hindi na ako nag-reply. Nagbihis na agad ako. Paglabas ko sa kwarto, nasalubong ko pa si Kuya Asyong at tinanong ako nito. "Sa'n ka pupunta?" "To the moon," sagot ko nang hindi siya nililingon, patuloy pa rin sa paglakad. "Bulok na 'yan. Wala bang iba?" "Wala ng iba. S'ya lang talaga."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD