RYAN DELA CRUZ
Pagdating ko sa Grace Hotel, agad akong lumapit sa receptionist na nasa lobby. "Do you have a reservation, sir?" ngiting-ngiting tanong niya sa 'kin.
"Yes. It's under the name of Ryza Samson," simple kong sagot at bahagya rin siyang ginantihan ng ngiti.
She tapped the keyboard several times and glanced up at the monitor in front of her. After waiting for a few moments, may kinuha siyang key card at inabot 'yon sa 'kin. "Here, sir."
"Thank you." Umalis na 'ko at agad na tinungo ang elevator. Pagpasok ko ro'n, kinuha ko muna ang cell phone sa bulsa ko at saka tinawagan si Ryza. "I'm going up," bungad ko nang sumagot siya.
"Waiting. Careful." Napangiti ako nang malapad bago ko muling ibalik sa bulsa ang cell phone ko.
Ano kaya'ng sasabihin n'ya? Sasagutin na kaya n'ya 'ko?
Agad kong inayos ang sarili ko nang maramdaman kong huminto na ang elevator. Baka kasi may makakita sa 'kin sa labas at akalain pang baliw ako dahil nakangiti mag-isa.
Madali ko lang natunton ang kwartong okupado ni Ryza dahil alam ko naman ang room number no'n. Hindi ko na rin kinailangan pindutin ang doorbell dahil may key card naman ako. Nang mabuksan ko ang pinto, agad akong pumasok sa loob.
Tahimik sa kwarto at wala akong naririnig na kahit ano'ng ingay. Wala rin akong nakitang tao nang igala ko mga mata ko. Nasaan si Ryza? Patuloy akong humakbang hanggang sa makarating ako sa balcony ng hotel room na kinaroroonan ko.
Naagaw ang atensyon ko nang makita ang cell phone na nakapatong sa mesa na alam kong pag-aari ni Ryza kaya kahit papa'no gumaan ang pakiramdam ko.
"Baby?" Nagsimula na 'ko sa pagtawag sa kaniya nang muli akong bumalik sa loob. Ilang sandali pa, napalingon ako sa gawing pinto nang marinig ko 'yon na bumukas.
"You're here na pala." Siya ang nakita kong pumasok at malapad ang ngiti niya sa 'kin. May bitbit siyang bote ng red wine at dalawang glass. Mukhang 'yon ang dahilan kung bakit hindi ko siya inabutan dito.
"Akala ko tinakasan mo na 'ko," I joked.
"Why would I?" natatawa niyang sagot at saka siya humakbang palapit sa kama. At kahit hindi niya ako utusan, kusa kong kinuha ang isang bilog at maliit na mesa, binuhat ko 'yon at nilipat sa harap niya bago ko siya tabihan sa gilid. "Thanks." Sabay patong ng hawak niya roon.
"Ano'ng sasabihin mo sa 'kin? Good news ba o bad news?" Nakangiti ko siyang binalingan. "At para saan 'yang wine?" Ngumuso pa 'ko sa bote.
"Ano ba ang gusto mong una kong sagutin? Kung para saan ang wine or kung ano ang pag-uusapan natin?" She smiled at me too. Pati itlog ko tuloy kinikilig, hayop.
"Yung wine na lang muna. Kung para saan," I told her. Medyo kabado 'ko sa sasabihin niya kaya wine na lang muna ang gusto kong alamin.
Sinlyapan niya ang bote at saglit 'yon pinagmasdan bago niya 'ko muling tingnan. "It's to celebrate our first day as a couple." Ngumiti siya bigla, habang ako naman, napakurap nang ilang ulit.
"Couple? Hindi mo pa nga ako sinasagot." Seryoso ko siyang tiningnan, pero panay lang ang ngiti niya sa 'kin. Napaisip tuloy ako kahit parang wala naman akong isip.
Mukhang hindi na rin siya nakatiis kaya siya na ang tumapos sa katahimikang namagitan sa amin sa ilang sandali.
"Ryan, you're so slow. Pero okay lang, cute ka naman." She smiled bago muling ituloy ang sasabihin. "I asked you to come here para ipaalam sa'yo na...sinasagot na kita."
My eyes widened, as well as my mouth. Napatakip pa 'ko sa bibig ko dahil sa sinabi niya. Hindi naman siguro 'ko nananaginip, 'di ba?
Slap!
Sinampal ko pa sarili kong pisngi para lang mapatunayang nasa reyalidad ako ngayon. At nang maramdaman ko ang sakit no'n, agad akong napangiti. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko dahil bigla ko siyang niyakap habang nakaupo pa rin kami sa gilid ng kama.
"Totoo nga. Hindi ako nananaginip..." I whispered. "Tagal ko 'tong hinintay. Three years." Bumitaw ako at muli siyang hinarap. "Pakasal na tayo agad, Ryza. And I'll do everything to make you the happiest woman on earth."
Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. Nasanay yata siyang lagi akong nagjo-joke kaya tinatawanan lang ako.
"Let’s enjoy muna, Ryan. Hindi rin maganda minsan kapag minamadali ang mga bagay-bagay. May tamang pagkakataon para sa lahat." Buntong-hininga naman ang naisagot ko sa kaniya.
Mukha ngang hindi ko siya mapipilit. Pero masaya pa rin naman ako dahil at least, kami na. Siguro naman hindi na 'ko pipilitin pa ni lolo na magpakasal kay Wynter Juarez kapag nalaman niyang girlfriend ko na si Ryza.
"Sige. Ikaw ang masusunod. Ikaw commander ko." Ngitian ko rin siya. "Basta whenever you're ready, I'm always here lang sa geldi. Tamang hintay lang sa'yo."
Bahagya ulit siyang natawa sa sinabi ko. "Now, could you open the wine for us?" Sabay sulyap niya sa bote.
"Sure thing, darling ko." Nakangiti ko naman 'yon inabot. Sinubukan kong alisin ang cork no'n na nagsisilbing takip gamit ang corkscrew.
Nang maalis ko 'yon, agad kong sinalinan ang dalawang wine glass na nakapatong sa mesa. Saka namin 'yon inabot. Nakangiti naming hinarap ang isa’t-isa at bahagyang pinag-untog ang baso bago dalhin sa bibig namin.
Matapos kong lumagok, binalingan ko siya at pinagmasdan ang maamo niyang mukha. Ang sarap niya talaga titigan. Hindi nakakasawa.
"Bakit?" taka niyang tanong nang mapansin ako.
"Ang ganda mo. May kamukha ka."
"Huh?" Kumunot ang noo niya sa pagtataka. "Sino?"
"Kamukha mo 'yung mapapangasawa ko. Kapangalan mo rin. Ryza." We smiled at each other bago ako dumukwang para abutin ang labi niya.
I kissed her at wala siyang naging pagprotesta kaya naman inilapag ko sa mesa ang hawak kong glass. Sunod kong inabot ang sa kaniya nang hindi naglalayo ang mga labi namin, at inilapag din 'yon katabi ng sa 'kin.
Nagpatuloy ang halikan namin hanggang sa gumala na rin ang mga kamay ko sa likuran niya. I rubbed her back bago ko naisipang hilahin ang tali ng dress niyang naka-ribbon doon sa likod.
Tumigil siya sa paghalik sa labi ko at bumaba ang labi niya sa leeg ko. And I'm loving it kaya napapikit pa 'ko.
Pero ilang sandali pa, may bigla akong naalala, dahilan para imulat ko ang mga mata ko. Hinawakan ko rin siya sa magkabilang balikat at bahagyang inilayo sa katawan ko. Nang magkaharap na kami, doon ko siya tinanong.
"Sino pala si Joseph?" Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng reaksyon niya. Mukhang nagulat pa siya dahil sa bahagyang pamimilog ng mga mata niya. Even her lips parted as if she wanted to say something but she couldn't continue.
"S-Sinong...Joseph?"
"Ewan ko sa'yo. Ikaw nagbanggit sa kan'ya habang tulog ka. Nu'ng nandoon tayo sa condo mo after we...you know." I shrugged my shoulder dahil alam kong maiintindihan naman niya ang ibig kong sabihin.
"Ah. Baka nanaginip lang ako." Bahagya siyang tumawa at saka muling inabot ang wine glass niya na meron pa rin laman. She brought it to her mouth and swallowed a little. Napansin kong parang kinakabahan siya, halata 'yon sa mga mata niyang hindi na makatingin sa 'kin, pati na rin sa labi niyang bahagyang nanginginig nang muli siyang lumagok ng wine. And I couldn't help but wonder who that alien was. "Ryan..." She turned to me. "Parang sumama pakiramdam ko. How about going home?"
Parang bigla pa 'kong nagsisi na tinanong ko ang Joseph na 'yon. Hindi pa man lang kami naka-isang round. Pero ayoko naman siyang pilitin lalo pa at tumamlay siya bigla.
"Sige. Dala mo ba sasakyan mo?" I asked worriedly.
"Oo."
"Iwanan mo na lang muna rito. Ihahatid na lang kita. Baka hindi ka makapag-drive—"
"It's fine, Ryan. Kaya ko naman. I can drive alone. Hindi ko rin naman p'wedeng iwan dito ang sasakyan ko at maaga akong aalis bukas ng umaga, bibista ako sa mga bagong branch ng café."
Hindi na 'ko umapila pa at bahagya na lang tumango. Pero p*ta ang sarap kumanta ng, 'Nanghihinayang...nanghihinayang ang puso ko...'
Makaka-score na sana ulit, naging bato pa.
***
Hinatid ko siya sa labas at hinintay na tuluyang makaalis bago ako pumunta sa sarili kong sasakyan. Badtrip talaga. Bakit kasi kailangan ko pang alamin kung sino ang hayop na 'yon?
Binuksan ko ang pinto, papasok na sana 'ko sa loob ng sasakyan, pero natigilan ako sa pagtunog ng cell phone ko.
Dinukot ko 'yon sa bulsa ko at agad tiningnan ang screen. Number lang ang nakita ko pero hindi ako nagdalawang-isip na sagutin.
"Sino 'to?" bungad ko. Ramdam ko pa ang pagsasalubong ng mga kilay ko dahil badtrip pa rin ako sa hindi natuloy na ganap namin ni Ryza.
"Wynter. Where are you?" Ah. Oo nga pala. Alas otso pala dapat ang meet-up namin. Pero wala naman akong sinabi sa kaniya kanina na pupunta 'ko.
"Hindi na natin kailangan pang magkita, Miss Wynter."
"Kailangan, Ryan. I have a propasal." Teka? Bakit parang pamilyar ang boses niya? Parang boses ni Ryza. Ryza Lopez na kaibigan ni Keycee.
"Saan?" wala sa sarili kong tanong. Ayoko sana at wala talaga sa isip kong pumunta, pero na-curious ako dahil sa boses niya. Iba ang boses ng nauna kong na-meet na Wynter sa restaurant kaysa sa boses niya ngayon sa cell phone.
"Grace Hotel." Napatingala agad ako sa mataas na building sa harap ko kung saan kami nanggaling ni Ryza. Kitang-kita ang malaking pangalan ng hotel sa taas na nagliliwanag. Grace Hotel.
Ibig sabihin narito rin siya?
"Room?" I asked.
"5116. Punta ka na lang sa front desk. Tell them na kasama kita. Hanz Juarez ang sabihin mong pangalan ng nagpa-reserved ng room."
"May kasama ka d'yan?" Nagsalubong ang mga kilay ko.
"Tanga, wala! Kuya ko 'yon!" Tanga? Close ba kami para pagsabihan niya ako no'n?
Napairap pa 'ko sa inis bago humakbang pabalik sa loob. Sinunod ko na lang ang intructions niya. At gaya rin kanina, binigyan ulit ako ng key card ng babaeng nasa front desk.
Ngayon ko lang din napansin na magkatabi lang ang room na kinaroroonan namin ni Ryza kanina, sa kwartong binanggit sa 'kin ng Juarez na 'to.
At dahil hindi ako gano'n kapanatag sa babaeng 'to, hindi ko ginamit ang key card na dala ko. I used the doorbell para pagbuksan niya na lang ako.
After I waited for a while, someone finally opened the door, and I was even more surprised when Ryza appeared in front of me. Si Ryza Lopez na kaibigan ni Keycee.
"Ryza?"