RYAN DELA CRUZ “Tito Betlog!” Boses ‘yon ni Faith. Sunud-sunod na katok din sa pinto ang narinig ko. “Breakfast na raw,” bungad niya sa ‘kin nang pagbuksan ko siya ng pinto. Kaliligo ko lang kaya nakaikot pa ang towel sa bewang ko. “Nasa’n si Hope? Sinumbong ba ‘ko no’n sa mommy at daddy mo?” tanong ko sa kaniya. He shrugged his tiny shoulders before answering. “I don’t know.” “Wow. English ‘yon, ah? Spell mo nga?” pang-aasar ko sa kaniya. “Hindi mo po ba alam spelling kaya mo tinatanong? Kawawa ka naman.” Napailing pa siya bago ako talikuran. Teka? Napasama pa yata pagtatanong ko. Ako pa nagmukhang tanga. “Sabihin mo susunod na ‘ko! Magpapapogi lang!” sigaw ko sa kaniya, tutal hindi pa naman siya nakakalayo. Nang maisara ko na ang pinto, agad na ‘kong humakbang palapit sa cabine