Chapter 18

1173 Words
ARAW ng linggo at walang pasok sa trabaho si Kier. Pero kinakailangan niyang pumunta sa Enchanted Perfumes Corporation for an important document nang mamataan niya ang isang babaeng naka t-shirt, loose pants at rubber shoes na tila hinang-hina sa pagtakbo habang hinahabol ng isang lalaki. Naabutan nito ang babae at nakita niyang nagpupumiglas ito sa pagkakahawak ng lalaki. Mabilis na pinaandar niya ang sasakyan at nang mapatapat sa lalaki ay sinigawan niya ito. "Hoy! Ano ‘yan?" "Huwag kang makialam dito! Girlfriend ko ito!" Tila bibigay ang babae at hindi siya maaaring magkamali! Si Fatima ‘yon! Mabilis siyang napababa ng kotse at kaagad na inundayan ng suntok ang lalaki. "Walanghiya ka! Paano mong naging girlfriend ‘yan, e, kapatid 'yan ng kaibigan ko!" sigaw ni Kier sa lalaki. Pakiramdam naman ni Fatima ay matutumba na siya dahil sa sobrang pagkahilong nadarama. Blurred ang mukha ng lalaking naging tagapagligtas niya. Napasapo siya sa noo hanggang sa mawalan ng malay. Dalawang suntok at dalawang tadyak ang pinatikim ni Kier sa lalaki bago ito nagtatakbo patungo sa isang taksi sa di-kalayuan. Nakalugmok na ang babae sa bangketa at dinaluhan niya ito. Nagdalang habag siya kay Fatima. Mula nang makabalik ng Pilipinas, hindi pa siya nakakadalaw sa bahay ng pamilya Madrid. Nalaman niya kasing out of the country ang kaibigag si Tristan. Nang una silang magkita ni Fatima ay hindi niya pinahalata sa babae na sobrang na amazed siya sa bagong looks nito. Hindi niya inaasahang gano'n ito kaganda at kaseksi ngayon. Isinakay ni Kier sa kotse ang babae na tuluyan nang nawalan ng malay. Mabuti na lang at nakita niya ito. Sa puntong ito ay nagkaroon siya ng pagkakataon na sipating mabuti ang mukha ng walang malay na babae. Maganda pa rin si Fatima. Lalong pumuti at kuminis ang kutis. Dalagang-dalaga na ang babaeng kinukulit niya noon. Napakagandang dalaga. May boyfriend na kaya siya? Sana lang ay wala. WALA pa rin malay si Fatima nang sumapit sila sa bahay ng pamilya Madrid. Pinangko niya ito at gulat na gulat si Tila Elena nang makita ang anak nito na walang malay. Inilapag ni Kier ang babae sa sofa. "Ano ang nangyari sa kanya?" "Hindi ko alam ang tunay na istorya, Tita Elena. Basta ang nakita ko kanina ay hinahabol siya ng taxi driver habang hilong-talilong na siya." "Iyan na nga ang sinasabi ko! Madalas ko siyang pagsabihan na 'wag sasakay ng taksi o kung anuman pampasaherong sasakyan kung mag-isa lang siya. Ang tigas ng ulo!" histerikal na react ni Tita Elena. Larawan ng matinding takot para sa anak na dalaga. "Maraming salamat sa 'yo, Kier. Kung hindi mo siya nakita baka may masamang nangyari na sa anak ko.” "Sige po. Aalis na ako. Pupunta kasi ako sa Enchanted Perfumes." "Sige, mag-iingat ka. Maraming salamat." NANG magkamalay si Fatima ay nabuglawan niya ang kanyang ina na nakatunghay sa kanya. "Mom!" parang batang nasukol na react niya. Yumakap siya rito. Napaiyak sa matinding takot. "Ano ang nangyari sa ‘yo?" Sa pagitan ng paghikbi ay ikinuwento niya sa ina ang naging karanasan sa salbaheng taxi driver. "Mabuti na lang po hindi ako nagpadaig sa takot." "Nakuha mo ba ang plate number ng taxi niya? Ipapadampot ko siya kaagad." “Nakuha ko po, Mom. Nasa cell phone ko.” "Ibigay mo sa ‘kin mamaya at pupunta tayo sa presinto." Tumango siya. Pinahid niya ang luha sa mga mata gamit ang hintuturong daliri. "Alam mo ba kung sino ang nagligtas sa ‘yo? Mabuti na lang at nakita ka niya." Umiling siya. "S-sino po?" "Si Kier. Inihatid ka niya rito. Nakalugmok ka na raw sa kalsada kanina. Magpasalamat ka kay Kier." NAKARATING na rin sa kanyang ama ang sinapit niya kaya galit na galit ito. Maaga nitong tinapos ang business meeting at nagtungo sa presinto. Sa tulong ng cctv footage sa lugar na pinangyarihan ay nakilala ang taxi driver na si Manuel Roxas. May asawa ito at tatlong anak. Panay ang hingi ng tawad ni Mister Manuel Roxas sa mga magulang niya at nangako itong hindi na uulit. Naawa siya sa taxi driver dahil maliliit pa ang mga anak nito. Ngunit desidido siyang magsampa ng kaso laban dito. Kailangan pagbayaran nito ang ginawa sa kanya para hindi na makapag biktima pa ng iba at maging silbi na ring aral sa mga driver ng mga pampasaherong sasakyan. Bago naman sila umuwi ng bahay ay dumaan sila sa bahay ng pamilya Williams para magpasalamat sa kabayanihan na ginawa ni Kier sa kanya. Pero ayon sa ina nito, naroon pa raw sa kumpanya ang binata. "Hayaan mo, Fatima. Makakarating sa anak ko ang sinabi mo." "Thank you po, Tita." Hindi na rin naman sila nagtagal doon at umuwi na. Pagdating naman sa bahay nila ay sermon ang inabot niya sa kanyang ama. "Kabilin-bilinan namin sa ‘yo na ‘wag sasakay ng taxi kung mag-isa ka lang. Hindi ko nilalahat, pero karamihan ngayon ay hindi na mapagkatiwalaan." "I’m sorry, Dad." Nakayuko ang ulo niya. “Nasa talyer pa po kasi ang kotse ko kaya napilitan akong sumakay ng taxi.” "Sana ginamit mo muna ang kotse ni Tristan. Naka-park lang sa garahe ang sasakyan niya." Napasapo sa sariling noo nito ang ama. "Mabuti na lang at walang masamang nangyari sa ‘yo. Bukas, gamitin mo ang kotse ni Tristan ‘pag papasok ka sa trabaho. Ayoko nang maulit ito." "Yes, Dad." "Pumanhik ka na sa kuwarto mo para makapagpahinga," anang kanyang ina. Hinaplos nito ang kanyang buhok. Tumango siya at tumayo. Nakayuko ang ulo na naglakad siya patungong hagdan upang pumanhik sa second floor kung nasaan ang kanyang kuwarto. Nang makapasok na siya sa kanyang kuwarto ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kaibigan. Ayon kay Kim, napanood daw nito sa News TV ang nangyari sa kanya. Binanggit daw ng TV news anchor ang buong pangalan niya habang nag-re-report ito. "Gusto mo bang puntahan kita sa bahay n’yo?" "Naku, ‘wag na. Ligtas naman na ako at 'yon ang mahalaga." "Mabuti na lang at natakasan mo ang salbaheng driver na ‘yon." Halata sa tinig nito ang galit para sa driver. "May tumulong sa akin, Kim." "Nakilala mo ba ang 'yong tagapagligtas?" tanong pa ng kaibigan sa kanya. Huminga siya nang malalim. "Si Kier." "Talaga?" bulalas nito sa kabilang linya. "I knew it!" Nangunot ang noo niya sa sinabi nito. "Si Kier ang lalaking nakita ko sa restaurant na pinuntahan natin. Narito na pala ulit siya sa Pilipinas at ngayon ay naging hero mo pa." "Nagkataon lang ‘yon. Kahit naman siguro sino ay gagawin ang ginawa ni Kier." "Ikaw naman. Hindi mo ba matanggap na ang naging hero mo ay ang lalaking tinuring mong mortal enemy?" Narinig niya ang bungisngis nito sa kabilang linya. "Mantakin mo, sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit si Kier pa ang nakakita sa ‘yo? 'di ba parang pinagtagpo kayo ng tadhana." Napangiwi siya. "Kow, ang sabihin mo–pinagtagpo pero hindi tinadhana." Humagalpak naman ng tawa si Kim sa kabilang linya. “"Ibababa ko na ang telepono. Bye!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD