Chapter 17

1141 Words
"GIVE me enough time to study everything here," Kier said, gesturing to the folder. "I have talked to many company owners and I have to choose the best. Because it is for the benefit of our company." Tumango siya. "I understand, Mr. Williams." Abot-abot ang dasal niyang makuha ang deal na 'yon. Ngumiti ito. Pero nag-iwas siya ng tingin. Gusto sana niyang umalis na. Pero paano niya gagawin 'yon kung napakalaking bagay ang kailangan niya rito? Kailangan niyang ipapaalala sa sarili na ginagawa niya 'yon para sa kanyang career. "MABUTI at nagising ka na. Kanina ka pa hinihintay ng bisita natin," react ng ina, kausap ang ina ni Kier. "Tita Charo!" tuwang-tuwang reaksyon niya nang makita ito at patakbong bumaba ng hagdan. "Ikaw na ba ‘yan, Fatima?" hindi makapaniwalang tanong ni Tita Charo. Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. "Nang huli kitang makita sa amusement park kasama ang kaibigan mo ay sobrang taba mo pa. Mabuti naman at naisipan mong magpapayat." Ngumiti siya rito. "Ang ganda-ganda mo. Naku! Dapat ka nang makita ni Kier. Ewan ko sa kanya kung maka-get-over siya sa ganda mo. Tiyak na maging ang anak ko ay magugulat kapag nakita ka niya." Nagkita na po kami sa restaurant. ‘Yon sana ang gusto niyang sabihin pero iba ang salitang namutawi sa kanyang bibig. "Naku, baka naman paniwalaan ko ang sinabi mong ‘yan, Tita?" "Aba, totoo ang sinasabi ko. Kahit no'ng plus-size ka pa ay talagang maganda ka na." May iniabot ito sa kanya. "Perfumes ‘yan. Galing ‘yan sa anak ko." Napaawang ang bibig niya. "Siya mismo ang gumawa ng pabangong ‘yan nang naroon pa kami sa America." "Thank you, Tita." "Nasaan nga pala ang anak mo? Bakit hindi pa nagpapakita sa 'min?" tanong ng kanyang ina. Umalis ito saglit at nang bumalik sa sala ay kasama nito ang isang maid na may dalang orange juice at slice cake. "Umalis. Sinundo ang bruhang babae." "Bruhang babae?" ulit ng kanyang ina. "Oo. Isa siyang bruha. Dahil ayaw ko siya para sa anak ko. Mukhang masyadong high-maintenance na babae. Palaging naka-social ang attire kahit manonood lang sila ng sine. Tapos laging pinupuna ang suot ng anak ko. Ito ang isuot mo, 'wag 'yan ang isuot mo. Maganda naman magdala ng damit ang anak ko." True! Tumikhim siya. "Filipina ba siya?" tanong ulit ng kanyang ina. Umupo ito sa sofa sa tabi ni Tita Charo. "Fil-Am. Sa bansang America nakilala ng anak ko ang babaeng ‘yon." "Charo, kung mahal siya ng anak mo, wala kang magagawa kahit umayaw ka." Tumingin ang ina sa kanya. “‘Di ba, anak?” "Huh?" Ano naman ang kinalaman niya sa love life ni Kier. Siya nga walang love life. "Kung sabagay, ang sabi sa ‘kin ng anak ko ay magkaibigan lang sila. Pero hindi ako sigurado kung niloloko ako dahil alam niyang ayaw ko sa babaeng ‘yon." Kaya pala dead-ma ang beauty niya dahil may apple of the eye na si Kier. Hindi nga niya nakita sa mukha nitong nagulat nang makita siya. Paano niya pa maisasakatuparan ang balak napaghihiganti kay Kier kung may ibang babae na ang kumuha sa atensyon ng lalaki? Hindi siya makakapayag na hindi makaganti sa lalaking 'yon! Sayang ang effort niyang magpa-sexy kung hindi naman mapapansin ni Kier. "Tita, maiwan ko po muna kayo ni Mom. Excited akong gamitin ang perfume na bigay ni Kier," pagdadahilan niya. Tumango naman ito. NANG makapasok siya sa sariling kuwarto ay agad niyang binuksan ang paper bag. Tatlong pabango ang nakita niya. Binuksan niya ang isang box. Ayaw pa rin mag-sink in sa utak niya na binigyan siya ng pasalubong ni Kier. "Letter ‘F’?" Iyon ang letrang nabasa niya sa bote ng perfume. F–means forever perfume? Corny! Umupo siya sa ibabaw ng kama. Binuksan naman ang isa pang box na naglalaman ng perfume. Letter ‘A’ naman ang nakasulat sa bote ng pabango. Napapaisip siya kung bakit tila alphabet ang binigay na pangalan sa pabango. Unique! Nang mabuksan niya ang ikatlong box na naglalaman ng pabango ay pinagtabi-tabi niya ang mga ito. "F-A-T?" Sumulak ang dugo niya nang malaman kung ano ang ibig sabihin ng tatlong letrang ‘yon. "Kier…!" Fat–’yon ang madalas itawag sa kanya no'n ni Kier sa tuwing nagtatagpo ang kanilang mga landas. Kung hindi lang mukhang mamahalin ang mga pabango ay itatapon niya talaga ang mga 'yon sa basurahan. Upang mawala ang inis na nararamdaman ay nagpasya siyang pumunta sa mall. At dahil hindi pa naaayos ang kotse niya, lumabas siya ng subdivision at sumakay ng taksi patungong Mall. Gusto niya sanang makasama si Kim, pero ayaw niya itong abalahin dahil abala sa pag-re-renovate ng flower shop nito. "Kuya sa FM Mall lang po." Inabot niya one hundred pesos sa driver. "Okay." No'ng una ay okay pa ang patakbo ng driver. Pero bigla itong umiba ng ruta. Sa halip na lumiko sa kalyeng patungo sa Mall ay sa kalyeng pa-Manila ito lumiko. "Kuya, hindi tayo sa Manila papunta." "Iikot lang tayo dahil ma-traffic diyan sa daraanan natin." Bumilis ang t***k ng puso niya. Ramdam niyang may mangyayaring masama anytime kung hindi siya magiging alerto. Alam niyang hindi ito ang tamang daan at sinasadyang ibahin ng driver ang ruta. "Kuya, hindi nga ito ang daan patungo sa Mall." Hindi niya pinakita sa driver na kinakabahan siya sa mga sandaling 'yon. "Relaks ka lang, Miss Beautiful. Ako ang bahala sa ‘yo." Hindi siya sumagot. Lihim niyang dinukot sa bulsa ng kanyang shoulder bag ang ballpen at pepper spray. Napansin niyang balisa ang driver. May napansin rin siyang dalawang bote ng tubig sa tabi nito. Ang isa ay ininom nito at ang isa naman ay binuksan at binasa ang isang face towel na hawak. Nakita niyang iwinasiwas nito ang face towel sa tapat ng aircon. Naalarma siya. Marami na siyang napanood na balita sa telebisyon hinggil sa ganitong modus operandi. At medyo nakaramdam siya ng pagkahilo. "May masama kang binabalak sa 'kin dahil balak mo akong hiluhin sa likidong nilagay mo sa face towel. Pwes! Hindi ka magtatagumpay!" Bagamat nakakaramdam na siya ng pagkaliyo at panghihina sanhi sa masangsang na amoy ay mabilis niyang inilabas ang ballpen at saka pinagtutusok ang driver sa leeg. Napahiyaw ito nang malakas. Nanginginig ang kanyang mga kamay na itinapat sa mukha nito ang pepper spray. Iniiwas nito ang mukha pero nawala sa focus ng pagmamaneho. Sinamantala niya 'yon at mabilis na lumabas ng taksi. "Tulong! Please, tulong!" sigaw niya habang nagtatakbo. Nanghilakbot siya nang makitang lumabas ng taksi ang driver at tangka siyang habulin. Binilisan niya ang takbo pero mas mabilis ang lalaki at nangangalog na ang kanyang mga tuhod. Halos dalawang dipa na lang ang layo nito sa kanya. Bumagal ang pagtakbo niya. Epekto yata ng naamoy ay naramdaman niyang nanghihina na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD