Chapter 16

1060 Words
BUONG kompiyansang pumasok si Fatima sa loob ng restaurant. Makikipagkita siya sa vice presidente ng Enchanted Perfumes Corporation. Nalaman niya na ang vice presidente rin pala ang kasalukuyang namamahala ng kumpanya. Gaya ng dati, maganda pa rin ang takbo niyon at isa sa mga successful na kumpanya sa bansa. Kaya hindi siya nagtataka kung bakit maraming gustong maging distributor ng mga produkto ng Enchanted Perfumes. Tinangkilik kasi at sikat pa rin ang lahat ng produkto nito. At ang goal niya ngayong araw ay maisara ang deal sa mga ito. Para sa kanyang promotion at para na rin sa kanilang kompanya. Ang Forever’s Beauty Cosmetics. She had contacted Enchanted Perfumes and set an appointment with Mister Alwin Tiangco–ang vice president para masabi ang kanilang deal. At sa restaurant na iyon sila mag-uusap. Sinamahan siya ng receptionist ng restaurant sa mesang ipina-reserve. Maaga siya nang sampung minuto sa oras na pinag-usapan nila ni Mister Tiangco. Pero natigilan siya nang isang pamilyar na katawan ng lalaki ang nakita niyang nakaupo sa ipina-reserve na mesa. Nakatalikod ito sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso niya nang makita ito. Parang pamilyar kasi ang lalaki. Naalala niya si Kier. Ang kaba na nadarama niya sa mga sandaling 'yon ay katulad ng kaba na nararamdaman sa tuwing iniiwasan niyang magtagpo ang kanilang mga landas. "Mister Alwin Tiangco?" sabi niya at ngumiti. Unti-unting humarap ang lalaki sa kanya. Kamuntik niya nang mabitiwan ang hawak na folder nang makita ang mukha nito. Gulat na gulat ang mukha niya nang sandaling 'yon. She could never forget that face–particularly that familiar smile na parang may masamang binabalak. Tiningnan niya ang lalaki. Hindi maipagkakaila ang napakaraming pagbabago sa itsura nito. He looked really good and professional in his suit. Lalong kumisig ang katawan at gumuwapo. Ang puso niya parang gustong kumawala sa ribcage. Fatima, baka nakakalimutan mong mortal enemy mo siya? 'Di ba dapat ay siya ang humanga sa 'yo at hindi ikaw? kastigo niya sa sarili. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang maisip ang mga pang-iinsulto nito sa kanya no'n. "Fatima…" Napalunok siya nang banggitin nito ang pangalan niya. Nakilala niya kaya ako? Pero ibang-iba na ako ngayon sa Fatima na kilala niya. Kumurap siya at pilit kinalma ang sarili kahit gusto nang kumaripas ng takbo nang mga oras na 'yon. Hindi pa yata siya handa sa pagkikita nilang 'yon ni Kier. Umupo siya. "I-I’m sorry, but I was looking for Mister Tiangco." Kahit anong pigil niya, nautal pa rin siya. Ngumiti si Kier. Tumayo ito at tumingin sa kanya. "Weren’t you informed that you’d be dealing with me? I now run our company." Natigilan siya. Kailan pa dumating ang lalaki para pamahalaan ang kumpanya ng mga ito? Pero teka, matagal na niyang alam na ang pamilya nito ang may-ari ng Enchanted Perfumes. God, nasaan na ba ang utak niya at parang nawawala siya sa sarili? She was surprised to know na si Kier pala ang imi-meet niya nang sandaling 'yon. "Ang sabi mo sa secretary ko, gusto mong makipagkita sa namamahala ng kumpanya. So here I am. Ako na ang namamahala nito ngayon. At ako ang nakikipag-usap sa lahat ng gustong maging distributor ng kumpanya." Saka lang na-realize ni Fatima ang lahat. Tama ang sinabi ni Kier. Nang makausap niya ang secretary ng Enchanted Perfumes, in-assume niyang secretary ito ni Mister Tiangco. Hindi na siya nagtanong pa sa pag-aakalang si Mister Tiangco pa rin ang namamahala ng kumpanya. "I’m sorry, Mister Williams. Pasensya ka na kung inakala kong si Mister Tiangco pa rin ang namamahala ng Enchanted Perfumes. My mistake," pormal na hinging paumanhin niya. "It’s okay," nakangiting sabi nito. Kung makangiti ito sa kanya ay parang balewala lang ang lahat ng mga kasalanan nito sa kanya. But why the hell was I thinking about those things? May tama akong oras para mapagplanuhan ang paghihiganti ko sa kanya. Nandito ako para sa kompanya namin. Kailangan kong makipag-deal sa lalaking ito. "Do you mind if we take our seats? Kanina pa kasi tayo nakatayo," nakangiting sabi nito. Damn! Stop smiling at me, Mutant! "Oh!" bulalas niya. Natigilan uli si Fatima nang alalayan siyang umupo ni Kier. At hindi sinasadyang magbungguan ang mga braso nila. At kailan pa naging gentleman sa kanya si Kier? Ngayon lang. Bumilis na naman ang t***k ng puso niya. Hindi ito maaari... Bakit parang ako yata ang naapektuhan masyado sa muli naming pagkikita? Sinaway niya ang sarili. Kailangan niyang asikasuhin ang kanyang pakay. Kinalma niya muna ang sarili bago magsalita. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Mr. Williams." Naging seryoso ang mga mata nito. "‘Yan ang gusto ko–walang pasakalye. Go on. I’m listening." "I am here on behalf of Forever’s Beauty Cosmetics. Here’s the track record of the company," aniya at inabot dito ang folder na dala. Tinanggap naman nito 'yon at binuklat. "Nakalagay diyan ang lahat ng naging takbo ng kumpanya sa nakalipas na mga taon. From management, marketing, and up to sales. We really want to be the distributor of your perfumes." Ibinaba nito ang hawak na folder sa mesa. "I'll be honest with you, Fatima." Ipinatong nito ang mga braso sa mesa at tumingin nang diretso sa mga mata niya. Para siyang napaso sa klase ng tingin nito sa kanya. "When our former distributor resigned from the contract because they had a lot of debt, napakaraming kumpanya ang gustong maging distributor ng aming produkto. This only shows that our company has a high demand and impact in the market." Nakikita niya ang kaseryosuhan nito habang sinasabi ang mga 'yon. Hindi niya nga ito nakitang kumurap habang nakatitig sa mga mata niya. Parang expert na nga ang lalaki sa larangan ng pagnenegosyo. "We assure you," mariing sabi niya. "That the association of our companies will be successful. I assure you that Enchanted Perfumes products will become even more popular. Our cosmetics sales are good and we have established a market," buong kompiyansang paglalahad niya sa magagandang katangian ng Forever’s Beauty Cosmetics. "Please, consider our company." Kier just looked at her. Para bang pinag-aaralan nito ang buong mukha niya. Ano ba ang hinahanap niya sa mukha ko? Pimples ba? "Mister Williams," pukaw niya rito. Parang bumalik ang lalaki sa kasalukuyan at hinawakan ang folder. Ngumiti lang ito sa kanya. Kahit naiinis na sa mga ngiti nito, hindi niya pinahalata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD