Chapter 15

1158 Words
NALULA bigla si Fatima sa narinig. Napalunok siya nang mariin. Ang posisyong 'yon ang gugustuhing makuha kahit na sinong nagtatrabaho sa Forever’s Beauty Cosmetics. It was an offer that would change her life. Well, kahit sabihin na anak siya ng may-ari ng pinakamalaking Advertising Company sa Pilipinas, malaking karangalan para sa kanya na maging vice president ng Forever’s Beauty Cosmetics. "Ang kasalukuyang vice president natin ay mag-re-resign na. Kaya kailangan niya ng kapalit. Ikaw agad ang naisip ko," pagbibigay-alam nito. "Umpisa pa lang, nakita ko na ang dedication at galing mo sa trabaho. Kaya sa ‘yo ko inaalok ang posisyon dahil mapagkakatiwalaan kita. So what is it? A yes? Or a no?" Huminga siya nang malalim. Walang masama kung susubukan niya. Hindi siya dapat mag-alala o matakot. Tumingin siya nang tuwid sa mga mata ni Ma’am Cora. "It’s a yes, ma'am." She would do this. Gusto niyang makuha ang posisyon. At ayaw niyang biguin ang kanyang boss. Sumilay ang magandang ngiti sa mga labi ni Ma’am Cora sa sinabi niya. "CONGRATULATION, friend!" Niyakap siya nang mahigpit ni Kim. Sinadya niya ito sa flower shop na pagmamay-ari nito. "Thank you." Umupo siya sa silya na nasa tabi nito. "Kumusta ang business?" "Ayos naman." Ginagap nito ang mga kamay niya. "Masaya ako para sa ‘yo. Kapag nakuha mo ang deal sa Enchanted Perfumes, magiging vice president ka na sa kumpanya ng pinsan ko. Pero sandali, ‘di ba ang may-ari ng Enchanted Perfumes ay mga magulang ni Kier?" Tumango siya. "Oh, my gosh!" "Pero hindi ko alam kung sila pa rin ba ang may-ari ng kumpanyang 'yon. Tatlong taon na silang naninirahan sa America." "Wala kang clue?" "Jeez, as if naman may pakialam ako." "Sabagay... baka iba na ang may-ari ng Enchanted Perfume. Pero paano kung ang mga Williams pa rin ang may-ari nito, tapos magkita kayo ni Kier?" Kumibit-balikat siya. "Tuloy ang plano kong paghihiganti." "Ang paibigin si Kier?" "Yes!" taas ang noo na sagot niya. "Paano kung ikaw mismo ang mahulog sa sarili mong bitag?" "‘Yan ang hinding-hindi mangyayari," tugon niya. "Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na magugustuhan ko siya, over my dead, sexy body." "Bakit 'di mo na lang kalimutan ang naging alitan n'yo ni Kier? Matagal na rin naman 'yon nangyari. Sabi nga nila... Forgive those who have hurt you in the past and move forward without bitterness." Nginitian siya ni Kim. "Saka, baka kainin mo ang sinabi mong ‘yan oras na magkita kayong muli." "Marked my word!" Tumayo siya at isinukbit ang bag. "Halika, samahan mo akong mag-lunch sa bagong bukas na restaurant. Malapit lang ‘yon dito sa flower shop mo." "May gagawin pa ako, friend." Naningkit ang mga mata niya. "Ah gano'n? Hindi ako kumain sa bahay dahil sinadya ka rito para makasama ka. May ibibigay pa naman sana ako sa ‘yo." "Huwag ka nang magtampo. Tinatapos ko lang ang pagkwenta ng pasahod ko sa aking mga staff." Hindi niya pinansin ang sinabi nito. "Sayang naman. Ang dami ko pa namang nabili na bagong stories from the heart series. Ipamimigay ko na lang sa iba." Nakita niyang nanlaki ang mga mata ng kaibigan at mabilis na hinawakan ang mga kamay niya. Nginitian pa siya nito nang matamis at kinurap-kurap ang mga mata, parang nag-beautiful eyes. "Ikaw naman, hindi ka na mabiro, friend. Gutom na nga ako, e. Nasaan na ang books ko?" Natawa siya. Alam na alam niyang kolektor ng stories from the heart series ang kaibigan niya. Weakness nito ang magbasa ng mga romance book. "Nasaan na ang books? Alam mo bang doon ako kumukuha ng mga ideya kung paano paibigin ang kuya mo? Kailangan ko yatang gumamit ng matatamis na pick-up lines para mapansin na ni Tristan ang beauty ko." Maganda si Kim. Katunayan ay um-ekstra ito sa pagmo-modelo ng mga sikat na clothing brand sa Manila. Ewan ba niya kung bakit nuknukan ng manhid ang kuya niya. Mas gusto pa nito ang mga babaeng two-timer. Samantalang narito naman ang kaibigan niya, head over heels ang paghanga rito. Napapailing na tumawa siya. "Nasa kotse ko." "Thanks, Fatima! You’re my angel. Ang tagal kong inabangan ang love story ng kapatid ni Ely." Tukoy ni Kim sa character ng bagong labas na series ng stories from the heart. "At dahil diyan, ako na ang manlilibre sa ‘yo ng lunch!" Tumayo si Kim. Tinawag nito ang staff na si Lara. Pagkatapos ay hinila na siya palabas ng flower shop. "Kanina umaayaw ka pa. Iba talaga ang nagagawa ng mga romance book sa ‘yo," natatawang sabi niya, saka iniabot dito ang paper bag. "Syempre! Dagdag koleksiyon ko ‘to, friend!" Nakangiting niyakap nito ang paper bag. Sinilip nito ang nilalaman at napatalon sa tuwa. "Finally! My, God! Hindi na ako makapaghintay na mabasa ang love story nina Heaven at Earth." "Wow, nice name. Ang galing din magbigay ng pangalan sa mga character niya ang author ng stories from the heart series." Ipinasok niya ang susi sa keyhole at pinaandar ang makina ng sasakyan. Wala pang sampung minuto ay narating na nila ang restaurant. Matapos niyang i-park ang sasakyan ay pumasok na sila sa restaurant kung saan sila manananghalian. Abala pa rin si Kim sa paghalungkat ng nilalaman ng paper bag, tuloy may nabangga itong lalaki dahil hindi nakatingin sa daan. "I’m sorry, miss." Nag-angat ng mukha si Kim at napakunot ang noo nang makita ang lalaki. Pamilyar rito ang mukha ng lalaki pero hindi nito maalala kung saan ito nakita. "Okey lang," tugon ng dalaga. "You look familiar to me." "Kim, bilisan mo!" "Excuse me." Tinalikuran ni Kim ang lalaki. "Ang bilis mo kasing maglakad, Fatima." Hindi napansin ni Kim na nakatingin sa kanya ang lalaki. "Hijo." "Dad?" Nilingon ni Kier ang ama. "Let’s go. Dadaan pa tayo sa Enchanted Perfumes," ani Rodrigo Williams. "Nabili mo ba ang paboritong putahe ng 'yong ina?" "Yes, Dad. Nag-take out na rin ako ng "Beef Bulalô." Naglakad silang mag-ama patungo sa kotse at umalis sa lugar na ‘yon. Habang lulan ng sasakyan, sumagi sa isipan ni Kier si Fatima. Ang babaeng ubod ng taba! Kumusta na kaya siya? Siguro mataba pa rin siya. Wala na talagang pag-asang pumayat si Fatima. Napangiti si Kier. Tatlong taon na ang nakalilipas, at walang araw na hindi niya naalala si Fatima. Biglaan kasi ang alis niya papuntang America, hindi na nga niya nagawang magpaalam sa kaibigan niyang si Tristan. Nang naroon na siya sa America ay saka niya lang tinawagan si Tristan at pinaalam na nasa America siya. Inabangan niya rin si Fatima sa Lover’s Café, pero ayon sa isang staff doon, umalis daw si Fatima kasama ang kaibigan nitong si Kim. Ngayong nakabalik na siya ng Pilipinas kasama ang mga magulang, una niyang gustong makita ay si Fatima. Bakit ba ako umaasang pumayat na siya? Nangingiting tanong ni Kier sa sarili. Itinuon na lang niya ang paningin sa labas ng bintana ng kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD