Chapter 14

1092 Words
NATIGILAN si Fatima nang mapatingin sa katabing establishment ng pinagtatrabahuhang kumpanya. Hindi niya alam kung bakit sa araw-araw na pagdaan doon ay napapahinto pa rin siya. She would always find herself thinking about that particular person. Ipinilig niya ang ulo habang nakatingin sa dating Café na fast-food chain na ngayon. And some funny memories suddenly flashed through her mind. Doon siya dinala noon ni Kier sa Café na 'yon. Naalala niya bigla ang pagbabangayan nila ng lalaking itinuring niyang mortal na kaaway. Hindi niya lubos-akalain na sa mga araw, buwan at taon na lumipas na hindi niya nakita si Kier, hinahanap niya ang presensya nito. Para bang kulang ang araw niya kung hindi siya iniinis nito. Nakakatawang isipin na katabi pa ng dating Café ang kumpanya kung saan siya nagtatrabaho ngayon. Doon pa sila ibinaba ng kanilang company service. Nasa talyer kasi ang sasakyan niya kaya sa service siya sumakay. Huminga siya nang malalim. Tatlong taon na ang lumipas. Na-promote siya sa kanyang trabaho. Nagtatrabaho pa rin siya sa Forever’s Beauty Cosmetics as a sales manager. Hindi siya napilit ng kanyang ama na mag-resign upang sa sarili nilang kumpanya siya magtrabaho. Masaya siya sa kanyang trabaho, at hindi niya basta-basta masusunod ang nais ng kanyang ama dahil bahagi na ng buhay niya ang Forever’s Beauty Cosmetics. Naglakad siya papasok sa building ng Forever’s Beauty Cosmetics. Nakangiti niyang binati ang guwardiya na naroon. Pagkatapos ay nagpunta na siya sa opisina ng may-ari ng kumpanya. Naabutan niya ang secretary nito. Binati niya ito at tumuloy na sa opisina. Inihanda niya ang matamis na ngiti bago kumatok at binuksan ang pinto. "Good morning, Ma’am Cora," magalang na bati niya. Umangat ang tingin ng babae mula sa binabasang papeles. "Good morning, Miss Madrid," nakangiting bati rin nito sa kanya. "Have a seat." Nang makaupo ay inilapag niya sa mesa nito ang folder na dala. "Ma’am, heto na po ang hinihingi niyong sales report." "Oh! Thank you." Binuklat iyon ni Ma’am Cora at binasa. Nakita niya itong tumango-tango. Mayamaya ay isinara nito ang folder at ipinatong sa mesa, saka tumingin sa kanya. "Maaasahan ka talaga, Miss Madrid. You’ve never failed me in all the work I’ve given you." Na-appreciate niya ang sinabi ng kanyang boss. "Mahal ko po kasi ang trabaho ko, ma’am." Ngumiti ito. "Isa ka sa mga asset ng kumpanya. Kaya huwag na huwag kang aalis dito sa kumpanya ko, ha?" wika nitong may nakapaskil na ngiti sa mga labi. Natawa siya sa sinabi ni Ma'am Cora. Lagi kasi nito sinasabi iyon–na asset siya sa kumpanya. "Ma’am, wala pong dahilan para umalis ako rito. Kasi po napamahal na sa ‘kin ang trabaho at ang kumpanya. Isa pa, mabait po kasi ang boss ko." Tumawa ang babae. Totoo iyon. Napakabait ni Ma’am Cora. Nang panahong mataba pa siya, hindi ito nagdalawang isip na tanggapin siya sa kumpanya nito. Mabait ito sa lahat ng empleyado. Pamilya ang turing nito sa kanila. Napakagiliw ng kanyang boss sa lahat, kaya hindi nakapagtatakang naging successful ang Forever’s Beauty Cosmetics. Bilib na bilib din si Fatima dahil nagawa ng boss niya na palawakin ang negosyo nang mag-isa sa batang edad. Ma’am Cora was just in her early thirties. Newly married and has a one year old child. Tatlong taon na siyang nagtatrabaho sa Forever’s Beauty Cosmetics. Sikat at kilala ang mga produkto nila at tinatangkilik iyon ng masa. Karamihan sa mga produkto nila ay nasa mall. At napakalaki na ng kanilang kumpanya. Lumago iyon nang husto. May kasanayan na siya sa sales kaya pinagkatiwalaan siya ni Ma’am Cora sa kanyang posisyon. Maganda rin ang pasuweldo sa kanya. At higit sa lahat, masaya siya sa trabaho. "Bolera ka rin kung minsan, Miss Madrid," iiling-iling na sabi nito. "And by the way," bulalas nito na parang may naalala. "Since I know how good you are in terms of sales strategies, I need you to discuss our proposal for our new target." "Okey, ma’am. Ano po ‘yon?" seryosong tanong niya. Pagdating sa trabaho ay seryoso talaga siya. "Are you familiar with Enchanted Perfumes Corporation?" Natigilan siya sa tanong nito. Kilalang-kilala kasi niya ang kumpanyang iyon. Pag-aari iyon ng mga Williams. Matagal nang wala ang pamilyang nagpapalakad ng Enchanted Perfumes, nanirahan na ang mga ito sa America. At hindi niya alam ngayon kung sino ang humahawak ng kumpanya. At wala siyang pakialam doon. Tatlong taon na ang lumipas, sipag at determinasyon ang nakasabit sa leeg niya sa pagnanais na pumayat. Ngayon nga ay pwede na siyang ihanay sa mga sexy model ng cover magazine. Malayo na siya sa dating Fatima Madrid na ubod ng taba noon. Gusto niyang ipakain kay Kier Williams ang lahat ng mga insultong binato nito sa kanya. Handa na siya sa kanyang paghihiganti. Aakitin niya si Kier at kapag nahulog na ang loob nito sa kanya, saka niya ito itatapon na parang basahan. Iwan lang niya kung hindi lumuwa ang mga mata nito oras na makita ang kanyang kagandahan. "Are you with me, Miss Madrid? Parang malalim yata ang iniisip mo, ah?" Napapitlag siya. Bumalik siya sa kasalukuyan sa tanong uli ni Ma’am Cora. Tumikhim siya. "Yes, ma’am. I’m listening." Tumango-tango ito. "I just found out that their major distributor ended their contract with them. I don't know what the reason is. But let's not think about that anymore. Because this is what I want to happen–" Tumigil ito at naging seryoso ang mukha. Mataman siyang nakinig sa mga sinasabi nito. "I want Forever’s Beauty Cosmetics to be the distributor of Enchanted Perfumes," pagpapatuloy nito. Nanlaki ang kanyang mga mata. Napakalaking trabaho niyon para sa kanya. Hindi iyon biro. Humarap na siya sa maraming kliyente. At madalas ay siya ang ipinapadala ng kanyang boss sa mga may-sinasabi sa larangan ng pagnenegosyo. Pero ngayon parang nawalan siya ng confident sa sarili. Malaking kumpanya kasi ang Enchanted Perfumes Corporation. Sigurado siya na kahit nawalan ang mga ito ng distributor, marami ang mag-aagawan na makuha lang ang deal na gustong-gusto ni Ma’am Cora. They were not selling any perfumes in the company. And she knew very well that getting Enchanted Perfumes would be the greatest thing that would ever happen to the company. "Alam ko na hindi biro ang ipinapagawa ko sa 'yo, Miss Madrid." Seryoso pa rin itong nakatingin sa kanya. "But I always believe in your ability. I want you to take this as a challenge." "Ano po'ng ibig niyong sabihin, ma'am?" kinakabahan na tanong niya. "If you'll get the deal with Enchanted Perfumes, I'll promote you–as the vice president of my company."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD