Chapter 10

1176 Words
PAGBUKAS niya ng pinto agad siyang sinuyod ng tingin ng kanyang ina. "Magbihis ka," anang kanyang ina. Suot niya ang paboritong ternong pajama. "Saan ba kasi tayo pupunta, Mom?" pinapasok niya ito sa kanyang kuwarto. Napatingin siya sa wall clock. “Alas-sais na ng gabi, aalis pa tayo?” "Pupunta tayo sa bahay ni Tita Clarissa mo," tukoy nito sa ina ni Draven. "Farewell party ni Draven. Doon tayo magdi-dinner. Kaya nga siya pumunta rito kanina para personal tayong maimbita." "Nakausap ko nga kanina si Draven. Pupunta na siyang abroad bukas. Akala ko nagpaalam lang siya kay Kuya Tristan." "Bilisan mo nang kumilos. Magpalit ka na ng kasuotan. Naroon na sa sala ang iyong ama. Si Kuya Tristan mo nauna nang pumunta kina Tita Clarissa mo." "Sige po, bigyan mo ako ng ten minute, Mom." "Five minutes." "Ten minutes, Mom. Ang hirap kayang mamili nang kakasyang damit sa 'kin." "Okey. Sige, bilisan mo. Hihintayin ka namin sa sala." Tumango siya. Hinatid niya hanggang labas ng pinto ng kuwarto ang ina. Agad na tinungo niya ang dresser at naghalungkat ng maisusuot. Parang dinaanan ng ipu-ipo ang loob ng kuwarto niya. Basta na lang niya kasing hinahagis sa ibabaw ng kama ang mga damit na hindi kasya sa kanya. Dito talaga siya nag-i-struggle, ang pamimili ng isusuot na damit sa araw-araw. SAKAY na sila ng kotse ng ama nang may sumagi sa kanyang isipan. Kung farewell party iyon ni Draven, walang dudang naroon din ang mga kaibigan at pinsan nito, lalong-lalo ni si Kier Williams! Parang gusto niya tuloy bumaba ng sasakyan. Huwag lang magkakamali sa kanya si Kier mamaya at babalatan niya ito ng buhay! "Hija…" "Yes, Dad?" "Walang dudang naroon din ang best friend mong si Kier." "Correction, hindi ko siya best friend," pagtatama niya. "Dad, huwag lang siyang magkakamaling kantiin ako at magkakagulo talaga mamaya. Ang kurimaw na iyon, wala nang ibang alam gawin kundi ang insultuhin ako." "Fatima, hindi ka naman siguro niya iniinsulto. Wala dudang binibiro ka lang dahil overweight ka." Tumingin siya sa kanyang ina. Nakaupo ito sa tabi ng kanyang ama na nasa driver seat. "Iyon na nga, Mom. Hindi ko naman siya pinapakialaman, maanong itikom na lang niya ang kanyang bibig. Ang manhid niya kasi. Hindi man lang niya naisip na nakakasakit ang mga salitang binibitawan niya." "Magpapayat ka na kasi, hija." "Mom!" react niya. "Wala sa 'kin ang problema. Katawan ko ito. Ang sa 'kin lang naman, sana ay tigilan niya na ako." "Siya, bahala ka na nga. Ikaw rin ang mahihirapan sa pagmamatigas mong 'yan." Huminga nang malalim ang kanyang ina. "Sa pagiging overweight mo, hindi malayong magkaroon ka ng sakit na high blood." "Mom, hindi ang pagiging healthy ko ang magbibigay sa 'kin ng high blood pressure, kundi si Kier. Madalas niya akong galitin, dahilan para laging kumulo ang dugo ko." Nakita niyang umiiling ang kanyang ina pero hindi na ito nagsalita. Pagdating nila sa destinasyon, may iilang kotse na silang nakita sa tabi ng kalsada. Wala siyang ideya kung maraming inimbita si Draven o intimate party lang 'yon para sa mga malalapit na kamag-anak at kaibigan. Pero malalaman niya 'yon mamaya. "Good evening, Tita Elena, Tito Carlo." Siya ang unang lumingon sa nagsalitang 'yon. Sumentro talaga ang tingin niya kay Kier na nagmamadaling lumapit sa kanila. Nagmano ito sa dad niya at humalik naman sa pisngi ng mom niya. Parang hindi siya nito napansin. Hiling niyang sana nga ay hindi siya nakikita nito sa mga sandaling 'yon. Malaking pabor 'yon sa kanya. Walang tensiyon na mamamagitan sa kanila. "Kier…" "Tito, kumusta?" “Okay lang naman, hijo. Thanks. Ikaw, mukhang lalo ka yatang gumuguwapo ngayon, a? Marami ka sigurong girlfriend, ‘no?” Duh...? Hindi naman halatang tsismoso ang dad niya! Lihim na bulong sa sarili ni Fatima. Ngumiti si Kier. "Tito, ano naman ang nakakagulat doon? Kayo na rin ang nagsabing gumuguwapo akong lalo," sabi nito at tumingin sa kanya. "Ang lakas ng ihip ng hangin at baka liparin ko." Tukoy niya kay Kier. Hindi niya nagustuhan ang pagmamayabang nitong guwapo, kahit sabihin nang totoo. Napangiwi siya ng mga labi at nagdesisyon siyang mauna na sa loob ng bahay ng pamilya Williams. Nakita niya ang siyam na mesa sa malawak na hardin. Nangangahulugan iyon na hindi ganoon karami ang inaasahang bisita. "Tita Clarissa, magandang gabi," magalang na bati niya sa ina ni Draven. Nakasalubong niya ito sa hardin. Humalik siya sa pisngi nito. "Where are your parents?" Pero lumagpas na sa kanya ang paningin nito. "Akala ko hindi mo sila kasama. Hija, pumasok ka sa loob. May inihanda akong strawberry cake para sa 'yo. Nasa fridge. Alam kong isa sa mga paborito mo ay cake. This time, hindi ako nagpadala sa pambubuyo ng anak ko at Kuya Tristan mo na huwag mag-bake ng cake. You deserve that treat." "Thank you, Tita Clarissa!" Niyakap niya ito sa labis na tuwa. "Go!" nangingiti pa nitong sabi. Nilagpasan na niya si Tita Clarissa. Pumasok siya sa loob ng bahay pero nakasalubong niya si Draven. Antimano nitong tinanong kung saan siya pupunta. Tipong haharangan siya para hindi makarating sa kusina. "Nasa mood akong mag-raid ng fridge ngayon," sabi niya at tinabig si Draven pero muli itong humarang sa daraanan niya. "Huwag na…" Hinawakan nito ang kamay niya. "Halika, doon na lang tayo sa hardin. Marami namang foods doon, e. Saka wala kang makikitang interesting sa fridge." Pilit siyang ngumiti kahit may ideya nang pumapasok sa isip niya. "Sabi ni Tita Clarissa may itinabi siyang cake para sa 'kin. Mauna ka na sa hardin." "Fatima…" "Draven, pwede bang pagbigyan mo na ako? Farewell party mo ito. Hayaan mo na akong mag-enjoy na mag-raid sa fridge n’yo. Cake lang naman and chocolates ang kahinaan ko." "Wala na kasi ang cake na sinasabi sa 'yo ni Mom." Nakita niyang kumamot ito sa leeg. "Alas-singko pa lang ng hapon dumating na rito ang pinsan kong si Kier. Hindi niya alam na para sa 'yo ang cake, kaya ayon kinain niya at naubos. Busy kasi si mom kaya hindi siguro napansing wala na ang cake sa fridge." "Ano?!" Parang dragon na umusok ang mga butas ng ilong niya. "Para sa akin ‘yon, bakit hinayaan mong kainin ni Kier?" “Fatima, huwag mo naman kawawain ang sarili mo. Maging ako ay concern din sa iyo, lalo na’t best friend ko si Tristan. Para na rin kitang youngest sister.” "Inaalagaan ko nga ang sarili ko." "Huwag ka ngang pilosopo. Alam mo kung ano ang tinutukoy ko. Oras na para magbawas ka ng timbang para matigil na rin ang pang-iinis sa 'yo ng pinsan ko." "Bad ka!" Kunwari'y pinalungkot niya ang boses. "Sorry," anito. "Let’s go?" "But, Draven…" "Farewell party ko ito. Ako ang pagbigyan mo." "Bakit pa ba naging kaibigan ka ni Kuya Tristan?" "Para siguro magbigay ng advice sa 'yo na mag-diet. Hindi ka naman dating ganyan. Bigla ka lamang lumobo na parang balloon." "Oh, shut up!" Hinila siya nito palabas ng bahay. "Let’s go. Ibang pagkain ang kainin mo. Piliin mo ang mababa ang carbs at colesterol."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD