Chapter 9

1149 Words
NAPAMAANG si Fatima habang nakatingin sa galit at nag-aalalang mukha ni Kier. He was fully clothed at kitang-kita niya ang pagbakat ng puting T-shirt sa katawan nito. "Huh? A-ano'ng pinagsasabi mo?" Naguguluhan siya. Hindi niya alam kung bakit naroon ang lalaki at kung bakit tila galit. "Ikaw nga ang papatay sa 'kin, e. Kung makahila ka ng damit sa neckline pa talaga." Hindi sumagot si Kier. Hinila na siya papunta sa gilid ng pool. Hinawakan pa siya nito sa siko at inahon. Pagkatapos niyon ay umupo ito sa tabi niya. "Why are you drowning yourself?" singhal nito. "What?" Akala ba ni Kier ay nilulunod niya ang sarili? At ano naman ang pumasok sa kukote nito para isiping gano'n ang ginawa niya? "Hoy, lalaki! Hindi pa ako baliw para lunurin ang sarili ko! Bakit naman ako magpapakamatay, huh?" Imbes na maasar, kumawala sa mga labi ni Fatima ang isang matunog na halakhak. Hindi niya napigilang ma-amuse at matawa sa nakikitang reaksyon ni Kier. Kahit na nakakamatay ang tingin na ibinabato nito, nakikita pa rin niya ang pag-aalala sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasan makaramdam ng munting kilig sa kanyang puso. Masuyong tumingin ito sa kanya. Pagkatapos ay bigla na lang siyang niyakap nang mahigpit. Dahilan para mapamulagat ang kanyang mga mata. "Huwag mo na akong tatakutin ulit, Fat. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa 'yo." Nakagat niya ang ibabang labi. Ramdam niya ang takot ni Kier. Seryoso ba siya? "For the record, I'm not trying to kill myself, Kier. Kahit lagi akong naiinis sa 'yo, hindi 'yon dahilan para magpakamatay ako. Nag-iisip lang ako kaya umilalim sa tubig. Marunong akong lumangoy. Kaya kong umilalim sa tubig nang matagal. I'm sorry for making you worry kung totoo man 'yan." Gusto niya itong tanungin kung bakit gano'n na lang ang nakitang pag-aalala nito sa kanya. Naramdaman niya ang pagkawala ng tensyon nito sa katawan at kumalas sa kanya. Mabuti naman at kanina pa siya 'di mapakali. Bumuntong-hininga ang lalaki at tumitig sa kanya. "Kanina pa kita pinapanood at nakita kong malalim ang iniisip mo. Naisip kong baka may bumabagabag sa 'yo kaya gusto mong magpakalunod. Hindi ko naman matiis na panoorin ka na lang." Napaikot niya ang mga mata. "Overacting ka talaga!" Unti-unti nang nawawala ang takot sa mukha nito. Ngumiti ito sa kanya habang tinititigan siya. Biglang nailang si Fatima sa ngiti at paraan ng pagtitig nito sa kanya. Ngayong nakatingin sa kanya si Kier na may amusement sa mga mata, naalala niya bigla ang yakap na pinagsaluhan nila kanina. Bigla tuloy nag-init ang kanyang mukha. Kumag ka! 'Wag mo kong ngitian nang ganyan at confused ako! Mabilis siyang tumayo at hinablot ang kanya robe na inilapag niya sa lounger kanina. Ibinalot agad niya ito sa katawan. Bigla siyang nahiya. Kahit healthy siya ay hindi pa rin siya confident na makita ni Kier sa ganoong ayos. At kailan ka pa na-conscious kapag kaharap siya, Fatima? Haller? Best enemy mo siya, 'di ba? So, ano ngayon kung mukha kang balyena? Hindi mo naman kailangan maging sexy at maganda sa harap niya, 'di ba? "Magbibihis lang ako," natatarantang sabi niya at mabilis na nagpunta sa bathroom ng clubhouse. BUONG akala ni Fatima hindi na siya aasarin ni Kier. Ngunit nagkamali siya. "Flat na ang mga gulong mo!" Galing siya sa Lover's Cafe sa Sport Arena. "Maligno!" Napangiwi siya. Kung anu-ano na lang ang itinatawag niya sa lalaki. "Balyena!" "Itabi mo ang kotse!" "No way!" "Babalian talaga kita ng buto sa katawan!" pagbabanta niya rito. Isang malakas na tawa ang isinagot sa kanya ni Kier. Mabilis na nitong pinatakbo ang minamanehong sasakyan. "Damn that guy! Grrr...!" Kaya pagdating sa kanila, nanggigigil siya sa galit. Tapos naroon pala sa kanila ang pinsan ni Kier na si Draven kausap ng kuya niya. Kaibigan din ng parents nila ang mga magulang nito. "May bisita pala tayo," wika niya kahit nagpupuyos ang kalooban sa galit. "Oo, si Draven. Pinsan ni Kier." "I know," tipid niyang sagot. "Bakit para na namang nilamukos na papel ang mukha mo, Fatima?" "Siguro inasar ka na naman ng pinsan ko, tama ba ako?" si Draven ang nagsalita. "Sino pa nga ba?" Humalukipkip siya. "Pagsabihan mo 'yang pinsan mo. Wala siyang manners! Lagi na lang akong iniinsulto. Oras na 'di ako makapagpigil, babanggain ko ng kotse ang pinsan mo!" "Hindi ka pa nasanay sa kanya? Kayong dalawa, tuwing magkaharap, para kayong sina Tom and jerry. Naku, masama 'yan! Ikaw naman kasi, magpapayat ka na. Concerned lang ang pinsan ko sa 'yo. Fatima, mag-reduce ka na." "Isa ka pa! Naku, pareho talaga kayong magpinsan." "Sa pagbalik ko dapat sexy ka na." Nangunot ang noo niya. "Are you leaving?" "Yes," sagot nitong nakangiti. "Saan ka pupunta?" "Las Vegas." "Whoa!" bulalas niya. "Mangingibang-bansa ka pala, Draven. Ano'ng gagawin mo roon?" "Magtatrabaho syempre. Ipapadala ako roon ng aming company para maging isa sa Manager ng hotel. Big break ito. Hindi ko mapapalampas. Pumunta ako rito para magpaalam kay Tristan. Namimiss ko kasi itong kuya mo, e!" Nagfist-bump sina Draven at Tristan. "Bakit 'di mo kaya isama ang pinsan mo para naman manahimik na ang buhay ko, 'no?" Natawa si Draven. "Hindi pwede, bukas na kasi ang aking alis." "Serious?" "Yes." "Wow! Gaano ka naman katagal do'n?" "Hindi ko alam, e. Malaki kasi ang posibilidad na tumaas ang ranggo ko roon. I'll keep my time. Hindi ko kailangan magmadali. Pero hindi ko lang talaga mapapalampas ang pagkakataong ito. Magandang oportunidad ito para sa akin." "Tama lang ang desisyon mo. Pero bakit agad-agad?" "Ang dami mong tanong kay Draven," awat sa kanya ng kapatid. Pero hindi niya ito pinansin. "Last month pa ito. Tumahimik lang talaga ako hanggang sa maging final na ang lahat," anito. Tumingin ito kay Tristan. "Bro, alam kong malaki ang sahod mo sa pagiging architect sa Montero Construction Company. Pumasyal kayo sa US ni Kier. Pumunta kayo sa Las Vegas. Ako na ang bahala sa inyong accommodations." "Kuya Tristan, ako ang isama mo. 'Wag si Kier. Ako naman ang sister mo 'di ba?" "Fatima, overweight ka. Baka ikaw pa ang maging dahilan ng stampede sa airplane dahil hindi ka kakasya sa pinto." "Ang harsh mo!" Nanulis ang nguso niya kay Tristan. "Joke lang!" Para siyang aso na tinapik-tapik nito ang kanyang ulo. Tumayo si Draven. "Mauuna na ako, Tristan." "Okay." "Later, ha?" "Don't worry, bro, darating kami." "Good." Tinapik ni Draven sa balikat si Tristan. Mismong ang kuya niya ang naghatid kay Draven sa kotse nito. Samantalang tumuloy naman siya sa kanyang kwarto. Pansamantalang nawala sa isipan niya si Kier. Katatapos lang niya mag-shower nang makarinig ng katok sa pinto sa labas ng kanyang kwarto. "Sino 'yan?" "Bilisan mo, anak." Ang kanyang ina ang nasa labas ng kuwarto niya. Nangunot ang kanyang noo sa pagtataka. "Bakit, Mom?" "Aalis tayo." "Saan po papunta?" "Buksan mo kaya itong pinto para makausap kita nang maayos." "Kk..." Tumayo siya at tinungo ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD