Chapter 26

1078 Words
PASADO alas-siete na ng gabi nakauwi ng bahay si Fatima. Inilatag niya ang pagal na katawan sa ibabaw ng kama. Hindi na niya nagawang kumain ng hapunan dahil wala siyang gana. Ilang araw na lang kasi at engagement party na nila ni Kier. Bumangon siya nang marinig ang katok sa pinto sa labas ng kanyang kuwarto. "Dad?" Ang kanyang ama ang nabungaran niya. "Luisa," tawag ng kanyang ama sa katulong. Noon lamang niya ito napansin na nakatayo sa likuran ng ama. "Ipasok mo ang mga iyan sa kuwarto ng ma'am mo." "Para saan ang mga 'yan?" tanong niyang nagtataka. Dalawang kahon ang nakita niyang nasa kamay ng katulong. "Saan ka galing?" sa halip iyon ang sinabi ng kanyang ama. "Bakit? Dapat ko bang iulat ang lahat sa iyo?" walang pakialam na sagot niya. "Don't go too far, Fatima. Baka hindi ako makapagpigil." Her dad roared, obviously controlling his anger. "I'm warning you." She looked away. "Hindi n'yo po ba nakikitang naka-office uniform ako?" "Hindi ako bulag," galit na sagot nito. "Bakit gabi ka na nakauwi?" "Nag-overtime ako sa trabaho, Dad." Huminga nang malalim ang kanyang ama. "Pagbibigyan kita ngayon. Pero 'wag ko lang malaman nakikipag-date ka sa ibang lalaki." Hinarang ni Fatima ang katulong nang akmang papasok na ito sa loob ng kuwarto niya. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Dad. Para saan ang mga ito?" Itinuro niya ang kahon na nasa mga bisig pa rin ng katulong. "Pumasok ka na sa kuwarto mo, Fatima." Bumuntong hininga ang kanyang ama. "May ipinadala si Rodrigo na mga damit para sa 'yo. Pick the best one. Iyon ang gagamitin mo para sa engagement party ninyo ni Kier." Pakiramdam niya ay tinamaan siya ng palaso. Umiling siya. "Hindi mangyayari." "Everything's been settled. A month after the engagement, you'll be married to Kier." Sinenyasan nito ang katulong na ipasok sa loob ng kwarto niya ang mga kahon. "Dad!" reklamo niya. "Bakit kailangan ipilit mo sa 'kin ang isang bagay na hindi ko kayang gawin?" "What's holding you back, Fatima? Pareho kayong single ni Kier. Wala ka naman boyfriend na dapat alalahanin." "Hindi ko siya mahal," simpleng sagot niya. "Mapag-aaralan mo rin siyang mahalin. Mabuting tao si Kier at alam mong galing siya sa respetadong pamilya." "Ayoko pa rin," matigas niyang sagot. "Pumasok ka na sa kuwarto mo. Siya nga pala, hindi ka pwedeng humingi ng tulong sa Kuya Tristan mo, baka maapektuhan ang trabaho niya. Ang mommy mo ay umalis. May family reunion sa side ng Lolo Fabian mo." "What? Bakit hindi tayo kasama, pamilya naman tayo ni Mommy?" Nabigla siya sa nalaman. Kung alam lang niya na aalis ang kanyang ina, baka sakaling sumama siya rito. "Dahil hindi pwede. Ilang araw na lang ay engagement party niyo na ni Kier. She'll be back in time for your wedding." "That's so unfair!" Ngunit sa halip na sumagot ay tinalikuran siya ng ama at iniwang naghihimutok ang kalooban sa labas ng kanyang kuwarto. Wala siyang nagawa kundi pumasok sa kuwarto niya. Pinalabas na rin niya ang katulong. Kumulo ang dugo niya nang makita ang dalawang kahon na nakapatong sa ibabaw ng kanyang kama. Isa-isang binistahan niya ang laman ng mga iyon. Kada kahon ay may tag-dalawang bestida. Elegante ang lahat ng bestida. Sa tabas at tela pa lang ay mahahalata nang gawa iyon ng isang sikat at magaling na designer. Hindi na siya manghuhula ng presyo, alam niyang expensive ang mga iyon. Isang bahaw na tawa ang namutawi sa bibig niya. Gusto niyang umiyak pero wala naman luhang lumabas sa kanyang mga mata. What the heck? Napailing siya. Disagree siya sa planong arranged marriage ng kanyang mga magulang, pero kahit minsan ay hindi niya nagawang lumuha. Baka naman salita mo lang ang umaayaw pero ang 'yong damdamin ay pumapayag? Tulak ng bibig, kabig ng dibdib! nanunudyong bulong ng isang bahagi ng utak niya. Naikuyom niya ang mga palad. Ang pagtigas ng kanyang anyo ay kitang-kita sa repleksyon niya sa salamin. Alam niyang may pinaplano si Kier. Hindi naman ito papayag na ikasal sa kanya kung walang dahilan. Isa na roon ang mamanahin nito mula sa mga magulang. Puwes! Hindi siya papayag. Kapag hindi natuloy ang kasal nila hindi rin magtatagumpay si Kier sa nais nito. Money, alam niyang iyon lang dahilan nito. At sa oras na mailipat na sa pangalan nito ang mamanahin mula sa mga magulang, aasikasuhin naman ang kanilang magiging annulment. Annulment agad, Fatima? Kasal muna bago ang annulment... Hindi niya bibigyan katuparan ang binabalak ni Kier! Mabilis niyang kinuha ang cell phone. Sandali siyang nag-isip kung tatawagan ba niya ang Kuya Tristan niya o hindi. Sa huli ay nanaig ang kanyang pangungulila sa kapatid. "Yumayaman na ang little sister ko. May pang-International call!" bungad ng kuya niya. "Syempre. Naka-unlimited call pa nga ako, e." She missed her brother. Nasa America pa rin ito. Kasama ang business tycoon na si Mr. Frederico Avilla. Ang may-ari ng Montero Construction and Development Corporation. May itinayo na bagong kumpanya sa bansang Amerika si Mr. Avella kaya naman nadistino ang kapatid niya roon. Nakagat niya ang ibabang labi. Gusto ng kanyang ama na maging sikreto ang kasal nila ni Kier. Kahit nga siguro mga family relatives nila ay walang alam tungkol sa bagay na iyon. "Fatima, are you still there? May problema ba?" Bakas sa boses ng kuya niya ang pag-aalala. At iyon ang ayaw niyang mangyari. "Fatima, ang tahimik mo yata? Dati-rati sa tuwing nakakausap kita ay walang preno ang bibig mo kapag nagsasalita. May problema ka ba?" "W-wala. Ano'ng magiging problema ko? There is nothing I can't handle, 'di ba?" aniya sa mas pinasiglang boses. "Na-miss ko lang ang boses mo, Kuya. Mag-iingat ka palagi sa trabaho mo. I love you. I have to go!" Matapos makausap ang kapatid ay nanlulumong napaupo si Fatima sa hanging chair. Muli niyang pinagmasdan ang mga bestida na nakalatag sa ibabaw ng kama. Nag-iisip siya kung itutuloy niya ba ang balak na pag-alis. Pumunta sa isang lugar na malayo sa mga magulang. Malaking halaga na rin naman ang naipon niyang pera sa bangko. Pwede rin naman siyang maghanap ng bagong trabaho sa lugar kung saan man siya mapadpad. Tatlong buwan na lang at uupo na siya bilang vice president sa Forever's Beauty Cosmetics. Malaking kawalan 'yon kung hindi na siya makakabalik sa lupang kanyang sinilangan. Huminga siya nang malalim at tumayo. Niligpit niya ang mga bestida at ibinalik ang mga iyon sa kahon. Naligo siya at pagkatapos ay natulog kahit basa pa ang buhok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD