Chapter 27

1060 Words
ALAM ni Fatima na maaari siyang itakwil ng ama sa naisip niyang plano pero mas pipiliin pa niya iyon kaysa makasal kay Kier. Huminga siya nang malalim bago kinuha ang kanyang cell phone at nag-dial ng numero. "Hello? Ano, ayos na ba ang lahat, Kim?" "Yes. Ang pinsan kong si Drix ang maghahatid sa ‘yo sa lugar na iyong pupuntahan. Basta mag-iingat ka, ha?" "Thank you for the help, Kim. Maasahan talaga kita sa oras ng pangangailangan." "Ayoko talaga nitong ideyang naisip mo." Bumuntong-hininga siya. "Tatawagan na lang kita, mamaya." Last night, she called her best friend and asked for help. Iisa lang ang alam niyang solusyon para hindi matuloy ang kasal; kailangan mawala ang bride. Tumayo siya mula sa kinauupuan na hanging chair. Sumilip siya sa pinto bago tuluyang lumabas at pumanaog. "Good morning, Dad," masiglang bati niya sa ama. Nanonood ito ng telebisyon sa sala. "Good morning. Ano, nakapili ka na ba?" anito sa pormal na boses. "Have a seat." Pinigilan niya ang mapaismid. Sa halip ay minabuti niyang ngumiti. "Y-yes, Dad. I’m wearing the black one." "You can’t. It’s an engagement party, not a funeral." Same difference for me. Sa isip niya. "The red one then." Nakangiting tumingin sa kanya ang ama. "That's a fine choice kaysa naman itim, hija." Humugot siya nang malalim na hininga. "I gotta go. Kailangan ako sa opisina. Marami pa akong report na tatapusin." "Gusto mo bang ihatid kita sa Forever’s Beauty Cosmetics?" "No, Dad! I’ll drive myself. Magpahinga na lang po kayo," sabi niya. Hindi kasi pumasok sa trabaho ang kanyang ama dahil masama raw ang pakiramdam. Nagtaka pa nga siya kanina nang makita niya ang bodyguard ng ama na nasa hardin. Kumibit-balikat ito. "All right." "Bye, Dad." Humalik siya sa pisngi ng ama at mabilis na tinungo ang kanyang kotse. Ngunit hindi pa man niya nabubuksan ang pinto ng kotse ay lumapit sa kanya si Gregor, isa sa mga bodyguard ng ama. Mahigit anim na talampakan ang taas ni Gregor. Hinawakan nito ang braso niya at hinila palayo sa kanyang sasakyan. Tiningnan niya ito nang masama. Napaiwas naman ito ng tingin at bumuntong-hininga. "Hindi mo naman siguro iniisip na maiisahan ang iyong ama, Fatima Madrid?" Mula sa likuran ay dumagundong ang galit na boses ng kanyang ama. She fretfully turned to face her father. "W-what are you talking about, Dad?" "Alam kong nag-file ka ng indefinite leave sa trabaho mo. At alam ko rin ang binabalak mo. You can’t run away. Ipinaalis ko na kagabi pa ang maletang inilagay mo sa trunk ng iyong kotse. Hindi ako tanga, Fatima. Alam ko ang plano mong pagtakas. Hala, sige! Ipasok ang babaeng iyan sa kotse at dalhin sa tagpuan!" utos nito kay Gregor. "T-tagpuan?" Kinabahan siya. "Dad, you can’t do this to me. I’m your daughter!" Nagpupumiglas siya. "Gregor, ano ba? Let me go!" "Exactly, you are my daughter. Kaya ko ito ginagawa dahil para sa iyo." "Dad, please, huwag mong gawin sa ‘kin ito. Pera lang ba ang halaga ko? Mas maraming lalaking mayaman dito sa earth, bakit si Kier pa?" "Who said it’s about money? Contrary to popular belief, promises in our family aren’t made to be broken." Mabilis siyang isinakay ni Gregor sa kotse at tinalian sa mga kamay. Isang panyo rin ang itinakip nito sa kanyang ilong. Bakit lagi na lang siyang ginagamitan ng gamot pampahilo ng mga taong gustong kumidnap sa kanya? At iyon na yata ang wakas ng maliligayang araw niya. Dahil nawalan na siya ng malay. ISANG mahinang ungol ang kumawala sa bibig ni Fatima. May bagay na pumipigil sa kanya para kumilos. Pagmulat ng mga mata niya ay tumambad ang nakagapos niyang mga kamay. Marahas ang naging pagbangon niya mula sa hinihigaang kama, dahilan upang malaglag ang lubid na akala niya ay nakapulupot pa rin sa mga kamay. Kahit paano, nakaramdam siya ng kapanatagan dahil malaya niyang magagamit ang mga kamay. Fatima looked around. The place was very luxurious and very unfamiliar. At sapilitan siyang dinala dito. Kaya may dahilan kung bakit siya kinakabahan. Umahon siya ng kama at naglakad papunta sa pintuan ng kuwarto. "Ouch!" Napangiwi siya nang maramdaman medyo mahapdi ang kanyang pulsuhan. Dahil siguro sa matagal na pagkakagapos. God, how can my father do this to me? usal niya sa isipan. Hinawakan niya ang door knob at sinubukan buksan ang pinto pero naka-lock iyon. She knocked on the closed door from inside the room. "Dad, are you out there? Gregor? Please, open this damn door! I beg you, open the door," she frantically shouted while knocking continuously. "Dad–" "That won’t work." Mabilis siyang napalingon nang marinig ang pamilyar na boses. Nanlaki ang mga mata niya. "Kier! A-anong ginagawa mo rito?" Halata ang pagtatagis ng bagang nito. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sulok. Natigilan siya. Bakit hindi man lang niya ito napansin? "You were to focused on opening that door, kaya siguro hindi mo ako napansin," anitong tila nabasa ang nasa isip niya. Inis na tinitigan niya ang saradong pinto. "Wait. I'm confused. What are you doing here? What are we doing here?" "I was actually going to flee last night. Aalis ako at babalik sa America. Alam kong ayaw mong pakasal sa akin. But my dad discovered my plan." Napamura ito. "Nasa garahe ako nang may taong tumakip ng panyo sa ilong ko." Nagdududa na napatitig siya sa mukha nito. "This could be one of your plans," akusa niya. "You’re too imaginative, wifey." She rolled her eyes. But she didn’t react when he called her ‘wifey’. "Sabihin mo sa akin kung ano ang gagawin natin ngayon?" "Sa narinig ko bago umalis ang bodyguard ni Tito Carlo, mukhang plano ng mga tatay natin na ikulong tayo sa lugar na ito hanggang sa mapagod sila sa paglalaro sa atin." "Ano ba ang iniisip nila?" napipikon nang tanong niya. "Hindi ko alam." He shrugged. "We have to think of something." Huminga siya nang malalim at tiningnan ang saradong pinto. "I agree," anito. "Hindi ba magaling ka naman sumira ng pinto?" "What the heck?" Inis na nilingon niya ito. "Nasira mo nga ang pinto ng opisina ko. Subukan mo lang at baka masira mo rin ang pintong ‘yan." Inginuso nito ang saradong pinto. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matatawa na lang sa sinabi ni Kier.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD