Chapter 23

1200 Words
ISANG pagtikhim mula kung saan ang umagaw ng atensyon nila ni Kier. "E-excuse me, Kier?" Parang napapasong itinulak niya ito. Inayos niya ang sarili. Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang namulsa si Kier–senyales na pati ito ay tensyonado sa mga sandaling 'yon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang lalaking nakatayo malapit sa pintuan ng opisina. "Draven?" Hindi niya alam, nakabalik na rin pala sa Pilipinas ang pinsan ni Kier. "Kailan ka pa dumating?" "Last month pa," sagot nito. Humakbang ito palapit sa kanila. "You look great, Fatima. Halos hindi kita makilala. Lalo kang gumanda at ang seksi-seksi mo na." Alanganin ang ngiting sumilay sa mga labi ni Fatima. Tumingin ito kay Kier. "Kier, nakalimutan mo yatang banggitin sa 'kin, okey na pala kayo ni Fatima. Ito talaga ang matagal ko nang hinihiling, ang magkasundo kayong dalawa." "Nagkakamali ka," mabilis niyang sabi. "Eh, ano'ng ibig sabihin ng nakita ko kani-kanina lang?" "Draven, you saw nothing," banta niya rito. "I repeat, wala kang nakita." "I have eyes, Fatima," sagot nitong nanunudyo ang mga labi. "Don't you dare tell anybody about this." Kinakabahan siya sa ideyang baka makarating 'yon sa kanyang ama at pwersahan siyang ipakasal kay Kier. Pero yakap lang naman 'yon at hindi naman sinasadya. "Why, not? Ano ngayon kung malaman nila na ang dating hindi magkasundo na hindi nagkita nang mahigit tatlong taon ay nahuling nagyayakapan sa mismong opisina ng presidente ng kumpanya?" nakakaloko pang hirit ni Draven. "Hoy! Hindi kami nagyayakapan!" Namula siya sa pagkapahiya. "She seduce me," nakangising sabat ni Kier." Mabilis niyang tinapunan ng isang masamang tingin ang binata. "'Yon talaga ang binabalak ko no'n-" Natutop niya ang kanyang bibig. Marahas siyang huminga. "Don't you ever come near me again, Kier, or I'll kill you on the spot. I promise." "Fine," anito, nakataas ang mga kamay. Sumusuko na ito? She doubted that. Dahil hindi pa rin maalis ang pilyong ngiti nito sa mga labi. How she wished she could scratch that smile off his face. Tumaas ang presyon niya. Kinuyom niya ang mga kamay. "By the way, what are you doing here?" baling niya kay Draven, nakangiti rin ito. "Ako ang dapat magtanong sa 'yo niyan." Tumingin ito kay Kier at kumindat. Napangiwi siya. Bakit nga ba ang lakas nang loob niyang magtanong. First cousin nga pala ito ni Kier. Ikinurap niya ang mga mata. "Nagtataka lang ako kung bakit narito ka sa Enchanted Perfumes." "Ikaw, bakit nandito ka? Akala ko ba magkakaroong ng delubyo kapag nagkita kayo ng pinsan ko? Mukhang exaggeration lang iyon. Considering the scene I walked up on earlier." "I'm outta here." Tinungo niya ang pintong sinira niya kanina. Suko na siya. "Fatima!" tawag ni Kier. "Bakit, gusto mo ulit masipa?" sikmat niya nang lingunin ito. "Wala ba akong goodbye kiss?" "Ah, kiss ba? Bakit hindi mo ikiskis 'yang nguso mo sa pader?!" nanggagalaiting sigaw niya bago tuluyan nilisan ang opisina nito. Dinig na dinig niya ang mataginting na halakhak ng dalawa. Pinagkaisahan siya ng magpinsan. Mayamaya ay biglang tumunog ang cell phone niya. Natigilan siya nang malaman kay Kier galing ang mensahe. Hindi na siya nagtaka kung paano nakuha nito ang mobile number niya. Nang makipag-deal siya sa kumpanyang pinamamahalaan nito ay naroon ang contact niya. 'Let's talk later. It's about our destiny. At tungkol sa sinira mong pinto sa opisina ko.' Love, Kier. Galit siyang nagtungo sa elevator at inihagis ang cell phone sa loob ng bag niya. Bwisit! Maaga ako nitong magkakaroon ng puting buhok sa ulo! BUONG lakas na pinakawalan ni Fatima ang hawak na palaso. "Hindi mo talaga matatamaan ang target kung mainit ang ulo mo, friend," biro ni Kim. Kasalukuyan silang nasa Fun Town Amusement Park ng Wellington. Niyaya niya si Kim na mamasyal doon dahil nai-stress na talaga siya at gustong mag-unwind. Mabuti na lang at pinaunlakan siya nito. Humarap siya kay Kim. Gusot na gusot ang kanyang mukha dahil naisip na naman niya ang nagpapa-stress sa kanya nitong mga nakalipas na araw. "Masama ba akong nilalang?" tanong niya sa kaibigan. "Sa pagkakaalam ko ay wala pa naman akong nilabag na batas at mabuting mamamayan naman ako ng Pilipinas. Pero bakit napakamalas kong babae?" Bahagyang tumawa si Kim, saka suwabeng pinakawalan ang hawak na palaso. Ngumiti ito nang tamaan ang target. Hinarap siya ng kaibigan at tinapik sa pisngi. "Mabuti pa, tigilan mo na 'yang pagsimangot mo, Fatima. Parang kinuyumos na papel ang mukha mo, maaga kang tatanda niyan. Malulutas mo rin 'yang problema mo. Tiwala lang." Tiningnan niya ito nang masama. Napabuga na lang siya ng hangin. Kung sana ganoon lang kadaling resolbahin ang kanyang problema. Pero hindi. Ilang beses na siyang nakiusap, nagmaktol, at nagmakaawa? Pero wala pa ring nangyari. Desidido talaga ang mga magulang niyang ipakasal siya kay Kier. Hindi rin naman siya makahingi nang tulong kay Kuya Tristan niya dahil hanggang ngayon ay nasa ibang bansa pa rin ito. Kapag hindi ka sumunod sa amin, mabuti pang kalimutan mong may mga magulang ka pa at kapatid. Umaalingaw ang mga salitang iyon na parang batingaw sa pandinig niya. Sobrang sama ng loob niya sa mga magulang. Ipinagpipilitan kasi ng mga ito ang isang bagay na hindi niya gustong gawin. Kung magrebelde ka kaya? Tumakas ka at magpakalayo-layo? sulsol ng kanyang utak. Salot ka talaga sa buhay ko, Kier! Kumuha ulit si Fatima ng palaso at itinira 'yon. Sa isip ay si "Kier" ang target. Nang tamaan ang target ay abot-tenga ang kanyang ngiti. "Alam mo, kung hindi lang kita kaibigan, iisipin kong nababaliw ka na," sabi ni Kim na hindi niya napansin na nasa harapan niya pala. Marahas siyang humugot ng hininga. "When my fixed marriage agreement happens, you might find me in an asylum. Or worse, maybe in Allen City Jail after I kill Kier." Of course, she wouldn’t do that. She was just irritated. Umiiling na tinawanan lang siya ng kaibigan. "Sa totoo lang, hindi pa rin nag-sink in sa utak ko ang tungkol sa arranged marriage n'yo ni Kier." Kumuha ulit siya ng isang palaso at ipinosisyon sa pana. Binanat niya nang husto ang string at itinutok ang palaso sa target. "See? Ako nga hanggang ngayon iniisip ko pa rin na binabangungot ako at anumang oras ay gigising na ang lahat ay walang katotohanan." "Oooh..." Pinalakpakan siya ni Kim nang walang mintis na tinamaan niya ang target. "Tell me more about it. I mean, ang tungkol sa arranged marriage ninyo. Biglaan kasi." Nakaismid na umiling siya. Kumuha uli siya ng isang palaso at gigil na handang tumira. "Ayoko pag-usapan." "Wifeeey!" Mabilis na itinutok ni Fatima sa taong sumigaw ang hawak na pana. Hindi na niya kailangan tingnan kung sino iyon. Sapat na ang nakakarinding boses nito para malaman kung sino ang tumawag sa kanya ng 'wifey.' Iisang tao lang naman ang tumatawag sa kanya ng gano'n. Hindi na siya nagtaka kung paano nalaman ni Kier na nandoon siya. Buwisit talaga ang lalaking ito! Paano ako magkakaroon ng peace of mind kung bigla na lang siyang sumusulpot? Pinaglihi ba siya Tita Charo sa kabute?! "Kalma lang, wifey!" tumatawang sabi ni Kier, nakataas ang mga kamay na parang sumusuko. "Baka mapatay mo ako niyan. Mabiyuda ka nang wala sa oras."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD