Maaga pa ring nagising si Wenona kahit na gabi na siya nang makatulog. Marahil ay may sarili ng oras ang kanyang katawan matapos ang tatlong taon na babad sa trabaho. Nang magising ay nagluto na siya agad ng lugaw at nagpakulo ng patatas. Inihanda rin niya ang sariwang saging at malinis na tubig sa misa.
Matapos maihanda ang lahat ay agad na siyang natungo sa gilid ng kanilang kusina upang maligo. Nag-iisa lamang ang kanilang gripo sa bahay, at sa kasamaang palad ay wala iyon sa loob ng kanilang one meter by one meter na sukat ng banyo. Puno rin ng pinagtagpi-tagping tarpaulin ang bahaging iyong ng kanilang bahay upang hindi sila masilipan. Balak niya sanang palagyan ito ng sementong bakod noon, ngunit hindi na kinaya ng budget niya. Kaya ngayon ay yari ito sa kahoy at yero na tinapalan ng maraming tarpaulin. Mas mahalaga sa kanya ang bahay na kanilang masisilungan kaya mas priority niya ito.
“Hindi ako maaaring matagalan bago makahanap ng work. Babalik na sa eskwela sina Nonot at Allen. Eh, pamasahe pa lang nila back and forth ay nasasagad na ako.” May mga elementary school naman malapit sa kanila. Ngunit mas pinili niya ang paaralan kung saan naka-endrol ang mga kapatid niya ngayon, dahil may special need si Allen. Isa sa naging triggering point niya na ilipat sa isang religious school ang mga kapatid niya ay dahil sa bullying. At kung pagbabasehan ang paaralan niya noon ay alam niyang wala siyang aasahan na proteksyon. Kahit eskolar ang mga ito dahil sa kakaibang talino lalo na si Allen ay mayroon pa rin siyang mga kailangan bayaran, at isa na roon ang mga School project.
Nang muli na siyang pumasok sa kanilang bahay ay nakasuot na siya ng isang high waisted na pantalon at long sleeve choker crop top. Dakilang pambato niya talaga ang ayos na ’to sa tuwing mag-a-apply siya ng mga trabahong part-time lang. Suot din niya ang pamatay niyang doll shoes dahil yari ito sa plastic. Naglagay lang siya ng polbo dahil wala naman siyang perang pang-Mybe**in* at kung ano-ano pang make up, maliban sa strawberry flavor niyang lip gloss.
“Augh! Slightly dry na naman ang labi ko . . .” bulong niya sabay tanggal sa mga nagbabalat sa parte ng labi niya. Tumigil lang siya nang medyo mahapdi na ito.
Nang makitang alas syete na at tumakbo na siya agad sa silid nila upang ibilin kay Nonot ang mga bagay-bagay.
Matapos makalabas sa kanilang eskinita sakay ng isang de-pedal na sasakyan ay bumaba na siya sa main road ng kanilang lugar. Nagpasya na lang siyang mag-taxi mula roon lalo’t hindi niya masyadong gamay ang lugar.
Nang makababa ay doon nga niya nakumperma na talagang home for the aged nga ang harap ng Agaton police station 5.
“Hala . . . Ano’ng sasabihin ko kay kuya guard? Hello kuya guard, dito po ba ang Blind Satisfaction? Iyong lalabasan ka kahit hindi ka naman inaano?” para siyang sirang bumubulong sa sarili habang palinga-linga at mabilis na tumawid. Nang nasa tapat na siya ng building ay talagang hindi niya magawang ihakbang ang kanyang mga paa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung paano magtatanong.
Hanggang sa nagpasya muna siyang magmasid saglit. Ilang sandali pa ay isang magarang kotse ang dumaan sa kalsada at nag-park sa parking space ng HFTA. Agad niyang nakita ang isang lalaking mga nasa forties na at nakasuot ng pormal na damit.
“Ang pogi . . .” bulong niya. Ang hindi niya alam ay may tao pala sa likod niya.
“Pogi nga ano? ’Yan si Mr. Lim. Regular na kostumer ng BS,” anito at malapad na ngumiti sa kaniya.
“BS? As in Blind Satisfaction?” Labis ang kanyang pagdarasal na sana nga ay ito na ang hinahanap niya.
“Yep! At sa tingin ko ay isa kang applicant. Hali ka na! Bilisan mo. May pila kasi. At tatlong phase ang iyong dadaanan bago ka maging ganap na trainee. Hay! Sana talaga pumasa na ako sa second phase.” Agad naman siyang na-curious sa sinabi nito.
“Ano pala ang mga kailangan kong daanan?”
“Sa first phase ay titingnan nila kung may confidence ka ba o wala. Pangalawa ay titimbrehan nila ang boses mo at paano ka magsalita. Ang huli ay titingnan ka nila mula kuko sa paa hanggang dulo ng iyong buhok.” Malalaking lagok ng kanyang laway ang nagawa niya dahil sa narinig. Feeling niya talaga ay parang magbebenta sila ng aliw, pang first class nga lang. Parang pinasosyal na pambubugaw.
“Dali!” Hinila siya nito dahilan upang mapatakbo na rin siya. Totoo nga na sa home for the aged ang kanilang pinasukan. Ngunit nang nasa loob na sila ay agad pumasok ang babaeng kasama niya sa isang elevator na may nakasulat na common.
Nang nasa loob na sila ay agad itong kumuha ng salamin sa bag at nag-retouch ng make up. Samantalang siya ay hinagod-hagod na lang ang buhok dahil wala siyang dalang kahit ano maliban sa kanyang cellphone na may nakaipit na pera sa loob; pamasahe at pangkain.
“Oh! My bad. Ako nga pala si Karina. Pangalawang sabak ko na ito.” Wenona awkwardly smiled, “Ako naman si Wenona. Hi-hindi ko alam kung handa ba akong nag-apply,” aniya at nagkakamot ng batok.
“Ako pa sa ’yo ay subukan mo. Pang model naman ang datingan mo eh.” Tumigil na ito sa pagsasalita at naglagay ng lipstick na pulampula. Napapailing na lang siya lalo na nang kanyang makita ang namumula nitong heels na para bang kagagaling lang e-bleach at nasobrahan. Sobrang puti rin nito at dinaig pa ang natural niyang metiza’ng kotis.
Matapos ang halos dalawang minuto ay tumigil na rin ang elevator at agad na bumukas.
“Wenona, dali!” Para itong sinisilaban at hindi mapakali. Habang siya ay unti-unti na ring nakaramdam ng kaba. Sa may hindi kalayuan ay natatanaw niya ay isang pila ng mga kababaihan na hindi naman ganoon karami.
“Okay. Dahil eight in the morning na ay magsisimula na tayo. Lahat kayo ay maayos na humilira upang makita namin kayo nang maayos.”
Hinila siyang muli ni Karina dahilan upang mapasama na rin siya sa linya.
“Ituwid mo ang iyong leeg. Look like a professional . . .” bulong nito at mabilis naman niyang ginawa. Basta ang nasa isip niya ay isang professional mang-aakit. Inosente siyang ngumiti ngunit puno ng misteryo’ng kumikinang ang kanyang mga mata.
“Hmmm . . . Get inside, Ma’am. You too, you . . .” Naririnig niya hanggang sa papalapit na ito sa kanila.
“Uhm . . . Perfect. Maaari na rin kayong pumasok dalawa,” wika ng magandang babae sabay turo sa pinto kung saan dumaan ang apat na babaeng napili. Kitang-kita naman niyang may naiwan na pitong babae. Ang isa pa sa mga ito ay umiiyak.
“Mag-focus ka, girl. Ohhh . . . Sana gumana iyong pag papatutor ko.” Ngumiti naman siya sa sinabi nito. Talagang gusto nitong makapasok.
Nang lumiko sila ay nakita pa niya ang isa sa apat na mga babae. Nang makarating sila ni Karina sa loob ay nakaupo na ang mga ito, dahilan upang umupo rin sila sa dalawang bakanteng glass chair na may malambot na puting caution.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ang isang mala-model na babaeng naka-office suite. Hindi na ito nagsalita pa ngumiting humarap sa kanila sabay guide sa unang aplikante na pumasok sa silid kung saan ito nanggaling. Sa paglipas ng halos tatlong minuto lang ay lumabas na ang nauna sa kanila na umiiyak. Ganoon din ang nangyari sa sumunod na dalawang babae maliban sa isa at kay Karina. “Galingan mo, Wenona girl . . .” bulong nito at ramdam niya ang labis nitong kasiyahan.
Halos tinatambol ang kanyang puso sa kaba nang ituro na siya ng magandang babae bilang huling sasabak sa kung ano man ang gagawin sa loob. Wenona could feel her body trembling habang lumalapit sa pinto.
“Relax, honey. The only key is to relax and be natural . . .” bulong nito sa tenga niya at sinabayan siyang pumasok sa pinto.
Nang nasa loob na siya ay agad niyang napansin ang dalawa pang magagandang dilag habang malapad na nakangiti sa kaniya. Mukhang pang Miss U ang dating ng mga ito sa kanyang palagay.
“Hello, Miss, Wenona Somano. I am Faliya, this Farrinah at that gorgeous one is Famera. We are sisters. Don't worry, just relax, okay?” Agad naman siyang tumango at ngumiti. Kahit paano ay naibsan ang labis na kaba sa kanyang puso.
“All you have to do is read those sentences that are projected on the whiteboard naturally,” anito kaya mabilis siyang napalingon sa tinuro nito. “You can give it a try to familiarise yourself with those words.”
Huminga siya nang malalim at marahang ngumiti. Iniisip niya ang samu’t saring interview na naranasan niya, na ang iba ay nabastos pa siya.
“Hello, Sir. How are you? What would you like to experience today?” patanong niyang bulong. Muli siyang ngumiti at bumuka muli ang kanyang bibig, “Hello, Sir.” she charmingly smiled habang nakaharap sa tatlong magkapatid. “How are you?” Gamit ang sinsiro niyang tono at sinabayan pa ng natural na malambing niyang boses. “What would you like to experience today?” Hindi niya inalis ang tingin sa mga ito habang nang-aakit na ngumiti.
“Oh, God! That's fabulous! No wonder . . .” Napakunot naman ang kanyang noo sa huling sinabi nito. Hindi niya alam kung mali lang ba ang pagkakarinig niya o hindi.
“Thank you, Miss Faliya. Miss Farrinah and Miss Famerah.”
“Well, you can proceed to the final phase. Sister Fali, you can now escort Miss Wenona please.” Paglabas nila ng pinto ay agad niyang nakita ang excited na mukha ni Karina. Halos mapatalon naman ito nang tumango siya at ngumiti.
Hindi naman niya mapigilang isipin. She came here with all her doubts and unsure things. But now, she ended up having an unexpected friend.
“Maaari na kayong sabay na pumasok sa elevator. At the end of that is your final result. Good luck, future Goddesses,” wika nito at nag-wave pa bago tuluyang sumara ang elevator.