Blind Satisfaction: Black note
Mabilis ang kanyang takbo habang itinatago sa loob ng suot niyang jacket ang mga pinamiling pagkain. Dahil gabi na siya umuuwi ay wala ng masakyan papasok sa kanilang lugar, lalo’t nakasara sa gabi ang private road na maaari nilang daanan sa umaga. Sa lakas nang buhos ng ulan ay wala siyang pagpipilian kun’di ang suongin ito dahil magugutom ang kanyang mga kapatid. Tanging lugaw lang ang pagkain na iniwan niya sa mga ito dahil nagbayad siya sa renta sa puntod ng kanilang mga magulang sa sementeryo. Pagod na pagod man galing sa tatlo niyang part-time job ay wala siyang pagpipilian. This is her life for the last three years. She was fifteen nang mamatay sa isang riot sa kanilang lugar ang kanyang Ama at Ina. Sa pangyayari na ’yon ay nasunog ang kanilang tahanan dahil sa malaking sasakyan na bumangga sa kanilang bahay deretsyo sa silid ng kanilang mga magulang at doon ito sumabog sa kalagitnaan ng gabi. Nakaligtas man kasama ang dalawang kapatid ay para na rin siyang namatay. Kahit salat man sila sa yaman noon pa ay hindi pinaramdam ng kanyang mga magulang na walang-wala sila. Maayos silang nakakakain at nakakapag-aral siya kahit putol-putol. Kaya nang sila na lang ang naiwan ay ibinuhos niya ang kanyang atensyon at lakas sa mga kapatid. Pinangako niya sa sarili na hindi niya pababayaan ang mga ito lalo’t mga bata pa.
“Nonot . . . Alen! Narito na si Ate. Buksan niyo ang pinto!” Malakas siyang kumakatok at sumisigaw lalo’t kinakain ng ulan ang ingay na ginagawa niya. Malakas pang tumutunog at hinahampas ng hangin ang malaking tarpaulin na ginawang dingding ng kanilang kapit-bahay. Dahil nakatira sila sa squatters area ay dikit-dikit ang kanilang mga tahanan. Kaya ang una niyang ginawa noong nagkakapera na siya ay pinasemento niya ang maliit nilang bahay nang paunti-unti.
“Nonot! Nonot!” sigaw niyang muli. Dahil si Nonot ang mas matanda sa dalawa niyang kapatid ay ito ay lagi niyang inaasahan upang alagaan ang babae nilang bunso.
Nang lumipas ang halos limang minuto ay nagsimula na siyang kabahan dahil wala pa ring sumasagot. Kahit may dala siyang susi ay hindi pa rin siya makakapasok dahil nakasara ang pinto mula sa loob; bilin niya sa mga kapatid. Kaya mabilis siyang umakyat sa may bintana at dumaan sa siwang sa kanilang hindi pa tapos na kisame. Maliit lamang siya at payat kaya ay kasyang-kasya siya sa butas na iyon. Nang makababa ay mabilis niyang binuksan ang pinto upang kunin ang pagkain na itinago niya sa likod ng kanyang halaman.
“Nonot! Alen!” sigaw niyang muli habang nagbibihis mula sa mga damit galing sa sampayan sa kusina. Nang makapagbihis ay mabilis siyang tumakbo patungo sa kanilang maliit na silid.
“Nonot . . . Ale—”
“Nonot! Allen! Tulong!” Halos bumagsak ang kanyang katawan nang makita ang dalawang kapatid na nanginginig habang nakabalot ng kumot.
“Tulong! Tulong! Ninang! Ninang!” Malakas ang kanyang sigaw at hindi magkandaugaga na yakapin ang dalawa niyang kapatid.
“Tulong! Ninang!”
“Wen! Wen! Narito ako! Buksan mo itong pinto, Anak!” sigaw ng kanyang ninang. Mabilis naman siyang tumayo at halos masubsob pa sa sahig.
“Ninang! Ang taas po ng lagnat nina Nonot at Allen . . . Ninang ano’ng gagawin ko?” Naglalandas ang masgana niyang mga luha habang nanginginig ang buong katawan.
“Sa-sandali.” Mabilis itong pumasok sa kanilang silid at nilapitan ang dalawang bata.
“Kumuha ka ng suka at bimpo, Anak. Dalian mo!” Halos liparin na niya ang kusina at dinampot ang malaking gallon ng suka mula sa ilalim ng kanilang misa. Mabilis siyang nagsalin ng suka sa isang plastic bowl at dinala agad sa silid nila. Sa sobrang pagmamadali ay panty na ang nahugot niya imbes na bimpo.
Nang makapasok siyang muli sa silid ay mabilis na isinawsaw ng kanyang ninang ang puting tela sa loob ng bowl at gano’n din ang ginawa niya. Ipinunas nila ito sa katawan ng dalawang bata at nang matapos sila ay inilagay nila ang tela sa noo ng mga ito.
Ngunit lumipas na lang ang labinlimang minuto ay nanginginig pa rin ang dalawang bata. Hindi na gaanong mataas ang lagnat ng mga ito pero mainit pa rin talaga.
“Ni-ninang . . .” sambit niya habang nag-uumpisa na namang umiyak.
“Da-dalhin na natin sila sa Ospital. Mamaya na natin isipin ang pambayad. May naitabi ako rito kunti. Kasya ito para makapasok tayo sa pinakamalapit na Ospital.” Hindi na siya sumagot pa. Bagkus ay nagmamadali siyang kumilos. Binihisan niya ang mga ito dahil na rin sa suka at basang dumi. Sa tulong ng dalawang lalaki nilang kapit-bahay ay nadala nila ang mga kapatid niya sa pinakamalapit na private hospital. Gamit ang perang pinahiram sa kanya ay matagumpay na naipasok ang mga ito. Kahit paano ay nakakahinga na siya nang maluwag. Dahil kailangan pang pumasok sa trabaho ang Ninang niya ay iniwan na muna siya nito. Naroon lang siya sa bench habang naghihintay sa maaaring resulta sa ginawang mga test sa dalawa niyang kapatid. Kahit basambasa ang suot ay hindi na niya iyon ininda. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay nanginginig na siya dahil sa lamig kung pagmamasdan sa labas.
“Miss, here. Isuot mo. Baka mas lumaki ang iyong problema ’pag pati ikaw ay nagkasakit.”
“Sa-salamat.” Tinanggap na lang niya ang isang makapal na coat at hindi na niya ito nilingon pa. Nakikita naman niya ang maputi nitong hita habang nakasuot ng pulang pointed shoes. Masyadong nakatoon ang kanyang atensyon sa pinto ng emergency room kaya ay hindi na niya gaanong inisip pa ang ginawa nito.
“Sino po rito ang parents ng dalawang bata—”
“A-ako po Doc! Ate nila ako!” Mabilis siyang sumagot at lumapit sa babaeng nakasuot ng Doctors coat.
“Stable na po ang lagay ng dalawang pasyente, Ma'am.” Halos lumuhod na siya sa harap ng Doctor nang marinig niya ang sinabi nito.
“A-ano po ba ang nangyari sa kanila, Doc?”
“Nagkaroon sila ng Foodborne illness.”
“Po?” Nagatataka siya dahil hindi niya maunawaan ang sinabi nito.
“Food poisoning. Ano po ba ang kinain nila?” Mas lalo siyang nagtaka sa tanong nito. Tanging ang lugaw na iniwan niya ang pagkain nila. Paano ma-po-poison ang mga ito gayong ayos naman siya dahil kinain din niya ’yon.
“Hi-hindi ko po alam. Pa-pareho naman po ang kinain namin. A-ayos lang naman po ako.”
“Well, tanungin na lang po natin ang mga pasyente ’pag nagising na sila. Mabuti at malakas ang kanilang immune system at hindi fatal ang nangyari. Bilihin mo na lang ang mga gamot na ito.” Ngumiti ang Doctor sa kanya at nagpaalam na rin kasama ang dalawang nurse.
Ilang sandali pa ay inilipat na ang kanyang mga kapatid sa isang private room. Matapos masiguro na ayos na ang mga ito ay mabilis niyang kinuha ang natira niyang tatlong libong pera upang bumili ng mga gamot.
Halos mahimatay siya nang naubos na ang perang dala niya at hindi pa nabili ang lahat.
“Paano na ’to?” bulong niya at nanlumong umupo sa gilid ng lagayan ng bulaklak. Napahilamos siya gamit ang dalawa niyang mga palad at pinigilan na ’wag maiyak. Pinagpapawisan na rin siya dahil natuyo na ang suot niyang pambahay na malaking T-Shirt, dahilan kung bakit nakaramdam na siya ng init sa suot niyang coat. Wala sa sariling tinanggal niya ito nang may makapa siya sa secret pocket nito.
“Ma-maraming pera? Pe-pera?” Halos hindi na siya makakurap at agad na sinuyod nang tingin ang paligid. Agad na hinanap ng kanyang mga mata ang babaeng maputi na may suot na pulang sapatos. Ngunit hindi na niya ito mahagilap pa. Nang tanggalin nila sa loob ng sobre ang laman na pera ay nalaglag ang isang kapirasong itim na mamahaling papel. Nangungunot ang kanyang noo nang makita ang isang website na nakasulat doon. Sa itaas naman nito ay nakasulat ang pangalan na Blind Satisfaction at may note na use this money. Wala sa sariling napalunok siya at agad na Kinilabutan. Mukhang hindi niya nagustuhan ang pangalan niyon.
“Blind Satisfaction? Ano ’yon? Mukhang hindi matino . . .” bulong niya at muli itong ibinulsa. Iniisip niyang titingnan niya na lang ito ulit kapag nakauwi na sila ng kanyang mga kapatid. Napaka hipokrita naman niya kung hindi siya magbabayad ng utang at utang na loob
Kahit nababagabag pa ay ipinagpapasamat na lamang niya ang pagdating ng misteryosong babae. Nagpasalamat siya sa Poong-Maykapal at masayang namili ng mga healthy food na maaari lamang kainin ng kanyang mga kapatid. Matapos mamili ay para siyang nasa-alapaap na naglakad pabalik sa kanilang silid sa Ospital. Naisip niya na ganito ang nagagawa ng pera. Mabilis na nawawala ang mga suliranin.
Lumipas ang apat na araw ay na-discharged na rin ang mga kapatid niya. Kanya ring nalaman na bumili pala ang mga ito ng pagkaing nilalako dahil bente pesos lang daw at marami na. Matapos mapagsabihan ay nangako naman ang dalawa na hindi na nila iyon uulitin. Masaya silang umuwi sa kanilang maliit na tahanan at doon ay nagpahinga.
Dahil hindi na makapag hintay ng apat na araw ang kanyang mga boss sa part-time job ay malas namang tinanggal siya ng mga ito. Sa ngayon ay nakaupo siya sa isang silya at iniisip ang nawala niyang mga trabaho. Nang maalala niya ang black note. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone at nakisagap ng wifi sa kanyang ninang. Nabayaran naman niya ang utang niya rito maging ang malaking bill ng hospital. Alam niyang nais pa siya nitong tanungin tungkol sa pera. Ngunit imbes na magtanong ay sinabihan lang siya nito na mag-ingat at palagi lang itong nariyan sa kanyang tabi.
Matapos matipa ang website ay hindi siya mapakali habang hinihintay kung ano ang lalabas. Nagsuot din siya ng earphones dahil baka bigla na lang may umungol nang malakas. Natatawa man siyang isipin ’yon ngunit alam niyang sa perang nakuha niya ay walang matino sa kanyang patutunguhan. Malaki pa ang natirang halaga at maaari pa silang lumipat sa mas maayos na lugar.
“Welcome to our secret world. The place where you can vent your urge without doing anything s****l!”
Mabilis pa sa alas-kwatro siyang napatingin sa paligid at hinihingal na kinapa ang sariling dibdib.
“Mahabaging mga langit! Wala raw s****l, eh halos hubad na itong nagsasalita . . .” bulong niya sabay pahid sa namumuo niyang pawis sa noo.
“Ate? Namumutla ka po. May masakit ba sa ’yo?” anang boses ng kapatid niyang si Nonot. Tila mas nadagdagan ang kanyang kaba at parang naiihi na siya.
“Ha? Ako? Naku, wala . . . Gutom na ba kayo?” Mabilis niyang ibinulsa ang kanyang cellphone at nagpasyang tingnan ito ulit ’pag tulog na ang kanyang mga kapatid.