Chapter 8 CRAVING

2105 Words
NAHINTO SA PAGSUBO si Khaira nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok. Masama niyang sinulyapan ang pintuan. Kung sinuman ang nasa labas ay talagang makakatikim sa kanya. Kapag ganitong gutom siya at masama ang loob ay wala dapat umiistorbo sa kanya. "Senyorita, pinapatawag na po kayo ni Senyorito," boses mula sa labas. Napairap na lang siya sa hangin. Tumayo siya saka nagtungo sa may pintuan. "Bakit daw po?" Bungad niyang tanong pagkabukas ng pintuan. Natigilan pa ang isa sa mga katulong na hindi na nga niya maalala kung ano ang pangalan dahil sa dami ng katulong sa mansion na 'yon. "Ah, pi-pinapatawag po kasi kayo ni Senyo—" "Sabihin n'yo po sa kanya na ayokong sumama sa kanya. Pwede na po siyang umuwi mag-isa," pagkasabi niya no'n ay tinalikuran na niya ito hindi na niya hinintay ang reaksyon ng pobreng katulong na mukha sumalo sa init ng ulo niya. "Si-sige po senyorita," narinig niya pang tugon nito bago tuluyan umalis. Bumalik siya sa pagkakasalampak sa may carpet at binalikan ang kinakain na mga prutas. Ito yata ang pinaglilihian niya dahil gusto lang niyang kumain ng prutas mula umaga hanggang madaling-araw. Kasalukuyan niyang nginunguya ang mansanas nang mapansin niya ang katulong sa may pintuan na parang nag-aalangan pa kung kakatok o papasok na lang. Iniwanan niya kasing bukas ang pintuan. "Ano po 'yon?" Siya na ang unang nagsalita at baka abutin pa ito hanggang next life bago makapagdesisyon. "Ah, Senyorita…sabi po kasi ni Senyorito huwag n'yo na raw po siyang galitin at bumaba na raw po kayo. Sa-sasama raw po kayo pauwi sa kanya." Nagpanting ang tainga niya sa narinig. Ngayong alam na ng asawa ang totoo ay hindi na siya natatakot rito. 'E, ano naman ngayon kung magalit siya, pakialam ko.' Ipinagpatuloy niya ang pagkain at kunwari ay wala siyang narinig. "Senyorita," tawag muli sa kanya ng katulong. Bakas na ang takot sa mukha nito. Siguro ay mala halimaw na naman ang itsura ng asawa kaya gano'n na lang ang takot ni Ate.' Pero gwapo pa rin naman kahit galit siya' Bigla niyang inawat ang pagpuri sa asawa niyang walang modo. "Sabihin n'yo po na siya ang magsun—" "Do you want me to carry you and bring you home?" Ang baritonong boses ni Peter ang nagpatigil sa iba pa niyang sasabihin. Nakatayo na ito sa may bungad ng pintuan habang si Ate ay nasa likuran nito. Sa laki at lapad ng katawan ng asawa ay hindi na nga niya masilayan si Ate. Tapos nakapamaywang pa ito, parang hari lang sa sarili nitong kaharian. "Sige na po, iwanan n'yo na kami," rinig niyang sabi pa nito. Iniwas niya agad ang tingin nang bumaling ito sa kanya at inabala ang sarili sa pagsubo habang ang mga mata ay nakatingin sa mga prutas na walang kamalay-malay. "Look at me, Qīzi." Ayun na naman ang endearment nito na nakakapagpabilis ng t***k ng puso niya. At kahit ayaw niyang tingnan ito ay kusa naman niyang inangat ang ulo upang salubungin ang magkasalubong nitong kilay. "Uwi na tayo," mahinahon nitong sambit na nagpahinto yata sa kanyang paghinga. Habang nakatitig siya sa mukha nito ay hindi niya napigilan na imemorya ang bawat sulok no'n. She can't deny that her husband is one of the girls' dream guys. At ang paghuhurementado ng puso niya sa tuwing magtatagpo ang kanilang mga mata ay alam niyang may ibang dahilan. Ang sarap pa sa pandinig nang pagkakasabi nito ng 'uwi na tayo'. Para bang biglang may mga fireworks ang lumabas at ngayon ay— "Ouch!" daing niya na may bahagyang pumitik sa kanyang noo. Napaatras pa siya nang makita kung gaano na kalapit ang mukha nila ng asawa. Bakit hindi niya namalayan na nakalapit na ito. Gano'n na ba siya ka-busy sa pag-alala sa napakagwapo nitong mukha. "Huwag kang o.a, mahina lang 'yon. And stop daydreaming it's too early. Tara na at masakit ang ulo ko," he said while helping her to stand up. Nang maalala kung bakit pala siya may drama rama sa hapon esteh umaga ay scene pala ay bigla niyang binawi ang kamay rito pagkatayo niya saka ito inirapan. "I'm not going," matigas niyang sabi. "And why?" "Because…You said 'di ba? Nakalimutan mo na agad?" "I did not say anything." Dahil sa pagtanggi nito ay napaharap tuloy siya rito. At ayun na naman ang kagustuhan niyang titigan lang ang napakagwapong mukha ng asawa. 'No. It's nothing to do with me. It's part of my pregnacy. Yes, yes,' pangungumbinsi niya sa sarili. "You said you don't need a user like me," paalala niya rito. "Are you a user?" "No," mabilis niyang pagtanggi. Hindi naman kasi talaga. "Hindi naman pala. So, tara na uwi na tayo." Hinila nito ang kamay niya saka pinagsalikop 'yon. Hindi siya marupok at hindi siya magpapadala sa mga pambobola ng asawa. "Please." "Sige na nga. Pero buy mo ako fries, I want to eat some fries." 'Akala ko ba hindi ka marupok, Khaira? Nag-please lang, sumama ka na.' Natawa na lang siya sa sarili dahil sa munting tinig na 'yon. Sino ba makakatanggi sa maka-laglag matris nitong mukha habang sinasambit ang katagang 'please' no one not even her. "Para kang bata. And fries should not be eat by a pregnant woman," sermon ni Peter sa kanya habang iginigiya siya palabas ng silid. Mabuti at nahila niya ang bag na nakapatong lang sa may upuan. Bigla na lang siya napasimangot dahil sa pagtanggi nito. She wants fries, lalo na 'yong bagong luto. Biglang siyang naglaway sa naiisip. A fries and a sundae—perfect combination. At kailangan niya makain 'yon ngayon. Idinikit niya ang katawan kay Peter na ikinatigil nito at ikinalingon sa kanya. Ipinaskil niya ang pinakamatamis niyang ngiti. Mas lalo itong natulala. Alam niyang maganda siya. Pero, kailangan na nilang makabili bago pa niyan ibaon ang asawa. "Our baby is craving for some fries and sundae, is not me, promise." Itinaas niya pa ang kanang kamay upang mangako rito sabay beautiful eyes. Napapikit ito saka hinilot ang sentido. Parang fries lang napaka O.A. "Fine! Kung ayaw mo,e, 'di 'wag." Bumitaw siya sa pagkakasalikop ng kanilang mga kamay at nagdadabog na naunang bumaba. Napatili siya nang biglang may humawak sa baywang niya at inalalayan siyang makababa. Pinisil pa ni Peter ang tagiliran niya kaya naman napalingon siya rito para lamang salubungin ng mga mata nitong bakas ang amusement. Nanatiling magkahinang ang kanilang mga mata at hindi nga niya alam kung paano sila nakarating sa pinakahuling baitang ng hagdan nang hindi gumugulong. "We will buy it, ok," bulong ni Peter sa tainga niya sabay kagat sa may punong tainga kaya naman napasinghap siya dahil sa biglang pagdaloy ng bolta-boltaheng kuryente sa katawan niya. Binitawan na nito ang baywang niya at muling pinagsalikop ang kanilang mga kamay. Nagpatangay na lang siya sa kung saan siya nito dadalhin dahil tuluyan na yata lumipad ang isip niya sa kawalan. "Nygel Peter, I told you to let her stay here," salubong ni Amah sa kanila. "We're going home, Amah." "But…" Lumipat ang tingin ni Amah sa kanya. "Are you sure?" Nag-aalala nitong tanong. Sinulyapan niya muna si Peter na sinalubong ang tingin niya saka siya tinaasan ng kilay. 'Nahiya naman ako sa kilay niya' kapagkuwan ay muling ibinalik kay Amah. "Opo. Dadalaw na lang po ulit ako o kaya kayo po ang dumalaw," magalang niyang sagot. "If that's your decision, ok. Take care of yourself and your vitamins don't forget." Hinaplos ni Amah ang kanyang medyo umbok ng tyan. "Amah can't wait to see you little Nygel." Natawa siya sa sinabi ni Amah. "Amah, I want to go home." Hinila na siya ni Peter palayo kay Amah. "Peter Nygel, I warn you—No Hard s*x!" Madiin na bilin ni Amah na ikinayuko niya bigla nang maalala ang nangyari sa kanila ng asawa. Kung paano nito winasak nang tuluyan ang kanyang p********e. She heard him groaned like he remembered something. Pareho ba sila ng naalala? Nakaabang na ang kotse ng asawa pagkalabas nila sa mansion. Iginiya at pinagbuksan muna siya nito ng pintuan. Pero hindi niya inaasahan ang pagyuko nito matapos niyang makaupo nang maayos. Napakurap-kurap pa siya dahil ang lapit ng mukha nito sa kanya. Kapag lumingon ito ay siguradong magdadampi ang mga labi nila. Lalo na at kulang na lang ay halikan niya ang pisngi nito. At ganun nga ang ginawa niya kasabay nang tunog na naikabit na nito ang seatbelt ay ang pagdampi ng labi niya sa pisngi nito upang gawaran ng isang smack lang naman. NATIGILAN SI PETER nang maramdaman ang pagdampi ng mga labi ni Khaira sa kanyang pisngi. Kaya naman nang mawala ang mga labi nito sa pisngi niya ay dahan-dahan niya itong nilingon. Nagtama ang kanilang mga mata. "Thank you kiss, yeah. Th-thank you," nauutal pa nitong depensa at mabilis na iniwas ang tingin sa kanya. Hindi tuloy niya napigilan tumaas ang sulok ng mga labi. She's really cute. "It should be in my lips not in my cheek," sabi niya at hindi inalis ang titig sa asawa. Kaya naman nakita niya kung paano unti-unti nagkukulay pula ang mga pisngi nito. "U-umalis na nga tayo. Baka makita pa tayo ni A-Amah," sabay tulak sa kanya. Pero hindi man lang siya napagalaw nito dahil kay hina ng pagkakatulak o sadyang malakas lang siya. Hinawakan niya ang mukha nito saka pinaharap sa kanya. Walang sere-seremonyas niyang sinakop ang mga labi ng asawa. At bago pa lumalim ang halikan nila ay pinakawalan na niya ito. "You're very much welcome, Qīzi." Pagkasabi no'n ay tuluyan na niyang isinara ang pintuan saka umikot upang magpunta sa driver's seat. Agad niya rin pinaandar ang kotse at tinahak na ang daan palabas ng mansion. Habang nasa daan ay pasimple niyang sinusulyapan ang asawa na nanatiling tahimik. Hindi niya tuloy alam kung galit ba ito o ano. 'Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa mga tao sa paligid mo?' Tanong ng munting tinig sa isip niya. "She's my wife," naisambit niya. "May sinasabi ka?" Napalingon tuloy siya sa asawa nang biglang magsalita ito. "I think I heard you," dagdag pa nito. Mabili niya rin ibinalik sa daan ang tingin. Muntik na niyang sampalin ang bibig. "Ah, I'm asking what else do you want?" Palusot niya. "Just fries and sundae—liko mo dyan." Turo nito sa isang sikat na fast food. Mabilis naman niyang kinabig ang manibela. "Let's drive thru na lang, sabi mo masakit ulo mo. Ano ba kasi ginawa mo?" Nag-aalala ba ito sa kanya? Hindi na niya ito nasagot dahil kinausap na siya ng crew. Nang makuha niya ang kanilang order ay maingat niyang inabot ito kay Khaira. "Careful," agad niyang sabi nang para itong patay-gutom na nagmamadali maagaw ang pagkain sa kanya. "Hindi ka ba pinakain? Naabutan pa lang kitang kumakain ng mga prutas," sabi niya habang minamaniobra ang kotse palabas sa drive thru. Napailing na lang siya nang makita busy na si Khaira sa pagnguya. Nang sulyapan niya ito ay saktong isinasawsaw nito ang fries sa sundae kaya napakunot ang noo niya. At dahil red light ay nagkaroon siya ng pagkakataon pagmasdan ito. Napalunok siya nang isubo nito ang fries na may sundae. At napamura siya nang dilaan pa nito ang dulo kung saan may natira pang sundae. Mabilis niyang binawi ang tingin mula rito nang bumaling ito sa kanya. "I know you are watching me. Why? Do you want a taste?" He shook his head to say no. But he did not expect what she did. "Say ahh." Nasa tapat na ng kanyang bunganga ang isang piraso fries na isinawsaw sa sundae. "Bilis na, don't be shy. It's taste good." Mas inilapit pa nito ang pobreng fries sa bibig niya. And being a doctor he was aware that pregnant women are more sensitive. Kaya wala na siyang nagawa kundi ibuka ang bibig saka isubo ang ipinapasubo nito. Pero may kapilyuhang pumasok sa isip niya dahil bigla niyang hinawakan ang kamay nito upang hindi agad bitawan ang fries. Saka niya isinubo ang lahat at mabilis na nginuya at nilunok. Kapagkuwan ay ang hintuturo naman nito ang ipinasok niya sa bibig at sinipsip. Narinig niya ang malakas na pagsinghap ng asawa. Kaya naman nilingon niya ito at kitang-kita niya ang pamimilog ng mga chinita nitong mata. While staring at her intimately he started to suck her forefinger. And he was enjoying seeing her reaction even it also send fire to his own body. Ang sunod-sunod at malakas na busina ang nagpahinto sa kanyang ginagawa. At maging ang asawa ay mukhang natauhan dahil mabilis nitong binawi ang kamay mula sa kanya. "Istorbo!" mahina niyang bulong saka pinaandar na ang kanyang kotse bago pa niya pagbabanggain ang mga kotse nasa likuran nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD