Chapter 29 SHAVER

1375 Words

HINDI MAIPINTA ang mukha ni Khaira habang inaayos ang higaan. Naiinis siya dahil nagtagumpay si Peter na masunod ang gusto nito. Marahas siyang napabuga ng hangin at wala sa sariling pinanggigilan ang hawak na unan. "Kawawa naman 'yan at walang kalaban-laban." Nahinto siya sa ginagawa at tinapunan ng tingin ang pinagmulan ng boses. 'Ang kapal talaga ng mukha at feeling at home na!' "Stop murdering me in your mind, Qīzi," nakangisi pa nitong wika. Binitawan niya ang unan saka namaywang. "Who gives you the right to get inside my room?" inis niyang tanong. "Correction, it's our room from now on." Ipinagdiinan pa talaga ang salitang 'our' as if naman papayag siya. "Gusto ko na magpahinga pero kailangan ko muna mag-shower. May I use the restroom?" Umalis ito sa pagkakasandal sa may pader.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD