Chapter 2: First Chat

1591 Words
MAHILIG magpadala noon ng love letters ang mga magulang ko sa isa’t isa. Kaya ang ang sabi ni Mama, ang old school ng love story nila ni Papa. At hanggang ngayon, tinatago pa rin ni Mama ang mga sulat nila bumaha man o bumagyo. Pero iba na nga raw ang panahon ngayon. Mas madali na ang komunikasyon dahil may text at chat naman. Basta may load at internet, walang problema. Kaya nga kahit nakakulong pa rin ako sa bahay dala ng pandemyang kinakaharap ng buong mundo, a dating app helped me connect to someone I find really attractive; and of course, someone I would really want to get to know better. Ang problema nga lang, hindi ko alam kung ano ang dapat unang sabihin. Hindi naman kasi naituturo ng mga teacher kung paano dapat makipag-socialize. You have to figure this out on your own, face-to-face classes man o hindi. Sa dating app kasi na na-download ko, ako ang unang kailangan mag message para makapag message din si Marco sa akin. Kapag hindi ako sumagot within 24 hours magmula noong nag match kami, mawawala na siya sa inbox ko at mahihirapan na ulit akong hanapin siya sa app. Mahirap nga lang maghanap sa labas ng app dahil first name lang namin ang makikita sa profile. Hindi pa ako ganuon kagaling mag stalk online para makita ang iba pa niyang social media accounts. And even if I find one, it would be weird to suddenly add and message him. Bumuntong-hininga ako. Naiisip ko pa lang na kailangan ko na naman mag swipe nang mag swipe kapag hindi sumagot si Marco ay parang gusto ko na lang burahin ang dating app na ito. Madaling araw na pero nakatitig pa rin ako sa profile ni Marco. Looking at his pictures, I’m glad he didn’t upload an image of him showing off his abs – kung mayroon man. Imbes kasi na matuwa ako katulad ng iba, kabaliktaran lang ang nangyayari. Judgmental na pero pumapangit lang ang tingin ko sa tao. Ang feeling at papogi masyado. And I’m also glad that he didn’t include a photo of him with a car para magyabang katulad ng iba. Mukha naman kasi siyang mayaman. Imbes na kotse, kasama niya ang aso niyang corgi sa isang litrato na talagang kumuha ng atensyon ko. I even had to screenshot it for keepsake. Naisipan kong i-zoom ang isang litrato niya kung saan nakasuot siya ng brown sweater, nakangiti at nakatingin sa direksyong taliwas sa camera. Mukhang kuha pa ito sa studio kaya papasa talaga siyang modelo. Candid shot ito at ang ganda ng ngiti niya kaya ilang segundo rin akong tumitig. Parang may talent siya. He can look really friendly and cute when he’s smiling, and dangerous and hot when he’s not. Napansin ko pa ang bawat detalye sa mukha ni Marco. He has fair skin and a medium-length fringe haircut. ‘Yong gupit na papasang playboy. Mukha rin siyang malinis dahil wala naman siyang bigote o ‘di kaya balbas. Ang tumatak lang sa akin ay ang kanyang nakadepinang panga. Mukha siyang bilib na bilib sa sarili dahil dito. Dahan-dahang napunta ang mga mata ko sa labi niya. It was shaped like a cupid-bow which complements his dark brown eyes. Animo nakikipagusap ang mga mata niya sa akin. At ang pinaka kinainggitan ko ay ang tangos ng kanyang ilong. Hindi ko tuloy napigilang hawakan ang akin na alam ko namang hindi katangusan. Nagpapadyak ako sa kumot ko dahil ilang oras na pero hindi pa rin ako makaisip ng magandang first message kay Marco! Kailangan maging interesado siya makipagusap sa akin! “Ano ba, ‘nak? Magpatulog ka naman!” saway ni Mama na nasa unang palapag nga pala ng double deck. Tumigil agad ako sa pagkilos dahil baka bumangon pa ito para tingnan kung anong nangyayari sa akin. Nagtatago pa naman ako sa loob ng kumot, tanging liwanag lang ng phone ko ang makikita sa kwarto dahil nakapatay ang mga ilaw kapag natutulog kami. Kaming dalawa ni Mama ang magkasama sa kwarto samantalang sina kuya naman ang magkasama sa isa pang pinto. Naisip ko nang tanungin si Mama o ‘di kaya ang mga kuya ko tungkol sa pwede kong i-send kay Marco. Pero malalagot lang ako sa kanila kapag nalaman nilang may dating app akong sinalihan. That’s why I decided to just keep this to myself for now. Huminga ako nang malalim at ibinalik ang atensyon sa screen ng phone ko. I started typing “Hello,” but removed it. Masyadong simple. Sinubukan ko naman ang “Hi, this is Tiara Louise Uy…” kaso masyadong boring kaya inalis ko rin. Kung anu-ano pang messages ang na-type ko pero lahat ay binubura ko bandang huli. They just didn’t sound natural for me. Nagsisimula na akong mag overthink kaya pinaalala ko sa sarili ko na ginagawa ko ito as a diversion. Hindi para magdagdag ng sakit ng ulo. I don’t want to pretend to be someone I’m not just for other people to like me. Kung hindi na mag reply si Marco dahil lang sa first message ko ay kawalan niya iyon. Ayos na rin iyon, at least hindi kami nagsayang ng oras pareho. I can simply move on and find someone else to talk to. So in the end, I chose to send a dog GIF. *** Halos isang taon na rin kaming magkausap ni Marco; isang taon na rin akong nalilibang kahit na nasa bahay lang parati. Dahil kay Marco, pakiramdam ko hindi ako mag-isa. Paano’y sa araw-araw ay hindi siya nawawala. May kakwentuhan ako at kasabay mag-aral sa mga online classes ko. Kung minsan pa nga ay tinutulungan niya ako sa mga lessons na nahihirapan ako dahil nalaman kong pareho lang pala kaming nasa senior high. Sa totoo lang ay naging inspirasyon ko si Marco kaya nagkaroon ulit ako ng ganang mag-aral. Nakatakas din ako kay Papa. Dahil palagi kong kausap si Marco, nagkaroon ako ng dahilan para makaiwas. Ang alam lang sa bahay ay may kaibigan akong laging ka-chat. Hindi na nila kailangan pang malaman kung sino at saan kami magkausap. For sure they won’t understand. MARCO: Anong ginagawa mo? TIARA: Thinking about how we started. My first message was a dog GIF and he replied the same in an instant. Anong oras na noon kaya nakakagulat na gising pa pala siya. Katulad ko ay hindi rin daw siya makatulog. Ang sabi niya ay may insomnia siya at hindi ko na ito masyado pang inungkat noon. Sinong mag aakalang mula sa simpleng GIF, ngayon ay umaabot na ng ilang talata ang mga messages namin ni Marco sa isa’t isa. Older people were wrong when they said that our generation don’t value long messages anymore. Dahil kung mababasa nila ang mga pinapadala naming messages sa isa’t isa, siguradong mahihiya ang mga love letters nila. Ganuon pala siguro talaga, kadalasan ay mas kumportable pa tayong mag kwento sa mga taong hindi natin kakilala. Dahil may parte sa ating umaasang ‘di tayo mahuhusgahan. Ito kasi ang nangyari sa amin ni Marco. We opened ourselves wholeheartedly, knowing that the other person would be very much willing to think from our perspective. Nakakatuwa rin kasing kausap si Marco. Siya ang madalas mag initiate ng topic na para bang pinapakita talaga niya sa akin na interesado siyang kausap ako. Kahit noong nag send siya ng GIF, sinundan niya agad ito ng pag kumusta sa araw ko. He asked what was my favorite part of the day. At nagpakatotoo ako. Sinabi ko sa kanya na natuwa ako noong nag match kami dahil bago lang ako sa dating app. Wala naman kasi akong ibang masabi dahil ang boring at paulit-ulit lang ang araw ko. And so, I returned the same question. Akala ko magiging predictable at flirty ang sagot niya just to please me. Kaya naman mas humanga ako nang ikwento niya sa akin na natuwa siya sa kanyang corgi dahil naturuan niya ito ng bagong tricks. There is something genuine and playful with the way Marco communicates with me that has drawn me more. At dahil dito, isang taon na kaming naguusap pero hindi ako nagsasawa. May mga similarities kami pero ‘yong mga pagkakaiba pa namin ang pakiramdam ko mas nakapaglapit sa amin. Para kasing bawat araw, may bago akong nalalaman sa kanya. Even though we are in a dating app. Pareho kaming hindi naghahanap ng something serious. Kaya naman we kept our relationship casual and fun with no expectations and responsibilities from each other. We’re like two friends hanging out every day in the virtual world, with the door to dating left open just in case one decides to have a change of heart. MARCO: Wow. What made you look back? TIARA: Our old messages? Binalikan ko kasi. MARCO: Ang layo na nun ah. Ang sipag mo talaga. TIARA: Ay grabe! Hindi ah! I just can’t believe you’re still chatting with me. Hindi ka ba nabo-bored? MARCO: Hindi. Bakit naman? To be honest, I always imagine hearing your voice, so I’ve never been bored. MARCO: Is it okay if I call? I just want to hear you. My heart skipped a beat with the message Marco just sent. Noong nagsisimula pa lang kasi kaming mag-usap, hindi ako kumportableng sa phone call at lalo na sa video chat kaya umpisa pa lang, sinabi ko talagang hanggang chat lang ako. Hindi naman ito naging issue dahil siya rin, mas gusto niyang makipag-chat lang noon. And I guess one year of chatting deserves a reward. TIARA: Okay. I would love to finally hear his voice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD