Chapter 3: First Phone Call

1681 Words
DEEP. Kung ide-describe ko ang boses ni Marco gamit ang isang salita, ito ang masasabi ko. Nagtago ako sa loob ng kwarto bago sinagot ang tawag niya sa dating app na gamit namin. Mabuti at nasa baba pa si Mama, naghuhugas ng plato, kaya naman na-solo ko pa ang kwarto. Naging maingat ako lalo na’t hindi naman nila alam ang tungkol kay Marco. “Hello?” Ito ang unang salitang narinig ko sa kabilang linya. Dahil dito’y agad nagkagulo ang mga paruparo sa tyan ko. “H-Hi!” Napapikit ako nang mariin dahil sa pagkautal ko.   “Kinakabahan ka ba?” tanong niya na para bang nakangiti siya sa mga oras na ito. Kinagat ko tuloy ang ibabang labi ko, ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. I’m just not used to talking with guys other than my brothers kaya ganito na lang ang epekto sa akin ni Marco. “Slight?” tumawa ako nang mahina. Nakatulong ito kahit papaano para mabawasan ang kaba ko. Kayo ba naman ang unang beses na magkarinigan ng boses pagkatapos mag chat lang ng isang taon, imposibleng hindi ka nerbyosin. “You have nothing to be nervous about. Ako lang ‘to,” he assured me before I heard his heartfelt laugh. “I’m your angel, right?” Napangiti ako dahil naalala ko kung saan nanggaling ‘yong huli niyang sinabi. Sabay kasi naming pinanuod ‘yong pelikulang A Walk to Remember. Ito ‘yong nobelang isinulat ni Nicholas Sparks. Nakwento ko kasi sa kanya na hindi ko pa ito napapanuod dahil alam ko nang malungkot ang ending. Pero siya itong naging mapilit dahil paborito pala niya ito. I didn’t expect that he’s a hopeless romantic and sentimental. Hindi naman kasi ito nakalagay sa dating app profile niya. Dahil hindi naman niya mismo nakita ang panunuod ko, nagkaroon pa kami noon ng question and answer portion para makumpirma niyang nagsasabi talaga ‘ko ng totoo. Naka seven out of ten naman ako kahit papaano! May mga na-skip kasing akong parte dahil hindi kinakaya ng puso ko. Natawa pa nga ako dahil kinailangan ko pa talagang magbigay ng short movie review sa kanya. Kaya nga dito ko mas napatunayang matalino siya. He’s a sensible man at hindi lang puro face value katulad ng palagi niyang ipinopronta. Kung sabagay, mas madali nga namang sabihing wala kang alam kaysa patunayang mayroon. “Jamie Sullivan lang?” I chuckled. Si Jamie ang bidang babae sa pelikula at si Landon, her love interest, ang sinabihan niya ng ‘You’re my angel’ bago siya namatay. Medyo kinabahan pa ako noong natahimik si Marco sa kabilang linya. Baka kasi hindi mabenta ang sinabi ko at pinagsisihan niya agad na nagtawagan pa kami dahil ang corny ko kausap. Kung anu-ano na agad ang tumatakbo sa isip ko. Kaya nakahinga ako nang tumikhim siya at narinig ko ulit ang boses niya. “Gusto ko lang sanang magpakilala ulit sa ‘yo,” sabi niya kahit na ang tagal-tagal na naming magkausap. I can’t help but appreciate whenever he’s being such a gentleman katulad na lang ngayon. Pwede namang hindi na niya ito gawin pero siya pa mismo ang nag open ng topic. Paano’y unconventional naman kasi talaga magpakilala sa isa’t isa nang thru chat lang katulad ng nanyari sa amin. “I’m Marco. Thanks for making my year special.” Lumawak ang ngiti sa labi ko. I knew he can be sweet – but it felt different now that I can hear him. “Hi, I’m Tiara. Ang ganda pala ng boses mo. Kumakanta ka ba?” Humalakhak siya. Nagmukha yatang biro ang sinabi ko kahit seryoso talaga ako. Parang gusto ko pa tuloy makaisip ng magandang linya para marinig ko pa ulit ang pagtawa niya. “Oo. But don’t get your hopes up.” “Talaga? Sample naman!” panunukso ko.   “What? No! Mukhang mas maganda nga ang boses mo kaysa sa akin eh.” Bumilog ang bibig ko. “Aba ba’t ako? Bakit nabalik sa ‘kin bigla?” Tumawa ako. “Ikaw ang umaming kumakanta ka eh! Sige na, parinig naman! Ano bang mga trip mong kanta?” “OPM. Pero next time na lang talaga. ‘Pag nagkita na tayo,” sabi niya kaya napairap at iling ako sa kawalan habang hindi maalis ang ngiti sa labi. Ibig sabihin, he’s thinking of meeting me in person someday. “Ay sus! Matagal pa ‘yon eh. Saan-saan ka na ba nakakanta noon?” “Sa school lang. It’s just a stupid band we made for fun.” “Kasali ka sa isang banda noon?!” Lumaki ang paghanga ko sa kanya. Hindi naman kasi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong makakanta sa eskwelahan – lalo na ang mapabilang sa isang banda! At dito na nauwi sa bolahan at tawanan ang halos kalahating oras na pag-uusap namin. Pinutol namin sandali ang tawag dahil kinailangan kong makahanap ng ibang pwesto. Umakyat na kasi si Mama kaya patay kapag nahuli kaming magkausap. Nagpunta na lang ako sa terrace ng bahay namin. May upuan naman kasi rito kaya pagkapwesto ko’y niyakap ko ang mga hita ko. Ako na ang tumawag kay Marco. Unang ring pa lang, sinagot na niya. “Baka mapagalitan ako ng pamilya mo ah. Baka sabihin masamang impluwensya ‘ko sa ‘yo,” sabi niya na tinawanan ko. Alam kasi niyang wala akong pinagsasabihan ng tungkol sa amin. At ganuon din naman siya. It’s as if we became each other’s greatest secret. “Sira! Hindi ‘no! Tsaka ako muna ang unang-unang mapapagalitan sa ating dalawa ‘pag nagkataon. Kaya kapag turn mo na, for sure pagod na sila!” Nang marinig ko na naman ang pagtawa ni Marco, pakiramdam ko ay mas gusto ko na talagang makipagtawagan sa kanya kaysa makipag-chat lang. Masaya na kasi siyang kausap sa chat pa lang, pero ngayon ko napatunayang mas masaya pa pala kapag naririnig ko talaga ‘yong mga pag-HAHA at emojis niya noon na nai-imagine ko lang sa chat box. “Kumusta pala si Buster? Ayos na siya?” tanong ko patungkol sa kanyang asong Corgi. Pinangalanan daw niyang Buster ang kanyang aso dahil noong unang beses na nabili nila ito ay sobrang g**o nito sa kanilang bahay. May mga mamahaling gamit itong nasira noon kaya muntik nang mapalayas. Well, he’s a buster indeed. Kinumusta ko si Buster dahil ang sabi niya sa ‘kin sa chat kahapon ay matamlay daw ito at hindi kumakain. Pakiramdam ko kasi parang alaga ko na rin ito. Sa araw-araw ba naman naming pag-uusap ni Marco, imposibleng hindi siya maging topic. “Ito nasa braso ko. Ayaw humiwalay.” Tumawa siya nang mahina. “Buster, say hi to Tita Tiara…” Napangiti ako nang marinig ko ang halinghing ng kanyang aso. “Hi, Buster! ‘Wag ka nang maglikot ah,” sabi ko pa rito. “Pero bakit naman Tita? Hindi ba pwedeng Ate man lang?” “Wala na. Hindi na natin mababago,” sabi ni Marco na nagpatawa na lang sa akin. “Nasaan ka ba nyan ngayon?” tanong ko naman. “Sa kwarto. Wala namang ibang tao rito kaya ayos lang.” “Wow. Sana all may sariling kwarto. Pangarap ko rin ‘yan eh. Kaya lang apat kasi kami rito sa bahay at dalawa lang ang kwarto,” sabi ko naman. “Gusto ko ngang mag-alaga ng aso kaya lang ayaw nila rito sa bahay. Tsaka gastos lang daw.” Noong umalis si Papa, kakalipat lang namin dito sa bagong bahay. At hanggang ngayon ay binabayaran pa rin namin ito. Maswerte na kaming may dalawang kwarto kami ngayon at magiging amin na ang bahay after five years. Dati kasi ay para kaming sundalo kung matulog sa apartment na tinutuluyan namin. “Ayos lang ‘yan. Sigurado ako. When we’re older, you’ll have much bigger than a room. Magkakaroon ka ng sariling bahay at maraming aso. Basta ‘wag mong kalimutang bigyan ng girlfriend si Buster ah!” Sabay kaming tumawa sa huling niyang sinabi. “At alam mo, it’s actually a good thing that you have two brothers. At least hindi lang ikaw ang maikukumpara sa kapatid mong achiever,” sabi naman niya na alam ko na agad ang hugot. Nakwento na kasi niya sa akin ang issue niya sa kanyang Kuya at mga magulang noon. Paano’y magka-chat pa lang kami, marami na kaming seryosong bagay na nasabi sa isa’t isa. Ako ‘yong tungkol kay Papa. At siya naman ‘yong tungkol sa kanyang Kuya. Alam kong ito ang mga bagay na sensitibo kaming pag-usapan. Kaya naman hindi na ako nagtaka nang baguhin niya ang usapan. “Anyway, napakinggan mo na ba ‘yung kantang Habang Buhay ni Zach Tabudlo?” At para bang nahulaan na niya ang isasagot ko kaya naman nag play siya agad ng tugtog sa backgrounf. ~Aking sinta, ano bang mayroon sa iyo~ Pamilyar ako sa kantang ito pero ngayon lang ito naging espesyal sa akin. Napangiti ako at sumandal pa lalo sa upuan ko. Tumingin ako sa langit at dito natanaw kahit papaano ang iilang bituin ngayong gabi. Hinampas ko ang malaking lamok sa hita ko. “Ang lutong nun ah,” komento ni Marco sa kabilang linya na nagpatawa sa akin. “Narinig mo pa ‘yon?” tanong ko at hindi pa rin nahinto sa pagtawa. Sana ay hindi pa ito ang una’t huling phone call namin ni Marco. *** At hindi nga ito ang naging una’t huli. Paano’y halos araw-araw kaming nagtetelebabad ni Marco sa cellphone. Mula sa simpleng pakikipag-chat lang sa kanya, nakagawian na namin ang pagtawag sa isa’t isa. Kinakausap ko siya kahit malalim na ang gabi. Sa terrace ako nakapwesto kahit pinapapak na ‘ko ng lamok. Inaabot kami ng madaling daraw dahil ilang oras kaming magkausap. Maigsi na ang two hours sa amin. Nagtataka na nga ako kung ano bang nagpapahaba sa pag-uusap namin. Paano’y madalas sumasakit ang panga ko kakatawa. We just talk about everything under the moon. ‘Yong unang tawag namin ay nagkaroon ng pangalawa, pangatlo, pang-apat… Hanggang sa dumating ang araw ng birthday ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD