CHAPTER 15

1287 Words
WHAT is he doing here? Kumabog ang dibdib ni Tiffany nang hindi sinasadyang napasulyap siya sa isang panig ng pool area. Nang masalubong niya ang mga mata ni Andrew ay hindi niya napigilan ang reaksyon ng puso niya. Bakit ba kung mag-react iyon ay parang matagal na silang magkakilala ni Andrew. Samantalang kahapon lang naman talaga sila nakapagusap ng maayos. Nang magbigay ng hudyat ang photographer na tapos na ang shoot ay mabilis siyang lumayo kay Harold. Bigla ay parang nahiya siya na nakadikit siya sa katawan ng kung sinong lalaki. Nakalapit na siya sa gilid ng pool at paahon na nang may kamay na sumulpot sa harapan niya. Napatingala siya. Parang nahulog sa tubig ang puso niya nang makita si Andrew. Nakayuko ito sa kanya at nakalahad ang mga kamay. Buong puso niyang tinanggap iyon. Walang kahirap-hirap na naiangat siya nito mula sa pool. Nalanghap niya ang pamilyar na amoy nito. And it kinda soothes her. She’s really acting weird. “Done?” kaswal na tanong nito. “O-oo. Anong ginagawa mo rito?” takang tanong niya. Tipid itong ngumiti at hinatak siya palapit sa kanina ay inuupuan niya. Naroon ang maleta niya. Napansin niyang hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya. “Napadaan lang,” simpleng sagot nito. Nang makarating sila roon ay agad nitong kinuha ang roba niya at iminuwestrang isuot niya. Isinuot naman niya agad iyon. Hindi siya naniniwalang napadaan lang ito. Wala iyon sa karakter nito. Hindi naman kailangang matagal na silang magkakilala bago niya pa malaman ang bagay na iyon tungkol dito. Nang mapasulyap siya kay Mandy na abala sa pakikipagusap sa photographer ay bahagya siyang nadismaya. Malamang si Mandy ang pinuntahan nito at kaya lamang ito lumapit sa kanya ay dahil ayaw pa nitong istorbohin ang babae. “Dinadalaw mo ba si Mandy?” hindi rin nakatiis na tanong niya rito. Bahagyang kumunot ang noo nito. “Ah, you already knew,” komento nito. “It’s quite obvious,” malamig na sabi niya. Mataman siya nitong pinagmasdan. Nag-iwas siya ng tingin dahil hindi niya matagalan ang titig nito. Na nais niyang pagisishan dahil napansin niyang pasimpleng tumitingin sa kanila ang mga tao roon. Si Harold lamang ang tila hindi itinatago ang pagkakatingin sa kanila ni Andrew. Bakit hindi, e ngayon lang may dumalaw sa kanya sa set. At hindi pa talaga siya ang dinadalaw nito. Naipagpasalamat niyang hindi niya nakikita si Coffee sa paligid. Kung hindi tiyak na magiging laman sila ng Star Magazine kung sakali. Muli siyang napabaling kay Andrew nang bigla nitong hawakan ang pisngi niya. Napatitig siya rito. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha niya. Kumunot ang noo nito at tumingin sa kanyang mga mata. Lalo lang nagrigodong ang puso niya. “Mainit ka pa. Kagagaling mo lang sa sakit nagtrabaho ka na agad. Paano kung mabinat ka ha,” sabi nito na tila nanenermon ng isang bata. “I am okay,” nasabi na lamang niya. “You are not okay. Mahirap magkasakit ngayon. Kaya hindi ako mapakali eh. Buti na lang nalaman ko kung saan ang photoshoot mo.” Napatitig na naman siya rito. Siya ang dahilan kung bakit ito naroon? Iniwan nito ang trabaho nito dahil concerned ito na baka mabinat siya. Parang may bumarang kung ano sa lalamunan niya. s**t, Tiffany don’t cry. Ang babaw na dahilan gusto mo pang iyakan. Saway niya sa sarili.  Ngunit may isang parte ng isip niya na nagsasabing hindi iyon mababaw. Dahil ngayon lang siya nakakilala ng isang tao – maliban kay Andi, na nagpakita sa kanya ng labis na concern. Isang workaholic pa na iniwan ang trabaho para lang makasigurong okay siya. Damn, I will really cry any minute. Tumikhim siya. “M-magbibihis na ako.” Ngumiti ito at inalis ang kamay sa pisngi niya. “Mabuti pa nga. Bilisan mo lang. hihintayin kita.” Napatingin na naman siya rito. Anong ibig sabihin nito? Lalong lumawak ang pagkakangiti nito. “Iniwan ko kay Clever ang sasakyan ko. Makikisabay sana ako sa iyo pag-uwi. Don’t worry para makabawi, mag aastang driver mo ako.” Hindi niya tuloy naiwasang mapangiti sa sinabi nito. God, he’s just so adorable. “Okay. Wait here.” Nang tumango ito ay mabilis na siyang nagpunta sa dressing room.   “WHO is that guy?” Gulat na napatingin si Tiffany sa pinto ng katabing dressing room  niya nang paglabas niya ay marinig niya ang boses ni Harold. Nakabihis na rin ito at may nakakatakot na ekspresyon sa mukha. Kinilabutan siya. “So? Who is he?” tanong nito na nagsimulang lumapit sa kanya. Napaatras siya ngunit pinanatili niyang nakataas ang noo. “That’s none of your business,” malamig na sagot niya. Naningkit ang mga mata nito. Bago pa siya nakahuma ay nahagip na nito ang mga balikat niya at marahas na naisandal sa pader. His eyes full of malicious desire. “Ano ba? Let me go!” galit na sita niya. “Let’s quit this chasing game already Tiffany. Pinagbibigyan lang kita noon dahil wala akong napapabalitang lalaking nalilink sa iyo. But who is that nobody guy na bigla lang sumulpot ay para ka ng maamong tupa? I don’t like that soft expression of yours when you’re with him. I want you to remain the Ice Queen Tiffany. I want you to melt in my arms,” dere-deretsong sabi nito na humigpit ang hawak sa mga balikat niya. Napangiwi siya. “I said let go of me! Ano ba San Andres!” sigaw niya rito. nag-iwas siya ng mukha nang tangkain siya nitong halikan. Nasaan na ba ang mga tao? She needs help. “I said sto – Bago niya pa naituloy ang sasabihin ay may kung sino ng humila kay Harold palayo sa kanya. Pagkuwa’y bumalandra ito sa sahig matapos makatikim ng malakas na suntok sa mukha. Awtomatiko siyang napatingin kay Andrew. She was caught off guard by the anger on his face. Parang handa itong paulanan ng suntok si Harold. Nang tangkang lalapitan pa nito ang lalaking nakahandusay sa sahig ay napahawak siya sa braso nito. Nagpapigil naman ito ngunit masama pa rin ang tingin kay Harold. “That would be the last time you will come close to her did you hear? Or else babasagin ko na talaga ang ikinabubuhay mo,” banta nito. Pinunasan ni Harold ang dugong nasa gilid ng mga labi nito at nanlilisik ang mga matang nakatitig kay Andrew. “Go to hell!” asik nito. Andrew smiled evily. “Mauuna ka roon kapag umulit ka pa. Let’s go,” malamig na sabi nito sabay hawak sa kamay niya at inakay siya. Namataan niya si Mandy na mukhang kanina pa naroroon. “Mauuna na kami Mandy,” sabi rito ni Andrew. Ngumiti si Mandy at sumulyap sa kanya. Pagkuwa’y sa magkahugpong nilang mga kamay ni Andrew. Bigla siyang naguilty at tinangkang bumitaw ngunit hinigpitan lamang ni Andrew ang pagkakahawak nito. Hindi tuloy siya makatingin ng deretso kay Mandy. “Sasabihin ko ba ito kay Coffee? Siguradong matutuwa iyon dahil malaking scoop ito. Paborito pa naman ng publisher ‘non ng eskandalo,” sabi ni Mandy na humagikhik pa. Noon niya ito sinulyapan. Mukhang hindi naman ito apektado sa nakita nito. Labis niya iyong ipinagtaka. “Huwag mo munang sabihin kay Kape ang bagay na ito. Saka na lang kapag umulit. Sige na,” balewalang sabi nito. Oo nga pala, malapit din ito kay Coffee. Tumingin sa kanya si Mandy at ngumiti. “I hope you’re okay.” Tipid niya itong nginitian at tumango. Muli itong bumaling kay Andrew at malawak na ngumiti. “Paano? Bye brother.” Brother?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD